Showing posts with label TOPpers. Show all posts
Showing posts with label TOPpers. Show all posts

Wednesday, December 12, 2012

Ang Kwento nina Foo at Anj

Ano ba talagang meron kina Foo at Anj?  Ano ba talaga sila?

Halos lahat kayo, ganyan ang tanong sa akin. Naitanong n`yo na rin ba iyan sa kanya? Nyahaha. Malamang hindi!

Since kilala n`yo na ako, baka gusto n`yong itanong kung sino ba talaga si Foo? Confidential ang name at age niya kaya hindi ko maibibigay sa inyo ang impormasyong iyon...pero alam ko. Hehehe. Relationship status? Iyon ang hindi ko alam.

Okay, so paano kami nagsimulang maging "close" ni Foo? (haha! may quotation mark talaga, eh no? Kc hindi naman talaga kami close. Feeling close lang.)

Nagsimula iyan noong pagkamalan akong lalaki ng mga TOPpers kasi nga Anjustin ang pen name ko. Akala nila lalaki ako kya may tumawag skn na kuya justin. T_T. Di naglaon, pinanindigan ko na nga ang pagiging "dual sim" ko. Noon nabuhay ang aking kakambal na si Justin.

Days passed by, lagi na akong tumatambay sa TOP. Ewan ko, isang araw "inaway" (ininis/binully/bwinisit) na lang ako ni Foo. To the rescue naman ang kambal kong si Justin. Hayun! Doon nagsimula ang pagiging "close" namin. Close enemies. Halos araw-araw na lang kaming nagbubuwisitan, nag-aawayan, hanggang sa dumating sa...lambingan? Yay! Hahaha. Oo, dumating nga iyon!

Habang ang mga TOPpers ay nalilito...(nalilito, nahihilo, coke ko `to!) kung ano ba talaga kami o kung totohanan na ba ang mga post namin o biruan lang, ako naman tawa nang tawa sa harap ng laptop ko. As in super laughtrip! Sino ba namang hindi? Eh, kung maka-comment, makatukso, maka-react, makapayo, ang mga iyon, WAGAS! Kapag nagkabwisitan kami, kinikilig. Kapag nag-aaway, nalulungkot at nagpapayo pa na akala mo totoong LQ ang peg namin. Kapag naman nagkatampuhan, nalulungkot pa. Wasak!


Well, naalala ko na. Ako rin naman pala ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa sobrang adik ko sa pagsusulat at gusto kong i-post lahat sa TOP para mabasa ng mga TOPpers, nagkamali-mali ako ng mga pinindot doon sa TOP site. Nagkandaloko-loko iyong mga posts ko. Hahaha! Kaya hayun! Pinagalitan ako ni Foo. Doon pala nagsimula iyon. Dahil sa aking pagiging pasaway, inaaway niya ako lageh. At habang tumatagal ang pang-aaway niya, lumaban na ako. Tapatan ng comments ang peg. Ang mga TOPpers naman, parang nanonood lang ng laban nina Pacquiao at Marquez. Langheya, tigidig!

So ano ba talaga kami? Mga tao! TOPpers. Nyahaha.

Anong meron sa amin? Internet. Doon kami palaging nag-uusap, eh.

Sino siya sa buhay ko? Kaibigan. Kaaway. Inspiration. Expiration. Kapuso. Kapamilya.

Si Foo ay ang masayahing admin ng TOP na minsan nakakainis sa sobrang demanding pero minsan nakakaawa dahil siya lang gumagawa ng halos lahat ng tasks doon. Ako naman ang kanyang assistant. Oo, appointed assistant. Bigla lang iyang magpi-PM sa akin na pakigawa nito-ganyan na may kasamang lambing. Nyahaha. Dinadaan ako sa lambingan?

Minsan naman ako na lang ang nagboboluntaryong tumulong kasi minsan di ko naman matiis. Nyahaha. Echos!

Basta iyon na ang kwento naming dalawa. Wala pero parang meron. Parang meron pero wala.

