Friday, July 13, 2012

Ang Totoong Kwento sa Likod ng Aking mga Kwento

Gusto n`yo bang malaman kung saan ko hinuhugot ang inspirasyon sa pagsusulat ko ng kwento o kung paano ko naisulat ang mga kwentong nabasa ninyo? Okay, fine. Sige na nga.

It`s all started way back in high school. Ilang beses n`yo nang narinig ang kwentong ito. Nagkaroon ako ng crush sa pinsan ko. That`s what I Love You, Pinsan (nasa Role Play ng FATE noon) na ngayon ay ginawa kong Ang Kwento ng Pag-ibig ni Ana.

Tapos nang tumuntong ako ng college, may nakita akong isang lalaking maputi, matangkad at gwapo sana pero mukhang adik kasi ang kapal ng eye liner tapos may hikaw pa sa tenga. I never got to know him. Pero sabi ng friend ko, Kiko daw palayaw niya. Ewan. Dahil sa kanya, kaya ko naisulat ang Adik Sa`yo na Role Play din sa FATE.

Nakilala ko si Kuya Ken, ang Harry Potter ng aming college. Sobrang na-star struck ako sa kanya. Crush at first sight ang nangyari. Lalo akong napahanga dahil sobrang bait niya at parang kuya na talaga. Siya naman ang inspirasyon ko sa My Big Brother.

Tapos iyong Complicated Love na short story ko sa FATE noon, mga barkada ko sa CDO ang inspirasyon ko dun. Bakit siya complicated? Kasi lima silang magkakapatid--apat lalaki, isa babae. Crush ko ang panganay na crush din ng pinsan ko. Tapos ang pangalawa na parang bestfriend ko na, crush ng sister ko. Ang ginawa ko sa kwento, crush ko ang panganay, ako crush din niya pero crush din ako ng kapatid niya, iyong pangalawa na crush ng kapatid ko. Kumplikado d ba? Basta iyon na iyon.

Second year college? Sobrang nakakaaliw. Naging magkaklase kasi kaming lima ng mga kaibigan ko. Ang nakakatuwa pa, naging kaklase rin namin sina Gene at Arthur na dati na naming naging kaklase noon sa ibang subjects. Kilala namin sila pero hindi talaga kami close. Hanggang sa nagsimula nga ang katuwaan at kalokohan namin nang tuksuhin ako(Aiyana) ni Jen (Grace) na soulmate daw kami ni Arthur na kamukha nga ni Kibum na crush ni Ruvie (Chuvie). Lalo pang gumulo dahil si Gene tinutukso namin kay Jen na later nadiskubre naming may gusto pala kay Arthur. Basta! Basahin n`yo na lang ang Another Complicated Love Story. Pero sa huli, walang nagkatuluyan sa amin. Ni hindi nga kami naging malapit sa kanila.

Nang tumuntong ako ng Third Year College, nakilala ko naman ang makulit na crush ko na binansagan kong Mr. Comb. Iyon na nga ang title ng short story na iyon sa FATE. Na-"in love" ako sa kanya dahil sa suklay. Alam n`yo masakit? Nang hapon ding iyon after I fall for him, pinakilala niya sa akin ang girlfriend niya. Sa real life, naging lihim ang feelings ko sa kanya, friends pa rin kami pati ng gf niya. Sa story siyempre nagkatuluyan kami. haha!

Tapos nang maging 20 years old na ako, biglang heart broken na naman. Wala pa ngang boyfriend heartbroken na. Kilala n`yo naman siguro si Jael sa Guitar Series ko di ba? Oo, siya nga. Kung paano ako na-broken-hearted, basahin n`yo ang My Top Post-Liker Presents "Ikaw Pa Rin Pala". Nandoon ang ibang explanation ng kwento ko. Kaya ko pinatay si Elaine sa Part 1 ng Guitar Series kasi gusto kong ma-feel NIYA (sana) kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Kaya lang, dahil nag-demand ng part 2 ang mga readers ko, ginawan ko na lang para daw happy ending. Ilang buwan din bago ko iyon nasundan. Kasi nga nagpapagaling pa ako ng sugat sa puso ko. Tapos biglang bumalik sa dati ang lahat, okay na kami. Friends pa rin at...na-in love na naman? Mukhang ganoon na nga. Kaya pasalamat kayo dahil doon naging successful ang happy ending na hinihiling n`yo kahit sa totoong buhay hindi naging happy ang kinalabasan ng lovelife ko. TIP: Basahin ang tatlong kwento para maintindihan ninyo ang sinasabi ko. Sana nga maintindihan ninyo. Nyahaha!

