Monday, December 3, 2012

Yung taong...


Hindi mo naman kilala sa personal pero feeling close kayo online.

Hindi mo kaibigan. Hindi mo rin kaaway. Pero kung makipagkulitan kayo sa isa`t isa at kunwari
nagkakatampuhan, daig n`yo pa ang mag-jowa.

Hindi mo naman syota pero kung makapag-PDA kayo online, lalanggamin na ang mga laptop ninyo sa sobrang ka-sweet-an.

Hindi mo alam ang takbo ng isip pero kung makasabay akala mo iisang utak lang ang gumagana.

Hindi mo boyfriend pero kung magpost siya na parang nagseselos, natutuwa ka pa.

Lagi kang natatawa sa mga comments at PM niya tungkol sa drama ninyo.

Hindi mo naman crush pero kung kiligin ka sa mga comments niya, wagas!

Wala ka namang gusto pero tinutukso pa rin kayo ng mga kasamahan n`yo at forever love team kayo.

Kahit anong sama ng araw mo, nagiging okay ang lahat kapag naka-chat mo siya or nagkausap kau sa comment box.
---
May kilala ba kayong ganyan? Ako kasi meron. Siya iyong taong nagpapangiti sa akin nang walang dahilan! Sino siya? Sekreto...Basta hindi si Gil iyon. Haha!

No comments:

Post a Comment