Kung hindi n`yo ma-gets, bahala kayo...Hahaha!

Kung ano kami iyon na iyon. The rest is...A Secret Affair. Toinks!

Tuesday, October 30, 2012

Mga Kwentong Hindi Ko Talaga Matapos-tapos


I Love You, Pinsan
--nasimulan ko na po ito. Nasa gilid ang Teaser at Chapter 1. Gusto ko na siyang tapusin

Sana`y Ako Na Lang
--nasimulan ko na itong ipost sa T.O.P. pero hindi ko pa talaga matapos-tapos


My Top Post-Liker Presents "Hindi Ko Kasalanan"
--para po ito kina Crystalyn at Precy

My Virtual Boyfriend
--nasulat ko na sa older posts ko ang teaser nito. Romantic comedy ito.

Tama Pa Ba Ang Mahalin Ka?
--ewan ko kung saan ko ito ipapasa pero gusto ko talaga siyang isulat. Nasa baba ang Teaser niya.

Love For Sale
--ito sana iyong ipapasa ko sa COH kaso nasira laptop ko. Saka ko na ipopost ang Teaser nito.

Kunwari Lang Pala
--ito ang novel version ng short story na sinulat ko tungkol sa amin ni Foo. Hehehe.

Somewhere Down The Road
--ito ang ipapasa kong novel para sa novel writing ni Pinay para sa OFW at sa TOP din.

A More Complicated Love Story
--part two po ito ng Another Complicated Love Story. Ikakasal na po sina Kristell at Rey dito pero mauudlot iyon dahil sa isang pangyayari. Kung ano man iyon? Abangan n`yo na lang.

Guitar Series Presents Ruvie(Genius Pretender)
--tungkol naman po ito sa love story nina Ruvie at Alex

Campus Sweethearts Series
--maikling kwento lang po ito tungkol sa love story ng mga lovers sa iisang eskwelahan

Ang Pitong Katauhan ni Jeseca
--this will be my first-ever fan-fic anime series na isusulat ko. The anime includes Hunter X Hunter, White Cross, Dragon Ball Z, Flame of Recca, at Ghost Fighter. Love story ito kaya siguradong makaka-relate kayo.

Hayan! Ang dami n`yo nang kwentong aabangan mula sa akin. Sana nga lang ay matapos ko ito agad para naman hindi kayo masyadong mainip at sana nga maisulat ko lahat para hindi kayo manghinayang. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsusubaybay sa mga kwento ko at pagsuporta sa akin. I may not know you but I know andyan lang kau sa tabi-tabi. Thank you all especially sa mga TOPPERS!

Saturday, July 21, 2012

Why do I love Guitar Series?


Pinakaunang nobelang naisulat ko sa TOP ang Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater). Akala ko rin ito ang pinakaunang nobela na naisulta ko. Bago ko lang naalala na nakagawa na rin pala ako ng nobela noong 4th year high school ako bilang bahagi ng aming journal na proyekto namin sa Filipino. Kaya lang, sobrang iksi lang talaga ng mga kabanata sa kwentong iyon. Wala pa kasi akong ideya sa mga format at word count. Basta mahilig akong magsulat at dahil wala namang kabanata ang mga sinusulat ko so maiikling kwento silang lahat.

Guitar Series. Why I decided it to be a series?

