Bakit ang sipag kong magsulat kapag tinatamad ako? Ewan ko ba. Talagang tamad ako. Pero mukhang may magandang idinudulot din pala ang katamaran ko. Kasi ang dami kong naisusulat na kahit ano--kwento, tula, talata at iba pa. Ang tamad ko, ano?
Hayyy. Forever mahal ko na talaga ang pagsusulat. Less effort kasi kaysa sa pagsasalita. At least hindi ka nagmumukhang tanga kapag walang nakikinig sa iyo. Hindi ka rin nakakairita ng taong sinasabihan mo na hindi naman interesado sa iyo. Isa pa, walang makikialam sa iyo kasi hindi naman para sa kanila ang sinusulat mo. Maliban pa diyan, nakakatulong ka rin sa iba. Hindi mo alam marami palang nakaka-relate sa mga isinusulat mo. Na may tao palang kapareho ng pinagdadaanan mo. Oh, di ba? Malay mo, dahil sa mga isinulat mo, maging positibo ang pananaw nila sa kanilang buhay. Nakatulong ka pa.
Hindi halatang matabil ako, di ba? Hindi naman kasi ako nagsasalita parati. Kaya nga ako gumagawa ng mga journal, diary at blogs kasi tamad akong magsalita. Minsan kasi kapag nagkukuwento ka ng mga pinagdadaanan mo sa buhay, may mga taong agad na nanghuhusga sa iyo kahit hindi pa tapos ang kwento mo. Nakakainis di ba? Mabuti pa si Diary walang reaction. Mabuti pa si Journal, nakikinig lang. Mabuti pa si Blog hindi nagre-reklamo.
Sige! Next time ulit kapag tinamad na naman ako.
No comments:
Post a Comment