Showing posts with label Guitar Series. Show all posts
Showing posts with label Guitar Series. Show all posts

Saturday, July 21, 2012

Why do I love Guitar Series?


Pinakaunang nobelang naisulat ko sa TOP ang Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater). Akala ko rin ito ang pinakaunang nobela na naisulta ko. Bago ko lang naalala na nakagawa na rin pala ako ng nobela noong 4th year high school ako bilang bahagi ng aming journal na proyekto namin sa Filipino. Kaya lang, sobrang iksi lang talaga ng mga kabanata sa kwentong iyon. Wala pa kasi akong ideya sa mga format at word count. Basta mahilig akong magsulat at dahil wala namang kabanata ang mga sinusulat ko so maiikling kwento silang lahat.

Guitar Series. Why I decided it to be a series?

Siguro nasabi ko na ang tunay na kwento sa likod ng kwentong ito. Wala naman talaga akong balak na gawing series ang kwentong ito nor a novel. But then when I saw Ruvie`s manuscript na ipapasa niya sa PHR, nagkainteres akong gumawa ng novel. Try ko rin daw magpasa ng aking manuscript sa PHR. So, nagtry akong sumulat. The first three chapters were adapted from real experience. Then, na-broken-hearted ako. Nagkasira-sira ang plot na nasa isip ko. I was planning to end it with a happy ending para kahit man lang sa kwento, nagkatuluyan kami ng crush ko. But I was so devastated that time at nasa Chapter 3 pa ako. Parang introduction pa lang ng love story namin, este, nina Elaine at Jael.  So, paano ko ito itutuloy? Wala nang happy ending. Hindi na kami magkakatuluyan. Akala ko kaya kong baliktarin ang tadhana ko sa mga kwentong sinusulat ko. Hindi pala. Hindi ko kinayang sumulat ng happy moments sa kwentong ito habang nasasaktan ang puso ko. So, biglang naisip kong patayin na lang talaga si Elaine. Tutal naman parang ganoon na rin kasakit ang nararamdaman ko. So binigyan ko siya ng brain cancer tulad ng sa music video ng Haru-Haru at pinatay ko siya sa huli. Tapos iyak ako nang iyak habang sinusulat ko ang Chapter 7 and 8 kung saan nasa ospital na sila at nalaman na nila ang sakit niya.

It took me one month to complete this story which originally composed of 16 irregular chapters. When I say irregular, I mean walang standard word count. Kasi nga, hindi ko pa alam ang tungkol doon. Not until binigyan ako ng link ni Pinay na yun ang format na dapat kong sundin. Harana ang original title nito. I read it over and over again. Hindi ko alam kung ilang libong beses kong binasa ang 16 chapters na iyon. Bawat chapter more or less mga 1,500 words, multiplied by 16 equals more or less 24k. Tamang-tama lang talaga para sa isang nobela. Una kong pinabasa si Issai--si Shey--and I succeeded to make her cry. Pero inaway niya ako tulad ng pang-aaway ninyo sa akin. Sabi niya habang umiiyak pa rin, "Ate Anj, ang sama mo. Bakit mo siya pinatay? Dapat may part 2. Dapat happy ending!"

Hindi ko siya pinansin. Bakit ko bubuhayin si Elaine? It`s just reality. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nagkakatuluyan. Pero nang maghilom ang mga sugat sa puso ko (Char lang!) dahil tinanggap ko na may gf na siya (at hindi na magiging kami...and so what?), bumalik sa dati ang pakikitungo ko sa kanya. Then everything turned out better than before. Kaya naisipan kong bigyan ng part 2 ang kwento. Tungkol naman ito sa kadakilaan ng pag-ibig ni Jael kay Elaine but in reality, ako pa rin si Jael sa kwentong iyon. Tapos naisip ko ring gawan na rin ng sariling mga love story ang iba pang karakters doon.