Siguro nasabi ko na ang tunay na kwento sa likod ng kwentong ito. Wala naman talaga akong balak na gawing series ang kwentong ito nor a novel. But then when I saw Ruvie`s manuscript na ipapasa niya sa PHR, nagkainteres akong gumawa ng novel. Try ko rin daw magpasa ng aking manuscript sa PHR. So, nagtry akong sumulat. The first three chapters were adapted from real experience. Then, na-broken-hearted ako. Nagkasira-sira ang plot na nasa isip ko. I was planning to end it with a happy ending para kahit man lang sa kwento, nagkatuluyan kami ng crush ko. But I was so devastated that time at nasa Chapter 3 pa ako. Parang introduction pa lang ng love story namin, este, nina Elaine at Jael.  So, paano ko ito itutuloy? Wala nang happy ending. Hindi na kami magkakatuluyan. Akala ko kaya kong baliktarin ang tadhana ko sa mga kwentong sinusulat ko. Hindi pala. Hindi ko kinayang sumulat ng happy moments sa kwentong ito habang nasasaktan ang puso ko. So, biglang naisip kong patayin na lang talaga si Elaine. Tutal naman parang ganoon na rin kasakit ang nararamdaman ko. So binigyan ko siya ng brain cancer tulad ng sa music video ng Haru-Haru at pinatay ko siya sa huli. Tapos iyak ako nang iyak habang sinusulat ko ang Chapter 7 and 8 kung saan nasa ospital na sila at nalaman na nila ang sakit niya.

It took me one month to complete this story which originally composed of 16 irregular chapters. When I say irregular, I mean walang standard word count. Kasi nga, hindi ko pa alam ang tungkol doon. Not until binigyan ako ng link ni Pinay na yun ang format na dapat kong sundin. Harana ang original title nito. I read it over and over again. Hindi ko alam kung ilang libong beses kong binasa ang 16 chapters na iyon. Bawat chapter more or less mga 1,500 words, multiplied by 16 equals more or less 24k. Tamang-tama lang talaga para sa isang nobela. Una kong pinabasa si Issai--si Shey--and I succeeded to make her cry. Pero inaway niya ako tulad ng pang-aaway ninyo sa akin. Sabi niya habang umiiyak pa rin, "Ate Anj, ang sama mo. Bakit mo siya pinatay? Dapat may part 2. Dapat happy ending!"

Hindi ko siya pinansin. Bakit ko bubuhayin si Elaine? It`s just reality. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nagkakatuluyan. Pero nang maghilom ang mga sugat sa puso ko (Char lang!) dahil tinanggap ko na may gf na siya (at hindi na magiging kami...and so what?), bumalik sa dati ang pakikitungo ko sa kanya. Then everything turned out better than before. Kaya naisipan kong bigyan ng part 2 ang kwento. Tungkol naman ito sa kadakilaan ng pag-ibig ni Jael kay Elaine but in reality, ako pa rin si Jael sa kwentong iyon. Tapos naisip ko ring gawan na rin ng sariling mga love story ang iba pang karakters doon.

Hindi ko aakalaing maa-appreciate at magugustuhan din ng iba ang kwentong sinulat ko. I did not really intend to publish it online. Honestly, alam ko talaga na maganda ang kwentong iyon. Naman! Pihikan kaya ako masyado at maarte. Kasi kapag maganda ang isang kwento para sa akin--kahit pa hindi ako ang sumulat--hindi ako nakakatulog agad dahil palagi ko itong iniisip, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko at higit sa lahat, naiiyak ako. Iyon ang isang magandang kwento para sa akin. Lahat ng iyon na-experience ko sa GSP Elaine kaya alam ko maganda iyon. Ang hindi ko lang in-expect ay magiging ganoon iyon kaganda para sa iba. Self-satisfaction lang naman ang main reason kung bakit ko iyon isinulat.

Why do I love it so much?

It brings back memories of the past --sweet and sad. Naaalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko sa mahigit isang taong pagtira ko sa Bagong Silang sa bahay nina Ruvie. Parang kay ikli lang ng panahong iyon pero sobrang dami ng mga alaalang hindi ko makakalimutan sa bahay nila at sa lugar na iyon. Pakiramdam ko kasi   nasa dati kong kwarto ako habang binabasa ko ang kwentong ito. Ang kwartong naging saksi ng lahat ng mga pinagdaanan ko. I feel nostalgic sa tuwing binabasa ko ito at nami-miss ko ang mga taong nasa likod ng mga pangalan ng mga tauhan dito.


