Monday, July 30, 2012
Hindi Lahat ng Love Story May Happy Ending
Sa dami ng pinagdaanan ko sa mga love-love-love na iyan, sa totoo lang, ni isa sa mga naging ka-love team, crush at kahit boyfriend ko pa, walang nagtagal. Hindi naging kami. Ewan ko ba. Parang meant to be single yata ako. Huwag naman sana!
Masarap ang feeling ng in love. Uyy...Aminin. Ang sarap kiligin nang paulit-ulit lalo na kapag nagkakatitigan kayo ng crush mo, nagkakasagi ang mga balat ninyo, nagtext siya sa iyo, magkasama kayo at higit sa lahat, sabihin niyang "I love you." Kapag nakikita lang natin siya, masaya na tayo. How much more kapag nakasama at naka-bonding pa, di ba? Pero sabi nga nila, kapalit ng sobrang kaligayahan ay ang sobrang kalungkutan. Hindi maiiwasan na darating din ang panahon na masasaktan tayo dahil sa pag-ibig lalo na kapag nalaman nating niloko lang tayo o kaya`y may iba nang mahal ang mahal natin o di naman kaya`y, hindi na tayo mahal ng taong mahal natin. Mga ganyang bagay, hindi naman naiiwasan iyan, eh. Malas lang natin kasi sa atin pa nangyari iyan.
Why am I writing about these stuff? Hindi kasi ako makatulog kasi ang daming pumapasok sa isip ko dahil sa nalaman ko lately. Ikakasal na siya sa girlfriend niya kasi nabuntis niya ito. Well, matagal na naman akong naka-move on sa kanya kahit alam ko sa puso ko na may nararamdaman pa rin ako kahit konti para sa kanya. Deep inside, umaasa pa rin ako na balang araw magtatagpo rin ang aming mga puso. But not until I`ve found out na iyon nga ang nangyari.
It`s been more than two years mula nang una ko siyang makita. Nabasa n`yo na ang Guitar Series at Ikaw Pa Rin Pala na sinulat ko sa TOP? The first chapters or paragraphs doon explain how we met each other. Mula noon hanggang ngayon, kami pa rin ang magka-love team. Pero hanggang doon lang talaga kami aside from being friends. There were times na akala ko papunta na kami sa pagiging magnobyo but he never had the courage to court me--or hindi niya lang talaga ako type? Sa haba ng panahong pinagsamahan namin bilang magkabarkada, ka-jamming, kaaway, kaibigan at ka-love team, ni minsan hindi niya sinubukang manligaw sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Hanggang ngayon kasi, may munting tinig pa rin sa isip ko na nagsasabing gusto rin niya ako kaya lang, torpe lang talaga siya o nahihiya siya sa akin. Ang sakit, ano?
My first heart break sa kanya ay noong nalaman ko na may girlfriend na siya. Noong time na iyon sana...handa na sana ako para buksan ang puso ko para sa kanya bakasakaling manligaw siya sa akin. Umasa ako, eh. Umasa ako na may gusto rin siya sa akin at liligawan niya ako balang araw--na kahit ilang girlfriend pa ang dumaan sa kanya at makailang boyfriend din ako, magiging kami pa rin sa huli. Oo. Ganoon katindi ang tama ko sa kanya. May girlfriend siya? So what? Hahanap din ako ng boyfriend ko. Magiging kami pa rin naman, eh. Kaya nga hindi kami nagtagal ng first boyfriend ko kasi hiniwalayan ko agad bago pa ako tuluyang mahulog dito at makalimutan siya. Grabeh, no?
Sobrang close namin sa texts. Lahat ng mga personal things tungkol sa amin sinasabi namin sa isa`t isa. Minsan umabot pa nga sa point na feeling ko boyfriend ko siya tapos nagtext din siya sa akin na feeling din niya boyfriend ko raw siya. Kinilig naman ako. That time, alam ko may bago siyang girlfriend--that same girl na pakakasalan niya. It hurts lang kasi umasa ako. Umasa lang pala ako sa wala.
Nakakainis, hindi ba? Iyong feeling na "you`re so near yet so far". Ilang steps na lang, eh. Ilang araw na madalas na pagtetext pa sana iyon at baka naging kami na. Pero iyon nga, bigla na lang pumutok ang balita na nabuntis niya iyong girlfriend niya. Akala ko hindi ako masasaktan. Masaya din naman ako para sa kanila. Kaya lang, naroon pa rin ang panghihinayang. Ni minsan, hindi ko pa na-confirm na may feelings din siya sa akin. Ako, halata naman. Kahit sinong tatanungin niya, alam na may gusto ako sa kanya. Saka nabasa na rin niya ang mga kinompos kong kanta para sa kanya kahit hindi niya pa alam na para sa kanya iyon. Nakakainis lang isipin na nangyari ang bagay na iyon. Biglaan talaga. Kahit sino sa mga kaibigan namin at pamilya niya hindi in-expect na mangyayari iyon. It`s just so shocking!
