Monday, September 16, 2013

Saan Nagmula ang Galit Ko sa mga Plagiarists?

Galit ako sa tuwing may nahuhuli akong nangongopya ng mga stories sa TOP at inaangkin itong sa kanya. Kahit sabihin pang hindi naman niya inangkin ang kwento, pero hindi naman din niya sinabing hindi sa kanya iyon, that`s still unforgivable. Kahit pa nilagay niya ang pangalan ng author as credits, pero nasa page niya iyon nakapost at worst, hindi siya nagpaalam sa mismong author nito. O kahit pa nagpaalam siya sa mismong author na kokopyahin niya at ilalagay sa page niya, UNDER TOP`s LAW, that`s still Plagiarism. It`s clearly stated in our site:


TOP COPYRIGHT NOTICE, BEWARE

Ang TOP ay libre para sa personal na pangangailangan. Kung ito ay iyong kokopyahin, mangyari po lamang na bigyan ng kredito ang manunulat, direct link sa TOP at sabihan po kami kung saan ninyo ito ginamit. Hindi namin pinapayagan ang sinuman na gamitin ang aming mga kwento para sa kanilang pang-sariling interes lamang. Kung ito ay inyong susuwayin, mapupunta kayo sa aming Shame Wall. Maraming salamat at maligayang pagbabasa!


Tanga lang talaga ang hindi nakakaintindi nito. O talagang gawain n`yo na ang mangkopya ng gawa ng iba para lang sumikat kayo? Ganyan na ba kayo kadesperada? Kung gusto n`yong sumikat, magsikap kayo! 


--

Curious why such an anger? Una, galit ako sa mga taong nagmamagaling, eh wala naman palang ibubuga. Pangalawa, galit ako sa mga magnanakaw lalo na kung ang bagay na ninakaw sa akin ay napakaimportante. Pangatlo, galit ako sa mga Plagiarists.

Saan nga ba nagsimula ang galit kong ito at parang gusto kong kainin ang mga taong nahuhuli namin? 

When I was in high school, nagkaroon kami ng project na journal sa Filipino. The journal would contain all our exam results for the first part and the second part would be different types of literature in Filipino. Naroon ang tula, dula, maikling kwento at nobela. Kahit hindi naman in-specify ng teacher namin, everything I`ve written there were all my original works (kahit hindi pa ganoon ka-structured ang nobelang isinulat ko noon). Sobrang fulfillment para sa akin nang matapos ko lahat isulat ang mga iyon at ipasa sa guro ko.

Then the next year, it was my cousin`s turn. Naging teacher din niya ang teacher ko at pareho lang din ng final project na binigay sa amin. Nagpaalam siya na hihiramin niya ang journal ko "as reference". Ako naman na nasanay nang hinihiram ang mga old projects ko ng kapatid, mga pinsan at mga younger neighbors ko, pumayag din. Dahil high school na nga siya, I was confident na hindi niya gagawin ang katulad ng mga ginagawa ng elementary students na nanghihiram sa akin--na kinokopya yung lahat ng nandun. Okay lang sa akin iyong sa elementary kasi hindi rin naman akin iyong mga ibang works doon like poems na nakalagay sa English project namin. Mga collection lang sila at pumayag din naman ang guro namin. But this project was different. Pinaghirapan ko lahat at bawat isang salita sa journal na iyon especially dun sa literature.

After niyang matapos ang project niya, ibinalik niya sa akin ang journal ko. Tapos na ang school year. Isang araw napasyal ako sa kanila at nahagip ng mga mata ko ang journal niya. Dahil na-curious ako, binuksan ko iyon. Natuwa pa ako nang malamang iyon pala ang project nila. But as I went through the pages, napansin kong akin yung tulang nakasulat doon. Pagtingin ko naman sa maikling kwento, akin din. And what really made me really angry was nang mabasa ko ang nobelang isinulat ko, word for word, nakasulat sa journal niya. WTF??? Kung pwede ko lang punitin, sunugin o isampal sa mukha niya ang journal niyang iyon. Masakit. Sobrang sakit talaga. I felt betrayed. Pinaghirapan ko iyon, eh. Hindi ako nangopya sa pocketbook. Pinagpaguran iyon ng utak ko na mabuo ang istoryang iyon. Kahit pa siguro iba-ibahin pa ang title o ang characters o i-translate pa iyon, malalaman ko pa ring akin iyon. Masakit lang kasi ang taas-taas ng markang nakuha niya for the project na hindi niya pinaghirapan...or pinaghirapan niya lang kopyahin. Nawalan ng hustisya ang sinulat kong kwento. Parang binaboy! Hindi nirespeto. Iyon talaga ang nararamdaman ko nang panahong iyon. 

We`re both immature that time kaya hindi ko na siya kinompronta. Naisip ko rin, kasalanan ko rin naman. Hindi ko napagsabihan agad na huwag kopyahin iyon. Isa pa, mukhang nasanay na nga siyang ganoon ang ginagawa nila sa mga projects ko. But what the...? Pinaghirapan ko iyon! Iyak na lang ako nang iyak pag-uwi ko sa amin. Wala na akong magagawa, tapos na. Nabigyan na ng marka at tapos na rin ang school year.

Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo sasabog ka na sa galit. Ako kasi iyong klase ng bata noon na umiiyak kapag nagagalit, hindi sumisigaw o nagsasalita. At ayaw na ayaw kong umiiyak ako...kaya iniiwasan ko talaga ang magalit. 