Hindi ko aakalaing maa-appreciate at magugustuhan din ng iba ang kwentong sinulat ko. I did not really intend to publish it online. Honestly, alam ko talaga na maganda ang kwentong iyon. Naman! Pihikan kaya ako masyado at maarte. Kasi kapag maganda ang isang kwento para sa akin--kahit pa hindi ako ang sumulat--hindi ako nakakatulog agad dahil palagi ko itong iniisip, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko at higit sa lahat, naiiyak ako. Iyon ang isang magandang kwento para sa akin. Lahat ng iyon na-experience ko sa GSP Elaine kaya alam ko maganda iyon. Ang hindi ko lang in-expect ay magiging ganoon iyon kaganda para sa iba. Self-satisfaction lang naman ang main reason kung bakit ko iyon isinulat.

Why do I love it so much?

It brings back memories of the past --sweet and sad. Naaalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko sa mahigit isang taong pagtira ko sa Bagong Silang sa bahay nina Ruvie. Parang kay ikli lang ng panahong iyon pero sobrang dami ng mga alaalang hindi ko makakalimutan sa bahay nila at sa lugar na iyon. Pakiramdam ko kasi   nasa dati kong kwarto ako habang binabasa ko ang kwentong ito. Ang kwartong naging saksi ng lahat ng mga pinagdaanan ko. I feel nostalgic sa tuwing binabasa ko ito at nami-miss ko ang mga taong nasa likod ng mga pangalan ng mga tauhan dito.


Ikaw? Nabasa mo na ba ang Guitar Series? Nagustuhan mo ba ito? Ano naman ang masasabi mo? Bakit mo ito nagustuhan? Write your answers on the comment box. Wala lang naman. Gusto ko lang malaman. ^__^

Friday, July 13, 2012

Anjustin`s Story


Malamang ay kilala n`yo na ako bilang Anjustin. May iba rin sa inyo na kilala na rin ang totoong tao sa likod ng pangalang Anjustin. Pero paano ba nabuhay si Anjustin? How did she exist?

Angelie ang tunay kong pangalan, but people are giving me different nicknames na sa paglipas ng panahon ay naging batayan ko upang maalala kung sino sila sa buhay ko. Halimbawa, ang mga taong tumatawag lang sa akin ng Anj ay mga nakakakilala sa akin during my college life. Inside my high school campus, I was known as Guerz. So on and so forth.

I wasn`t an open person. Hindi ako mahilig magbahagi ng mga bagay tungkol sa aking sarili lalo na kung may personal akong pinagdadaanan sa buhay ko. A lot of people do not know 50% about me. I was a secretive person until second year college. Hindi ko ipinagkakatiwala sa ibang tao ang tungkol sa buhay ko. I kept it mostly to myself and my notebook.

My mother told me I started writing my name when I was 3 years old and started reading months later. I remembered I had once an ABAKADA Book, which my grandmother gave to my mother. That was the first book I was reading. Then I remembered, I was already reading comics at the age of 5. Mula pagkabata ay nasa dugo ko na talaga ang pagbabassa at pagsusulat.

So, did I start writing a novel? Not yet. The first things I wrote were poems. Madali para sa akin ang magsulat ng tula--English or Filipino. Then, sumunod ay mga kwentong pambata. Dahil masyado akong mabait na bata noon, lahat ng bagay na pinapagawa sa amin sa pamamagitan ng pagsulat ay ginagawa ko--poems, essays, short stories--in English and Filipino. Kinailangan ko ring magbasa nang magbasa upang mahasa ang aking pagsusulat. Oo nga`t nahasa ako. Ako pa nga ang mismong nagsulat ng aking valedictory speech sa elementary. (Opo. Valedictorian daw ako. Taruss!)

Pero bago ako magtapos sa elementarya, nasimulan ko nang masulat ng isang kwento na hindi requirement ng aming subject. I dedicated that story to my bestfriend. The story was about a girl, whose bestfriend had a boyfriend. Nang dahil doon ay nakalimutan na siya nito. Subalit napakabait niya pa rin. Isang araw, narinig niya ang pag-uusap ng boyfriend nito kasama ang barkada. May masamang balak ang mga ito sa kaibigan niya. Nang sabihin niya ito sa bestfriend niya, hindi ito naniwala at nagalit pa sa kanya. The story ended up with the girl saving her bestfriend from an attempted rape by her boyfriend and his group.