Ikaw? Nabasa mo na ba ang Guitar Series? Nagustuhan mo ba ito? Ano naman ang masasabi mo? Bakit mo ito nagustuhan? Write your answers on the comment box. Wala lang naman. Gusto ko lang malaman. ^__^

Friday, July 13, 2012

Ang Totoong Kwento sa Likod ng Aking mga Kwento

Gusto n`yo bang malaman kung saan ko hinuhugot ang inspirasyon sa pagsusulat ko ng kwento o kung paano ko naisulat ang mga kwentong nabasa ninyo? Okay, fine. Sige na nga.

It`s all started way back in high school. Ilang beses n`yo nang narinig ang kwentong ito. Nagkaroon ako ng crush sa pinsan ko. That`s what I Love You, Pinsan (nasa Role Play ng FATE noon) na ngayon ay ginawa kong Ang Kwento ng Pag-ibig ni Ana.

Tapos nang tumuntong ako ng college, may nakita akong isang lalaking maputi, matangkad at gwapo sana pero mukhang adik kasi ang kapal ng eye liner tapos may hikaw pa sa tenga. I never got to know him. Pero sabi ng friend ko, Kiko daw palayaw niya. Ewan. Dahil sa kanya, kaya ko naisulat ang Adik Sa`yo na Role Play din sa FATE.

Nakilala ko si Kuya Ken, ang Harry Potter ng aming college. Sobrang na-star struck ako sa kanya. Crush at first sight ang nangyari. Lalo akong napahanga dahil sobrang bait niya at parang kuya na talaga. Siya naman ang inspirasyon ko sa My Big Brother.

Tapos iyong Complicated Love na short story ko sa FATE noon, mga barkada ko sa CDO ang inspirasyon ko dun. Bakit siya complicated? Kasi lima silang magkakapatid--apat lalaki, isa babae. Crush ko ang panganay na crush din ng pinsan ko. Tapos ang pangalawa na parang bestfriend ko na, crush ng sister ko. Ang ginawa ko sa kwento, crush ko ang panganay, ako crush din niya pero crush din ako ng kapatid niya, iyong pangalawa na crush ng kapatid ko. Kumplikado d ba? Basta iyon na iyon.

Second year college? Sobrang nakakaaliw. Naging magkaklase kasi kaming lima ng mga kaibigan ko. Ang nakakatuwa pa, naging kaklase rin namin sina Gene at Arthur na dati na naming naging kaklase noon sa ibang subjects. Kilala namin sila pero hindi talaga kami close. Hanggang sa nagsimula nga ang katuwaan at kalokohan namin nang tuksuhin ako(Aiyana) ni Jen (Grace) na soulmate daw kami ni Arthur na kamukha nga ni Kibum na crush ni Ruvie (Chuvie). Lalo pang gumulo dahil si Gene tinutukso namin kay Jen na later nadiskubre naming may gusto pala kay Arthur. Basta! Basahin n`yo na lang ang Another Complicated Love Story. Pero sa huli, walang nagkatuluyan sa amin. Ni hindi nga kami naging malapit sa kanila.

Nang tumuntong ako ng Third Year College, nakilala ko naman ang makulit na crush ko na binansagan kong Mr. Comb. Iyon na nga ang title ng short story na iyon sa FATE. Na-"in love" ako sa kanya dahil sa suklay. Alam n`yo masakit? Nang hapon ding iyon after I fall for him, pinakilala niya sa akin ang girlfriend niya. Sa real life, naging lihim ang feelings ko sa kanya, friends pa rin kami pati ng gf niya. Sa story siyempre nagkatuluyan kami. haha!