Simula noon, galit na galit na ako sa mga taong gumagawa ng ganoon. I know the feeling kaya ganoon na lang ang galit ko sa mga plagiarists. Pero ngayon, hindi na ako tumatahimik at umiiyak lang sa isang tabi. Hindi ko man naipagtanggol ang sarili at ang isinulat ko noon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na iyon mauulit ngayon. Kaya sa mga copycats na tulad n`yo, humanda kayong lahat sa akin!


Sunday, September 15, 2013

A Series of Weird Thoughts

Since last week, palaging laman ng balita yung nagaganap na bakbakan sa Zamboanga City. Until now, hindi pa rin nareresolba iyon. Ako naman itong hindi masyadong nakikinig sa balita, biglang napaisip ng kung anu-ano. Lately, nagkakaroon na ako ng mga "weird thoughts" tungkol sa mga nangyayaring kaguluhan sa ating bansa. Why weird? Because I`m sure most people  didn`t think about what I`ve been thinking. Sumagi man lang kaya ang mga ito sa isip nila?

WEIRD THOUGHT #1: That incident happened after sumuko  si Janeth Napoles at nailipat sa kulungan niya. Siguro alam naman nating lahat ang tungkol sa PORK BARREL SCAM, di ba? (Haven`t heard of it? Saang planeta ka ba nakatira?) Alam n`yo kung anong nangyari sa akin? I felt something like...dejavu? Para bang nangyari na ang ganitong eksena noon, though not really the exact scene. It`s funny na napansin ko lang na the same pattern ang nangyayari ngayon as noon. Yung tipong kapag may nabubulilyasong malaking sekreto ng mga matataas na opisyal na gobyerno, what follows is kaguluhan from other place of the country? Naalala ko kc yung "Hello Garci" scandal ni Gloria tapos hindi pa yata yun natapos (or natapos na ba? cnxa d talaga kasi ako masyadong nanunuod ng balita), naganap yung Maguindanao Massacre. Anong connect? Wala lang. Ewan. Kaya nga weird, di ba? Bakit ba sumagi sa isip ko ito?

WEIRD THOUGHT #2: Nakita ko sa TV Patrol na may hinarang ang militar na isang van taz pagtingin nila, dalawang babae at isang bata yung sakay nun. Lumabas na daw sila ng bahay kc wala na silang makain at gutom na gutom na sila. But then, may sinabi yung isang babae na wala naman daw MNLF silang nakita maski isa. Puro militar lang ang nakita nila at mga bala ng baril na nagliliparan sa kung saan-saan malapit sa bahay nila. Napaisip lang ako, bakit naman wala? MNLF ang may pakana nito, hindi ba? Sila ang suspek...or suspek pa ba ang tawag sa kanila? Pero napaisip na naman ako, paano nga kaya kung wala naman talaga o hindi naman MNLF ang may pakana nito? Eh, kasi naman, puro militar ang nakikita natin sa TV na nakikipagbarilan...oo may naririnig tayong putok na gumaganti, pero wala naman tayong nakitang maski isang kalaban nila. Wala bang namatay? O talagang hindi lang talaga malapitan? Teka, bakit nga pala MNLF ang pinaghinalaan ng mga militar? (Halatang hindi nagbabasa o nanunuod, ano? haha!) 

WEIRD THOUGHT #3: Ayon kay Nor Misuari, ang lider ng MNLF na sinasabing silang nanggugulo sa Zamboanga City, wala raw silang kinalaman  dito. Eh? Dinial ang peg, teh? Ang dami na ngang nagsilikas at namatay, eh. Pero teka lang, knowing MNLF (Ok, sorry. Hindi ko talaga sila kilala) or the likes of them na may gustong patunayan, or may gustong angkinin, usually kc they will declare and admit it themselves. So, magkaiba kayo ng MILF? Kasi yung mga MILF na lumusob sa amin noon, bulgaran talaga. Nagdedeklara talaga ng giyera kc gusto raw nilang kunin ang lupang dapat sa kanila (Remember the Memorandum Agreement?).  Naisip ko lang, kung ako ang lider ng grupo nila at nakikita kong parang "successful" ang first move namin na guluhin ang area, di ba dapat proud ako? "AKO ANG MAY GAWA NIYAN! MATAKOT KAYO SA AKIN!" Hindi ba dapat ganyan ang sasabihin mo? Weird, noh?

WEIRD THOUGHT #4: Kababasa ko lang sa Daily Inquirer na may narecover daw na bangkay ng mga MNLF, pero di naman ipinakita ang actual photo ng mga na-recover na dead bodies or photos of militar carrying them or something like that. Ibang photo ang nakalagay dun sa news section na iyon. Bakit kaya? Siguro hindi allowed ang media na lumapit sa area na iyon. Natural, delikado naman kasi masyado. Baka tamaan pa sila ng ligaw na bala, noh? Hmm...*knods head*

WEIRD THOUGHT #5: Alam n`yo kung ano talaga ang naiisip ko? Na palabas lang ito lahat upang ilihis na naman tayo sa issue ng PORK BARREL SCAM. Ang weird ko talagang mag-isip, ano? Hay ewan ko ba! Masyado na rin siguro nagiging magulo utak ko sa dami ng kaguluhang nangyayari sa bansa natin. 

Anyways, let`s pray for the safety of all our fellowmen especially the civilians who were just victims of this unforgivable act. Sana naman magkaroon na ng katahimikan sa Zamboanga City, sa buong Mindanao at sa buong bansa natin. AMEN!