Monday, July 30, 2012
Hindi Lahat ng Love Story May Happy Ending
Sa dami ng pinagdaanan ko sa mga love-love-love na iyan, sa totoo lang, ni isa sa mga naging ka-love team, crush at kahit boyfriend ko pa, walang nagtagal. Hindi naging kami. Ewan ko ba. Parang meant to be single yata ako. Huwag naman sana!
Masarap ang feeling ng in love. Uyy...Aminin. Ang sarap kiligin nang paulit-ulit lalo na kapag nagkakatitigan kayo ng crush mo, nagkakasagi ang mga balat ninyo, nagtext siya sa iyo, magkasama kayo at higit sa lahat, sabihin niyang "I love you." Kapag nakikita lang natin siya, masaya na tayo. How much more kapag nakasama at naka-bonding pa, di ba? Pero sabi nga nila, kapalit ng sobrang kaligayahan ay ang sobrang kalungkutan. Hindi maiiwasan na darating din ang panahon na masasaktan tayo dahil sa pag-ibig lalo na kapag nalaman nating niloko lang tayo o kaya`y may iba nang mahal ang mahal natin o di naman kaya`y, hindi na tayo mahal ng taong mahal natin. Mga ganyang bagay, hindi naman naiiwasan iyan, eh. Malas lang natin kasi sa atin pa nangyari iyan.
Why am I writing about these stuff? Hindi kasi ako makatulog kasi ang daming pumapasok sa isip ko dahil sa nalaman ko lately. Ikakasal na siya sa girlfriend niya kasi nabuntis niya ito. Well, matagal na naman akong naka-move on sa kanya kahit alam ko sa puso ko na may nararamdaman pa rin ako kahit konti para sa kanya. Deep inside, umaasa pa rin ako na balang araw magtatagpo rin ang aming mga puso. But not until I`ve found out na iyon nga ang nangyari.
It`s been more than two years mula nang una ko siyang makita. Nabasa n`yo na ang Guitar Series at Ikaw Pa Rin Pala na sinulat ko sa TOP? The first chapters or paragraphs doon explain how we met each other. Mula noon hanggang ngayon, kami pa rin ang magka-love team. Pero hanggang doon lang talaga kami aside from being friends. There were times na akala ko papunta na kami sa pagiging magnobyo but he never had the courage to court me--or hindi niya lang talaga ako type? Sa haba ng panahong pinagsamahan namin bilang magkabarkada, ka-jamming, kaaway, kaibigan at ka-love team, ni minsan hindi niya sinubukang manligaw sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Hanggang ngayon kasi, may munting tinig pa rin sa isip ko na nagsasabing gusto rin niya ako kaya lang, torpe lang talaga siya o nahihiya siya sa akin. Ang sakit, ano?
My first heart break sa kanya ay noong nalaman ko na may girlfriend na siya. Noong time na iyon sana...handa na sana ako para buksan ang puso ko para sa kanya bakasakaling manligaw siya sa akin. Umasa ako, eh. Umasa ako na may gusto rin siya sa akin at liligawan niya ako balang araw--na kahit ilang girlfriend pa ang dumaan sa kanya at makailang boyfriend din ako, magiging kami pa rin sa huli. Oo. Ganoon katindi ang tama ko sa kanya. May girlfriend siya? So what? Hahanap din ako ng boyfriend ko. Magiging kami pa rin naman, eh. Kaya nga hindi kami nagtagal ng first boyfriend ko kasi hiniwalayan ko agad bago pa ako tuluyang mahulog dito at makalimutan siya. Grabeh, no?
Sobrang close namin sa texts. Lahat ng mga personal things tungkol sa amin sinasabi namin sa isa`t isa. Minsan umabot pa nga sa point na feeling ko boyfriend ko siya tapos nagtext din siya sa akin na feeling din niya boyfriend ko raw siya. Kinilig naman ako. That time, alam ko may bago siyang girlfriend--that same girl na pakakasalan niya. It hurts lang kasi umasa ako. Umasa lang pala ako sa wala.
Nakakainis, hindi ba? Iyong feeling na "you`re so near yet so far". Ilang steps na lang, eh. Ilang araw na madalas na pagtetext pa sana iyon at baka naging kami na. Pero iyon nga, bigla na lang pumutok ang balita na nabuntis niya iyong girlfriend niya. Akala ko hindi ako masasaktan. Masaya din naman ako para sa kanila. Kaya lang, naroon pa rin ang panghihinayang. Ni minsan, hindi ko pa na-confirm na may feelings din siya sa akin. Ako, halata naman. Kahit sinong tatanungin niya, alam na may gusto ako sa kanya. Saka nabasa na rin niya ang mga kinompos kong kanta para sa kanya kahit hindi niya pa alam na para sa kanya iyon. Nakakainis lang isipin na nangyari ang bagay na iyon. Biglaan talaga. Kahit sino sa mga kaibigan namin at pamilya niya hindi in-expect na mangyayari iyon. It`s just so shocking!
Hindi mawala ang inis ko sa sarili ko, eh. Bakit pa ako umasa? May echos pa akong I moved on kahit hindi pa naman talaga. Nakakainis lang kasi...kasiiiii! Kung sana umabot pa ng isang buwan...Pero naisip ko rin, mabuti na rin ang nangyari. Kasi baka kung late na naming nalaman iyon baka mas lalong masakit. Baka naging kami na tapos malalaman ko lang na nakabuntis pala siya, ikamamatay ko yata iyon. Ilang taon din akong umasa tapos mauuwi lang pala sa wala ang lahat. The heck! Baka magpakamatay talaga ako. Echos!
Well, siguro nga we were never meant to be. Masyado lang akong ilusyunada at nagpapaniwala sa mga sinusulat kong romantic stories. True love waits. Lihim na pag-ibig. Kunwari deadma pero may pagtingin pala. The more you hate, the more you love. Tseh! Parang hindi naman yata totoo ang mga iyon. Ewan ko ba. Siguro nga, I`ve fallen for the wrong guy. Parati namang nangyayari iyon, eh.
I still believe in true love pa rin. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya--kung pag-ibig na nga bang matatawag iyon. Kung may pinagsisihan man ako, iyon ay ang maging duwag. Siguro kung inunahan ko na lang siya, sinabi ko sa kanya na gusto ko siya, baka sakaling nasabi rin niya sa akin nang harapan ang totoong nararamdaman niya sa akin--kahit sabihin pa niyang wala talaga. At least, hindi na ako umasa nang ganoon katagal, hindi ba? At least, naging malaya na sana ang puso ko noon pa at naging masaya na sa piling ng iba. Pero sadyang nagiging tanga tayo pagdating sa pag-ibig, eh. Paano ba iyan? Pasensyahan na lang. Sorry myself sa pagiging tanga ko. Dito na magtatapos ang love story naming dalawa. Therefore I conclude, not all love stories have happy endings. Or maybe they all have--but not with you.
Labels:
Anjustin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mlamang mramdaman ko rin yan,kpg nlman kong jontis n rin yung gf ng mhal ko hahaha ... well sana lang...pagdating ng araw na 'yon..naka move on nako.. :) nice anj..gusto ko talaga nagbabasa ng mga nisasaloob ng ibang tao sa isang bagay..kaya nga ba suki mo ako dito..ahehehehe
ReplyDeletehehe. maraming salamat sa pagbabasa ng ka-echosan ko. pa-member ka na. dali! hehehe
ReplyDeleteSpicy and Interesting Ideas Shared by You. Thank You For Sharing.
ReplyDeletePyar Ki Kahani in Hindi