Tapos nang maging 20 years old na ako, biglang heart broken na naman. Wala pa ngang boyfriend heartbroken na. Kilala n`yo naman siguro si Jael sa Guitar Series ko di ba? Oo, siya nga. Kung paano ako na-broken-hearted, basahin n`yo ang My Top Post-Liker Presents "Ikaw Pa Rin Pala". Nandoon ang ibang explanation ng kwento ko. Kaya ko pinatay si Elaine sa Part 1 ng Guitar Series kasi gusto kong ma-feel NIYA (sana) kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Kaya lang, dahil nag-demand ng part 2 ang mga readers ko, ginawan ko na lang para daw happy ending. Ilang buwan din bago ko iyon nasundan. Kasi nga nagpapagaling pa ako ng sugat sa puso ko. Tapos biglang bumalik sa dati ang lahat, okay na kami. Friends pa rin at...na-in love na naman? Mukhang ganoon na nga. Kaya pasalamat kayo dahil doon naging successful ang happy ending na hinihiling n`yo kahit sa totoong buhay hindi naging happy ang kinalabasan ng lovelife ko. TIP: Basahin ang tatlong kwento para maintindihan ninyo ang sinasabi ko. Sana nga maintindihan ninyo. Nyahaha!

Naikwento ko na sa inyo na umabot ng 16 chapters ang Elaine di ba? Hindi pa kasi ako marunong sumunod sa format at word count noon. Kaya pinagalitan ako ni Pinay. Dahil sa galit ko kasi nainsulto ako noong una (i-delete ba naman ang pinaghirapan mong nobela na maraming may gusto?), akalain n`yong makakagawa ako ng isang love story tungkol sa galit ko. My Novel, My Love Story ang pamagat niya.

After ng Guitar Series part 1 at part 2, nagkita na naman kami ulit ng dati kong classmate, si Jess. Love at the Disco ang drama. Di nga nagtagal, naging kami. Siya ang first boyfriend ko. Isusulat ko nga sana iyong Sana`y Ako Na Lang kaso nawalan na ako ng gana. Nagkahiwalay din kasi kami.

Iyong My Top Post-Liker Presents "The One-week Deal" naman, naku! Oo, may nakipag-deal sa akin na maging kami daw to save his pride dahil pinalitan siya agad ng ex niya. Ang likot ng imahinasyon ko, ano? Hindi ako pumayag. Ano ako, hello? Baka ma-develop na naman ako, delikado. Sumulat na lang ako ng love story namin. As if naging kami!

Iyong My Top Post-Liker Presents "A Post-Modern Fairy Tale" naman, sinulat ko iyon noong time na nasira ang laptop ko. Sobrang mahal ko kasi si Suzuki. Haha. Adik lang? Pati laptop may love story. Ganyan talaga ako. Pasensya na.

Kung saan naman galing ang Ikaw Lamang, well, isinulat ko iyan noong fourth year high school pa ako. Si Justin at ako ang original bida niyan. Hindi iyan ang first story ko. Pero cute kasi ng story nila.

Kunwari Lang Pala. Itatanong pa ba iyan? Kung anong nakasulat doon, iyon na iyon. Kasi naman itong si Foo, napagtripan akong asarin. Hindi niya alam na parang malinaw na tubig ang utak ko na kapag inistorbo`y tiyak, may kakaibang maiisip. Haha! Dito rin nabuo ang pagiging kambal namin ni Justin imbes na siya ang ideal man ko. Nabasa n`yo na ang My Ideal Boyfriend? Totoong may isinulat akong characteristics ng ideal boyfriend ko at Justin talaga nilagay kong pangalan. Adik na kung adik! Paki n`yo! haha!

"God gave me you to show me what`s real..." Dahil pinaiyak ako sa kantang iyan, ginawan ko rin ng story--God Gave Me You. Pinatay ko iyong bida. Hayun! Iyak ako nang iyak. Huhuhu!

Nakalimutan ko kung sino ang inspirasyon ko sa So It`s You nang isulat ko siya noon. Siguro I was just wondering what if may TOPper na magkatuluyan sa totoong buhay. Role Play lang sana iyan sa FATE at hindi pa siya natapos. Nang maghalungkat ako sa old files ko, na-save ko pala siya. Sobrang haba na kaya plinano kong gawin siyang novel. Salamat kay Foo, (Oo. Si Foo na naman!) at na-inspired akong tapusin ito. Nahirapan kasi akong bigyan ng karakter si Hehe123 at kung ano ang mga susunod na mangyayari.