Hindi mawala ang inis ko sa sarili ko, eh. Bakit pa ako umasa? May echos pa akong I moved on kahit hindi pa naman talaga. Nakakainis lang kasi...kasiiiii! Kung sana umabot pa ng isang buwan...Pero naisip ko rin, mabuti na rin ang nangyari. Kasi baka kung late na naming nalaman iyon baka mas lalong masakit. Baka naging kami na tapos malalaman ko lang na nakabuntis pala siya, ikamamatay ko yata iyon. Ilang taon din akong umasa tapos mauuwi lang pala sa wala ang lahat. The heck! Baka magpakamatay talaga ako. Echos!
Well, siguro nga we were never meant to be. Masyado lang akong ilusyunada at nagpapaniwala sa mga sinusulat kong romantic stories. True love waits. Lihim na pag-ibig. Kunwari deadma pero may pagtingin pala. The more you hate, the more you love. Tseh! Parang hindi naman yata totoo ang mga iyon. Ewan ko ba. Siguro nga, I`ve fallen for the wrong guy. Parati namang nangyayari iyon, eh.
I still believe in true love pa rin. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya--kung pag-ibig na nga bang matatawag iyon. Kung may pinagsisihan man ako, iyon ay ang maging duwag. Siguro kung inunahan ko na lang siya, sinabi ko sa kanya na gusto ko siya, baka sakaling nasabi rin niya sa akin nang harapan ang totoong nararamdaman niya sa akin--kahit sabihin pa niyang wala talaga. At least, hindi na ako umasa nang ganoon katagal, hindi ba? At least, naging malaya na sana ang puso ko noon pa at naging masaya na sa piling ng iba. Pero sadyang nagiging tanga tayo pagdating sa pag-ibig, eh. Paano ba iyan? Pasensyahan na lang. Sorry myself sa pagiging tanga ko. Dito na magtatapos ang love story naming dalawa. Therefore I conclude, not all love stories have happy endings. Or maybe they all have--but not with you.
Saturday, July 28, 2012
Goodbye to you!
Thanks for the memorable moments that we had. Thanks for the joy, the pain, the excitement, disappointments, laughter and tears you`ve brought into my life. Thank you for being an inspiration once.
Salamat kasi dahil sa iyo, marami akong naisulat na kwento tungkol sa ating dalawa. Salamat kasi pinaranas mo sa akin kung paano magmahal at masaktan, kiligin at umasa at higit sa lahat, kung paano maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok.
We really were not meant to be and never will be. I have cried once. I`ll never cry again because of you. Masaya ako para sa iyo. Sana nga siya na ang babaeng para sa iyo. I wish you all the best and all the happiness para sa magiging pamilya mo.
You will always be a part of my life!
Thank you for setting my heart free.
Goodbye to you!
Thursday, July 26, 2012
Guy in my Dreams
Who is this guy?
I saw him last night
His face I can`t forget.
I saw him last night.
He`s smiling at me.
Holding me tight.
Who is he? Who is he?
Why did I dream of him?
Why did I see him last night?
Who is this guy?
I saw him last night.
His kiss I can`t forget.
I saw him last night.
He`s holding my hand.
Never leave my side.
Who is he? Who is he?
Why did I dream of him?
Why did I see him last night?
He is the guy in my dream.
The guy I wished for.
The one I`ve waited for so long.
I want to see him again
Not just in my dream tonight
Set You Free
Goodbye is the hardest word I have to say
I know it will break your heart in any way
But I have to say it for us to be free
For you to move on and forget about me
Life must go on, as we always hear
So must our lives without each other
I have no one else whom I already care
It`s just that I can no longer love you, dear
Maybe we`re not meant to be
The problem is not you, it`s me
I just don`t love you no more
So that I can`t hold on anymore
I hope you understand my decision
It`s the best way to stop this illusion
Better for you to hurt now and be free
Than to suffer for killing you softly
Better as Friends
But loving me is impossible for you
So I decided to keep this secret to myself
Like an untouched old book placed in a shelf
You know how much I hate you from the start
A lie that hid my feeling, broke my heart
Because I also knew it ever since then
That I have to put this to an end
Here we are enjoying together
Doing things we never did to each other
I`m free to laugh without you annoying me
And you`re free to do whatever I`ll just let you be
I think it`s better this way for you and me
We`re better as friends as you can see
Though my feelings for you stay the same
My heart will always have your name.
Crazy Love
I miss you when you`re not here
I hate you when you are near
I look for you when you can`t be seen
I snob you when you are in
I`m speechless when you`re around
When you`re not I always frown
I really want you to stay
But what could I say?