Naikwento ko na sa inyo na umabot ng 16 chapters ang Elaine di ba? Hindi pa kasi ako marunong sumunod sa format at word count noon. Kaya pinagalitan ako ni Pinay. Dahil sa galit ko kasi nainsulto ako noong una (i-delete ba naman ang pinaghirapan mong nobela na maraming may gusto?), akalain n`yong makakagawa ako ng isang love story tungkol sa galit ko. My Novel, My Love Story ang pamagat niya.

After ng Guitar Series part 1 at part 2, nagkita na naman kami ulit ng dati kong classmate, si Jess. Love at the Disco ang drama. Di nga nagtagal, naging kami. Siya ang first boyfriend ko. Isusulat ko nga sana iyong Sana`y Ako Na Lang kaso nawalan na ako ng gana. Nagkahiwalay din kasi kami.

Iyong My Top Post-Liker Presents "The One-week Deal" naman, naku! Oo, may nakipag-deal sa akin na maging kami daw to save his pride dahil pinalitan siya agad ng ex niya. Ang likot ng imahinasyon ko, ano? Hindi ako pumayag. Ano ako, hello? Baka ma-develop na naman ako, delikado. Sumulat na lang ako ng love story namin. As if naging kami!

Iyong My Top Post-Liker Presents "A Post-Modern Fairy Tale" naman, sinulat ko iyon noong time na nasira ang laptop ko. Sobrang mahal ko kasi si Suzuki. Haha. Adik lang? Pati laptop may love story. Ganyan talaga ako. Pasensya na.

Kung saan naman galing ang Ikaw Lamang, well, isinulat ko iyan noong fourth year high school pa ako. Si Justin at ako ang original bida niyan. Hindi iyan ang first story ko. Pero cute kasi ng story nila.

Kunwari Lang Pala. Itatanong pa ba iyan? Kung anong nakasulat doon, iyon na iyon. Kasi naman itong si Foo, napagtripan akong asarin. Hindi niya alam na parang malinaw na tubig ang utak ko na kapag inistorbo`y tiyak, may kakaibang maiisip. Haha! Dito rin nabuo ang pagiging kambal namin ni Justin imbes na siya ang ideal man ko. Nabasa n`yo na ang My Ideal Boyfriend? Totoong may isinulat akong characteristics ng ideal boyfriend ko at Justin talaga nilagay kong pangalan. Adik na kung adik! Paki n`yo! haha!

"God gave me you to show me what`s real..." Dahil pinaiyak ako sa kantang iyan, ginawan ko rin ng story--God Gave Me You. Pinatay ko iyong bida. Hayun! Iyak ako nang iyak. Huhuhu!

Nakalimutan ko kung sino ang inspirasyon ko sa So It`s You nang isulat ko siya noon. Siguro I was just wondering what if may TOPper na magkatuluyan sa totoong buhay. Role Play lang sana iyan sa FATE at hindi pa siya natapos. Nang maghalungkat ako sa old files ko, na-save ko pala siya. Sobrang haba na kaya plinano kong gawin siyang novel. Salamat kay Foo, (Oo. Si Foo na naman!) at na-inspired akong tapusin ito. Nahirapan kasi akong bigyan ng karakter si Hehe123 at kung ano ang mga susunod na mangyayari.

The rest of my stories, bunga lang talaga ng pagkabagot ko. Minsan walang magawa kaya nag-iisip ng kung anu-ano hanggang sa may maisulat. Minsan din gusto ko lang ng may maisulat.

Oh, hayan! Ang dami kong satsat pare-pareho lang naman ng laman sa ibang posts. Eh, anong paki n`yo? Blog ko `to. Kaya nga journal, eh. Kasi lahat ng gusto kong isulat, dito ko isusulat at walang sisita sa akin. Hehehe! Joke lang. Chillax!

1 comment:

  1. .ayus ng kwento mu ti,my tama ka....!!!!

    ReplyDelete