The rest of my stories, bunga lang talaga ng pagkabagot ko. Minsan walang magawa kaya nag-iisip ng kung anu-ano hanggang sa may maisulat. Minsan din gusto ko lang ng may maisulat.

Oh, hayan! Ang dami kong satsat pare-pareho lang naman ng laman sa ibang posts. Eh, anong paki n`yo? Blog ko `to. Kaya nga journal, eh. Kasi lahat ng gusto kong isulat, dito ko isusulat at walang sisita sa akin. Hehehe! Joke lang. Chillax!

Anjustin`s Story


Malamang ay kilala n`yo na ako bilang Anjustin. May iba rin sa inyo na kilala na rin ang totoong tao sa likod ng pangalang Anjustin. Pero paano ba nabuhay si Anjustin? How did she exist?

Angelie ang tunay kong pangalan, but people are giving me different nicknames na sa paglipas ng panahon ay naging batayan ko upang maalala kung sino sila sa buhay ko. Halimbawa, ang mga taong tumatawag lang sa akin ng Anj ay mga nakakakilala sa akin during my college life. Inside my high school campus, I was known as Guerz. So on and so forth.

I wasn`t an open person. Hindi ako mahilig magbahagi ng mga bagay tungkol sa aking sarili lalo na kung may personal akong pinagdadaanan sa buhay ko. A lot of people do not know 50% about me. I was a secretive person until second year college. Hindi ko ipinagkakatiwala sa ibang tao ang tungkol sa buhay ko. I kept it mostly to myself and my notebook.

My mother told me I started writing my name when I was 3 years old and started reading months later. I remembered I had once an ABAKADA Book, which my grandmother gave to my mother. That was the first book I was reading. Then I remembered, I was already reading comics at the age of 5. Mula pagkabata ay nasa dugo ko na talaga ang pagbabassa at pagsusulat.

So, did I start writing a novel? Not yet. The first things I wrote were poems. Madali para sa akin ang magsulat ng tula--English or Filipino. Then, sumunod ay mga kwentong pambata. Dahil masyado akong mabait na bata noon, lahat ng bagay na pinapagawa sa amin sa pamamagitan ng pagsulat ay ginagawa ko--poems, essays, short stories--in English and Filipino. Kinailangan ko ring magbasa nang magbasa upang mahasa ang aking pagsusulat. Oo nga`t nahasa ako. Ako pa nga ang mismong nagsulat ng aking valedictory speech sa elementary. (Opo. Valedictorian daw ako. Taruss!)

Pero bago ako magtapos sa elementarya, nasimulan ko nang masulat ng isang kwento na hindi requirement ng aming subject. I dedicated that story to my bestfriend. The story was about a girl, whose bestfriend had a boyfriend. Nang dahil doon ay nakalimutan na siya nito. Subalit napakabait niya pa rin. Isang araw, narinig niya ang pag-uusap ng boyfriend nito kasama ang barkada. May masamang balak ang mga ito sa kaibigan niya. Nang sabihin niya ito sa bestfriend niya, hindi ito naniwala at nagalit pa sa kanya. The story ended up with the girl saving her bestfriend from an attempted rape by her boyfriend and his group.

Along with my journey in writing, nabubuo rin sa aking isipan ang mga karakter na tatayo bilang aking katauhan sa mahiwagang mundo ng aking mga imahinasyon. Iyon ay si Jeseca. Her name was originated from the main character or First Valley High. Bawat gabi ay may nabubuong kwento sa aking isipan at naglalakbay iyon hanggang sa makatulog ako. Dahil sa pagka-addict ko sa anime, gabi-gabi kong ini-imagine ang sarili ko na kasama ang mga characters na katulad nina Recca, Eugene, Rukawa, Gon, Hisoka--ako bilang si Jeseca. Lumawak ang aking imahinasyon at binigyan ng pitong katauhan si Jeseca--Josephine, Elizabeth, Sharmaine, Evelyn, Christine, Anne and herself. Noong nabuo ang pitong katauhan ni Jeseca sa mundo ng mga anime.

