Tuesday, December 4, 2012

Feeling Songwriter


Alam n`yo bang aside sa story writing, may isa pa akong kinahihiligan? Writing pa rin. Hehehe. Songwriting. Oo, feeling songwriter din ako. 

Well, noon kasi mahilig na talaga akong magsulat ng poem lalo na kapag about love. Sobrang dali lang makahanap ng words lalo na pag Tagalog. Sisiw sa akin iyan. Hahaha! Yabang lang?

Bago pa man ako natutong maggitara, may mga naisulat na rin akong kanta. Kinakanta ko lang sila. Kaya noong natuto na akong tumugtog, mas lalo akong na-engganyong magsulat. 

Unang live performance namin iyang larawan sa taas. Requirement kasi namin sa Humanities 1. Medyo matagal din kaming nakaisip nang isusulat naming kanta. Kailangan kasi own composition. Aside sa lyrics, di rin namin alam ang magandang chords. But then, naalala ko ang pinaka-basic, pinakamadali at pinaka-common na chords sa balat ng lupa: D-A-G-A. May ideya na ba kayo kung anong kanta ang agad kong naisip? Hahaha. Oo, ang pinakasikat na kanta ni Ronan Keating na "When You Say Nothing at All". 

So noong maka-decide na ako ng chords at tono, I asked them to give me five minutes of silence. And then poof! May nagawa na ako agad. Alam n`yo kung sino ang inspirasyon ko sa kantang iyon? Si Harry Potter  

of my life lang naman. Hehehe. Taz I presented to my group mates kung gusto ba nila iyon with the guitar. Nagustuhan naman nila and we fixed the chorus part. 

Mula noon, nagsimula na akong mag-compose ng mga sarili kong kanta. Mga simpleng lyrics with simple chords and simple strum. Halos lahat patama ko sa manhid o torpe kong crush noon. Hahaha!

Teka nga, bakit ko ba naisipang isulat ito? Ah, eh, kasi nami-miss ko lang si Gil. Wala akong ibang mas tamang kantang bagay sa mood ko ngayon kundi itong kantang ginawa ko. Applicable rin pala kasi sa iba kong crushes. Akala ko kay Kuya Harry Potter lang. Hehe.
Oh, heto na:

Ikaw Lang Talaga. 
Intro: D-A-G-A


(D-A-G-A)
Noong una kang makita
Puso ko`y nabihag mo na
Di ko alam kung paano
Isip ko`y litung-lito

(D-A-G-A)
Mula umaga hanggang gabi
Sa gunita ikaw lagi
Di maalis sa isip ko
Parati na lang sa panaginip

Chorus: 
(D-G-D-G)
My love, don`t you ever know
In love ako sa iyo
Walang biro sa sinabi ko, oh
(D-G-D-G-D)
My love, sana`y pakinggan
Iyong paniwalaan na 
ikaw lang talaga...
(A-G-A)
Ha...ah...ha

(D-A-G-A)
Sana`y madama pag-ibig ko
Laan lamang para sa iyo
Umaasang diringgin mo
Pintig ng puso ko

Chorus

Bridge:
Kung kasalanan man 
ang mahalin ka
Patawarin mo
`yoko nang maging tama

Chorus

(Outro until Fade)

G-D
Ikaw lang talaga...
Ikaw lang talaga...
Ikaw lang talaga...

--
Oh, ano? Pasado na ba ang lyrics? Hahaha. My first composition kaya sobrang special sa akin ang kantang ito. Parinig ko sa inyo next time.

No comments:

Post a Comment