This love makes me crazy
This feeling I get each day
Seems to grow as days pass by
You`re always on my mind.
Is it yes or is it no?
Shall I tell you or just let it go
Will I let this pass like nothing
Or I will make it last forever?
Wednesday, July 25, 2012
My Distracted World
I had once a peaceful world
My mind is clear; my heart is calm
Since I met you everything`s absurd
My mind`s confused; my heart`s alarmed
No one can tell how you change my life
You make me smile, you make me laugh
Make me restless, make me nervous
Make me stay awake late at night.
What you did to me, no idea
I am so sick with my insomnia
I always find myself thinking of you
I don`t know if you`re thinking of me, too.
Missing You
I`m so happy whenever you are here
Though you don`t see me smiling at you
I get nervous whenever you`re near
And that is why I do not sit next to you.
Your presence matters so much
Can`t help myself feeling such
When I don`t see you I get sick
Your absence makes me weak.
Three days now I didn`t see you
My mind kept asking where did you go
Just want you to know how I miss you so
Can`t let another day pass without seeing you.
Bakit mas mainam ang magsulat kaysa magsalita?
Bakit ang sipag kong magsulat kapag tinatamad ako? Ewan ko ba. Talagang tamad ako. Pero mukhang may magandang idinudulot din pala ang katamaran ko. Kasi ang dami kong naisusulat na kahit ano--kwento, tula, talata at iba pa. Ang tamad ko, ano?
Hayyy. Forever mahal ko na talaga ang pagsusulat. Less effort kasi kaysa sa pagsasalita. At least hindi ka nagmumukhang tanga kapag walang nakikinig sa iyo. Hindi ka rin nakakairita ng taong sinasabihan mo na hindi naman interesado sa iyo. Isa pa, walang makikialam sa iyo kasi hindi naman para sa kanila ang sinusulat mo. Maliban pa diyan, nakakatulong ka rin sa iba. Hindi mo alam marami palang nakaka-relate sa mga isinusulat mo. Na may tao palang kapareho ng pinagdadaanan mo. Oh, di ba? Malay mo, dahil sa mga isinulat mo, maging positibo ang pananaw nila sa kanilang buhay. Nakatulong ka pa.
Hindi halatang matabil ako, di ba? Hindi naman kasi ako nagsasalita parati. Kaya nga ako gumagawa ng mga journal, diary at blogs kasi tamad akong magsalita. Minsan kasi kapag nagkukuwento ka ng mga pinagdadaanan mo sa buhay, may mga taong agad na nanghuhusga sa iyo kahit hindi pa tapos ang kwento mo. Nakakainis di ba? Mabuti pa si Diary walang reaction. Mabuti pa si Journal, nakikinig lang. Mabuti pa si Blog hindi nagre-reklamo.
Sige! Next time ulit kapag tinamad na naman ako.

Saturday, July 21, 2012
Why do I love Guitar Series?
Pinakaunang nobelang naisulat ko sa TOP ang Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater). Akala ko rin ito ang pinakaunang nobela na naisulta ko. Bago ko lang naalala na nakagawa na rin pala ako ng nobela noong 4th year high school ako bilang bahagi ng aming journal na proyekto namin sa Filipino. Kaya lang, sobrang iksi lang talaga ng mga kabanata sa kwentong iyon. Wala pa kasi akong ideya sa mga format at word count. Basta mahilig akong magsulat at dahil wala namang kabanata ang mga sinusulat ko so maiikling kwento silang lahat.
Guitar Series. Why I decided it to be a series?
Siguro nasabi ko na ang tunay na kwento sa likod ng kwentong ito. Wala naman talaga akong balak na gawing series ang kwentong ito nor a novel. But then when I saw Ruvie`s manuscript na ipapasa niya sa PHR, nagkainteres akong gumawa ng novel. Try ko rin daw magpasa ng aking manuscript sa PHR. So, nagtry akong sumulat. The first three chapters were adapted from real experience. Then, na-broken-hearted ako. Nagkasira-sira ang plot na nasa isip ko. I was planning to end it with a happy ending para kahit man lang sa kwento, nagkatuluyan kami ng crush ko. But I was so devastated that time at nasa Chapter 3 pa ako. Parang introduction pa lang ng love story namin, este, nina Elaine at Jael. So, paano ko ito itutuloy? Wala nang happy ending. Hindi na kami magkakatuluyan. Akala ko kaya kong baliktarin ang tadhana ko sa mga kwentong sinusulat ko. Hindi pala. Hindi ko kinayang sumulat ng happy moments sa kwentong ito habang nasasaktan ang puso ko. So, biglang naisip kong patayin na lang talaga si Elaine. Tutal naman parang ganoon na rin kasakit ang nararamdaman ko. So binigyan ko siya ng brain cancer tulad ng sa music video ng Haru-Haru at pinatay ko siya sa huli. Tapos iyak ako nang iyak habang sinusulat ko ang Chapter 7 and 8 kung saan nasa ospital na sila at nalaman na nila ang sakit niya.