Isa rin sa naging factor ng aking wild imaginations ay ang aking pagkahilig sa panonood ng mga movies. I was and still am a movie addict. Tulad ng aking pagbabasa, walang partikular na palabas akong pinipiling panoorin dahil hindi naman din sa amin ang player. Iba`t ibang genre ang aking napapanood araw-araw. The one character that struck me was John in the Terminator 2. That`s when my heart beat irregularly. Si John ang naging unang crush ko noong elementary. Soon enough, I had put a Stephen, one of my favorite guy name, on his name. Later on, I found myself imagining my ideal guy with the name John Stephen. Adik mang matatawag pero iyon ang totoong nangyari. Then, how came Justin? Justin`s name originated from Justin Timberlake, one of the members of NSYNC. Coincidentally, it was also the name of the character of Rain in Fullhouse. (Me one episode akong napanood at talagang na-touched ako sa kanya.) So, there! He`s full name was John Stephen "Justin" Rodriguez. Where the heck was Rodriguez coming from? It was again my favorite surname.

Ganyan ako kaadik noon. Nang dahil sa imaginary characters na aking binuo sa aking isipan, naging madalas na ang aking pagbuo ng mga kwento gabi-gabi. Then came my crush (I Love You, Pinsan). Dahil sa kanya, naging makulay ang love life ko. Namulat ang puso ko sa iba`t ibang pakiramdam--kilig, sakit, saya, selos, kaba, galit, etc. Lahat ng iyon, isinulat ko sa aking notebook. Walang nakakaalam tungkol sa mga reaksyones at pakiramdam ko sa almost four years na pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Maliban sa kanya, may mga asungot ding dumating sa buhay ko. Iyong experience na crush mo ang close friend mo, nadevelop dahil sa tuksuhan, enemy turned into crush, crush ng bayan--lahat ng iyan, naranasan ko na. Lahat ng iyan naisulat ko na. Hanapin n`yo na lang kung alin sa mga kwento ko ang may temang ganoon.

Nagsimula na namang sumulat ang aking kamay. I was a news writer in our school paper and sometimes I wrote features, too. Madalas ding ako ang script writer/director sa lahat ng role plays namin sa classroom. Lalo lang nahasa ang aking utak na mag-imagine ng mga scenes na madalas ay pang-love story. Hindi ko sinasadya ang karamihan sa mga sinusulat ko upang kiligin ang aming guro at makalikom kami ng mas mataas na grado. Iyon lang talaga ang pinakamadaling isulat para sa akin--kasi nga inspired ako.

Since high school, Justin has become my imaginary boyfriend and everytime I wrote a script, siya ang iniisip ko. It was fourth year that marked my debut on love story writing. ANg dating tig-iisang page lang ng intermeditae paper na kwento ay naging dalawa, tatlo hanggang sa naging napakataas na niya. Nangyari iyon noong wala akong magawa at sinabi kong gagawa ako ng love story ng classmate ko. Unang nag-open up si Ciarenne at ikinwento niya ang tungkol sa love life niya. The next day, I gave her a 3-page story tungkol sa kanila ng crush niya. It`s not the exact story of course pero nagustuhan niya. Later, I found myself writing for another classmate and another and another hanggang sa hindi ko na nga nasulatan lahat nang grumadweyt na kami. Pero itinuloy ko pa rin ang pagsusulat. The first story na naisulat ko in college was iyong kina Mitch sa Adik Sa`yo. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Wala akong format na sinusunod. Wlang word count. Walang chapters. Sulat lang ako nang sulat kapag nanggigigil ang mga kamay at utak ko. Hindi ako tumitigil. Nanghihinayang ako kapag nauubusan na ako ng papel o kaya nakakakita ako ng blankong papel. Ganyan ako kaadik sa pagsusulat.