Along with my journey in writing, nabubuo rin sa aking isipan ang mga karakter na tatayo bilang aking katauhan sa mahiwagang mundo ng aking mga imahinasyon. Iyon ay si Jeseca. Her name was originated from the main character or First Valley High. Bawat gabi ay may nabubuong kwento sa aking isipan at naglalakbay iyon hanggang sa makatulog ako. Dahil sa pagka-addict ko sa anime, gabi-gabi kong ini-imagine ang sarili ko na kasama ang mga characters na katulad nina Recca, Eugene, Rukawa, Gon, Hisoka--ako bilang si Jeseca. Lumawak ang aking imahinasyon at binigyan ng pitong katauhan si Jeseca--Josephine, Elizabeth, Sharmaine, Evelyn, Christine, Anne and herself. Noong nabuo ang pitong katauhan ni Jeseca sa mundo ng mga anime.

Isa rin sa naging factor ng aking wild imaginations ay ang aking pagkahilig sa panonood ng mga movies. I was and still am a movie addict. Tulad ng aking pagbabasa, walang partikular na palabas akong pinipiling panoorin dahil hindi naman din sa amin ang player. Iba`t ibang genre ang aking napapanood araw-araw. The one character that struck me was John in the Terminator 2. That`s when my heart beat irregularly. Si John ang naging unang crush ko noong elementary. Soon enough, I had put a Stephen, one of my favorite guy name, on his name. Later on, I found myself imagining my ideal guy with the name John Stephen. Adik mang matatawag pero iyon ang totoong nangyari. Then, how came Justin? Justin`s name originated from Justin Timberlake, one of the members of NSYNC. Coincidentally, it was also the name of the character of Rain in Fullhouse. (Me one episode akong napanood at talagang na-touched ako sa kanya.) So, there! He`s full name was John Stephen "Justin" Rodriguez. Where the heck was Rodriguez coming from? It was again my favorite surname.

Ganyan ako kaadik noon. Nang dahil sa imaginary characters na aking binuo sa aking isipan, naging madalas na ang aking pagbuo ng mga kwento gabi-gabi. Then came my crush (I Love You, Pinsan). Dahil sa kanya, naging makulay ang love life ko. Namulat ang puso ko sa iba`t ibang pakiramdam--kilig, sakit, saya, selos, kaba, galit, etc. Lahat ng iyon, isinulat ko sa aking notebook. Walang nakakaalam tungkol sa mga reaksyones at pakiramdam ko sa almost four years na pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Maliban sa kanya, may mga asungot ding dumating sa buhay ko. Iyong experience na crush mo ang close friend mo, nadevelop dahil sa tuksuhan, enemy turned into crush, crush ng bayan--lahat ng iyan, naranasan ko na. Lahat ng iyan naisulat ko na. Hanapin n`yo na lang kung alin sa mga kwento ko ang may temang ganoon.

Nagsimula na namang sumulat ang aking kamay. I was a news writer in our school paper and sometimes I wrote features, too. Madalas ding ako ang script writer/director sa lahat ng role plays namin sa classroom. Lalo lang nahasa ang aking utak na mag-imagine ng mga scenes na madalas ay pang-love story. Hindi ko sinasadya ang karamihan sa mga sinusulat ko upang kiligin ang aming guro at makalikom kami ng mas mataas na grado. Iyon lang talaga ang pinakamadaling isulat para sa akin--kasi nga inspired ako.