Hindi ako iba sa mga kabataang kaedad ko. Nagbabasa rin ako ng mga pocketbook. Pero mahilig lang talaga akong magbasa kaya wala akong pakialam kung ano ang binabasa ko as long as nagugustuhan ko ang kwento. Dumadagdag rin naman iyon sa mga kwentong isinusulat ko. Sa sinabi ko na noon, sa dami ng mga pinagdaanan ko sa "pag-ibig--pag-ibig" na iyan, d ko na kailangan ng pocketbook para makabuo ng kwento. Isang araw na experience lang sa school may nabubuo na agad ako.

Fourth year college. I was a total heart break. Oo. Iyon na nga ang pinakamalalang sakit sa puso na natamo ko. That`s when I fell in and out of love. (Langya!) Kasagsagan ng aking lovelife nang ang aking isang kaibigan ay naabutan kong nagsusulat ng nobela para ipasa niya sa PHR. Na-engganyo naman ako nang basahin ko ang guidelines kaya sinubukan ko pero wala akong maisip. January 2011 nang mabiyak ang puso ko, agad akong nakasulat ng isang nobela na may 16 chapters.That was Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater), originally entitled Harana. February 2, 2011, naghanap ako ng pub house online kung saan ako pwedeng magpasa ng aking manuscript. Napadaan ako sa FATE pero hindi ko muna ito pinansin. Naghanap ako nang naghanap. May nakita ako pero hindi ko nagustuhan ang kanilang guidelines. Hindi qualified ang aking ginawa sa kanilang format. Bumalik ako sa FATE at nagregister as "justin_angelie" on the next day. I found myself in a community of pocketbook and love story addicts. Una kong nabasa iyon OO, SIR! Talagang kinilig ako dun! Since that day, naging aktibo na ako sa FATE. Ibinahagi ko ang lahat ng aking mga sinulat na kwento sa mga tao roon.

Days after that, I posted my novel. Iyon nga, napagalitan ni Pinay dahil mali-mali ang format at kinailangang ayusin. Nagrebelde ako for three days at doon nabuo ang My Novel, My Love Story na ginawa ko. Later, na-realize ko na it`s for my own good naman. Pikit-mata kong inayos ang aking nobela hanggang sa masiyahan si Pinay sa akin. Natuwa naman ako. Tulad nga ng sabi ni Foo, para kang nanalo sa lotto kapag nagustuhan ka niya. Agad akong na-promote bilang contributor in just two months. Kaya lang masyadong mahaba ang username ko na justin_angelie at nahihirapan sila. Sabi ko Anj na lang. Halos ilang months din akong nawala sa FATE. Pagbalik ko, almost inactive na siya at naroon na lahat sa TOP.com ang mga tao. Pinalitan ko nga ang aking TOP name. Noon isinilang si Anjustin. Hindi ko naman kasi pwedeng balewalain si Justin na siyang naging inspirasyon ko all these years.

Well, that`s how I become an online novel writer...and soon to be a legitimate one! (Hopefully!)

Thank you TOP for this once in a lifetime opportunity!

Tuesday, July 3, 2012

Walang Magawa



Dahil wala na naman akong magawa, heto`t ang dami kong pinagkakaabalahan. 

Kaya`t heto ako ngayon. 

Nakahanap na naman ng bagong masusulatan na may sariling tema at kategorya.

Ongoing pa kasi ang posting ng bago kong nobela sa TOP kaya nagpahinga muna ako sa pagsulat doon.

Ang tema sa blog na ito...well, tulad ng title, parang journal lang.

Mahilig kasi akong gumawa ng journal at scrap book noon. 

Since high-tech na tayo ngayon, dito ako gagawa ng sarili kong journal na parang scrap book na rin.

 Huwag na kayong magugulat kung puro mga pampalipas-oras at palipad sa hangin ang laman nito. 

Matabil lang talaga ang utak ko at masyadong makati ang mga daliri ko. 

Hehehe!