Since high school, Justin has become my imaginary boyfriend and everytime I wrote a script, siya ang iniisip ko. It was fourth year that marked my debut on love story writing. ANg dating tig-iisang page lang ng intermeditae paper na kwento ay naging dalawa, tatlo hanggang sa naging napakataas na niya. Nangyari iyon noong wala akong magawa at sinabi kong gagawa ako ng love story ng classmate ko. Unang nag-open up si Ciarenne at ikinwento niya ang tungkol sa love life niya. The next day, I gave her a 3-page story tungkol sa kanila ng crush niya. It`s not the exact story of course pero nagustuhan niya. Later, I found myself writing for another classmate and another and another hanggang sa hindi ko na nga nasulatan lahat nang grumadweyt na kami. Pero itinuloy ko pa rin ang pagsusulat. The first story na naisulat ko in college was iyong kina Mitch sa Adik Sa`yo. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Wala akong format na sinusunod. Wlang word count. Walang chapters. Sulat lang ako nang sulat kapag nanggigigil ang mga kamay at utak ko. Hindi ako tumitigil. Nanghihinayang ako kapag nauubusan na ako ng papel o kaya nakakakita ako ng blankong papel. Ganyan ako kaadik sa pagsusulat.

Hindi ako iba sa mga kabataang kaedad ko. Nagbabasa rin ako ng mga pocketbook. Pero mahilig lang talaga akong magbasa kaya wala akong pakialam kung ano ang binabasa ko as long as nagugustuhan ko ang kwento. Dumadagdag rin naman iyon sa mga kwentong isinusulat ko. Sa sinabi ko na noon, sa dami ng mga pinagdaanan ko sa "pag-ibig--pag-ibig" na iyan, d ko na kailangan ng pocketbook para makabuo ng kwento. Isang araw na experience lang sa school may nabubuo na agad ako.

Fourth year college. I was a total heart break. Oo. Iyon na nga ang pinakamalalang sakit sa puso na natamo ko. That`s when I fell in and out of love. (Langya!) Kasagsagan ng aking lovelife nang ang aking isang kaibigan ay naabutan kong nagsusulat ng nobela para ipasa niya sa PHR. Na-engganyo naman ako nang basahin ko ang guidelines kaya sinubukan ko pero wala akong maisip. January 2011 nang mabiyak ang puso ko, agad akong nakasulat ng isang nobela na may 16 chapters.That was Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater), originally entitled Harana. February 2, 2011, naghanap ako ng pub house online kung saan ako pwedeng magpasa ng aking manuscript. Napadaan ako sa FATE pero hindi ko muna ito pinansin. Naghanap ako nang naghanap. May nakita ako pero hindi ko nagustuhan ang kanilang guidelines. Hindi qualified ang aking ginawa sa kanilang format. Bumalik ako sa FATE at nagregister as "justin_angelie" on the next day. I found myself in a community of pocketbook and love story addicts. Una kong nabasa iyon OO, SIR! Talagang kinilig ako dun! Since that day, naging aktibo na ako sa FATE. Ibinahagi ko ang lahat ng aking mga sinulat na kwento sa mga tao roon.

Days after that, I posted my novel. Iyon nga, napagalitan ni Pinay dahil mali-mali ang format at kinailangang ayusin. Nagrebelde ako for three days at doon nabuo ang My Novel, My Love Story na ginawa ko. Later, na-realize ko na it`s for my own good naman. Pikit-mata kong inayos ang aking nobela hanggang sa masiyahan si Pinay sa akin. Natuwa naman ako. Tulad nga ng sabi ni Foo, para kang nanalo sa lotto kapag nagustuhan ka niya. Agad akong na-promote bilang contributor in just two months. Kaya lang masyadong mahaba ang username ko na justin_angelie at nahihirapan sila. Sabi ko Anj na lang. Halos ilang months din akong nawala sa FATE. Pagbalik ko, almost inactive na siya at naroon na lahat sa TOP.com ang mga tao. Pinalitan ko nga ang aking TOP name. Noon isinilang si Anjustin. Hindi ko naman kasi pwedeng balewalain si Justin na siyang naging inspirasyon ko all these years.

Well, that`s how I become an online novel writer...and soon to be a legitimate one! (Hopefully!)

Thank you TOP for this once in a lifetime opportunity!