It took me one month to complete this story which originally composed of 16 irregular chapters. When I say irregular, I mean walang standard word count. Kasi nga, hindi ko pa alam ang tungkol doon. Not until binigyan ako ng link ni Pinay na yun ang format na dapat kong sundin. Harana ang original title nito. I read it over and over again. Hindi ko alam kung ilang libong beses kong binasa ang 16 chapters na iyon. Bawat chapter more or less mga 1,500 words, multiplied by 16 equals more or less 24k. Tamang-tama lang talaga para sa isang nobela. Una kong pinabasa si Issai--si Shey--and I succeeded to make her cry. Pero inaway niya ako tulad ng pang-aaway ninyo sa akin. Sabi niya habang umiiyak pa rin, "Ate Anj, ang sama mo. Bakit mo siya pinatay? Dapat may part 2. Dapat happy ending!"
Hindi ko siya pinansin. Bakit ko bubuhayin si Elaine? It`s just reality. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nagkakatuluyan. Pero nang maghilom ang mga sugat sa puso ko (Char lang!) dahil tinanggap ko na may gf na siya (at hindi na magiging kami...and so what?), bumalik sa dati ang pakikitungo ko sa kanya. Then everything turned out better than before. Kaya naisipan kong bigyan ng part 2 ang kwento. Tungkol naman ito sa kadakilaan ng pag-ibig ni Jael kay Elaine but in reality, ako pa rin si Jael sa kwentong iyon. Tapos naisip ko ring gawan na rin ng sariling mga love story ang iba pang karakters doon.
Hindi ko aakalaing maa-appreciate at magugustuhan din ng iba ang kwentong sinulat ko. I did not really intend to publish it online. Honestly, alam ko talaga na maganda ang kwentong iyon. Naman! Pihikan kaya ako masyado at maarte. Kasi kapag maganda ang isang kwento para sa akin--kahit pa hindi ako ang sumulat--hindi ako nakakatulog agad dahil palagi ko itong iniisip, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko at higit sa lahat, naiiyak ako. Iyon ang isang magandang kwento para sa akin. Lahat ng iyon na-experience ko sa GSP Elaine kaya alam ko maganda iyon. Ang hindi ko lang in-expect ay magiging ganoon iyon kaganda para sa iba. Self-satisfaction lang naman ang main reason kung bakit ko iyon isinulat.
Why do I love it so much?
It brings back memories of the past --sweet and sad. Naaalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko sa mahigit isang taong pagtira ko sa Bagong Silang sa bahay nina Ruvie. Parang kay ikli lang ng panahong iyon pero sobrang dami ng mga alaalang hindi ko makakalimutan sa bahay nila at sa lugar na iyon. Pakiramdam ko kasi nasa dati kong kwarto ako habang binabasa ko ang kwentong ito. Ang kwartong naging saksi ng lahat ng mga pinagdaanan ko. I feel nostalgic sa tuwing binabasa ko ito at nami-miss ko ang mga taong nasa likod ng mga pangalan ng mga tauhan dito.
Ikaw? Nabasa mo na ba ang Guitar Series? Nagustuhan mo ba ito? Ano naman ang masasabi mo? Bakit mo ito nagustuhan? Write your answers on the comment box. Wala lang naman. Gusto ko lang malaman. ^__^
Saturday, July 14, 2012
Jeseca Zouldyck: The Secret Heiress
Si Jeseca lang naman ang una at nag-iisang anak ni Silva Zouldyck kay Resika Freecss, ang nakatatandang kapatid ni Ging Freecss. Isang bawal na pag-ibig ang namagitan sa kanyang mga magulang na mahigpit na tinutulan ng magkabilang pamilya. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siya nitong maisilang at iwan sa dalawa nitong kapatid at ina. Hindi ipinaalam ng mga Freecss kay Silva ang tungkol kay Jeseca para na rin sa kanyang kaligtasan. Nanatiling lihim ang kanyang buong pagkatao hanggang sa magdalaga siya. Kaunting impormasyon lang ang sinabi ng kanyang Tiya Mito dahil iyon lang ang alam nito. Isang tao lang ang tanging nakakaalam nang lahat, ang kanyang Tito Ging, na noo`y lumisan sa kanilang tahanan ilang buwan pagkatapos mamatay ang asawa nito pagkasilang sa anak na si Gon.
Pinasya niyang lisanin ang kinalakhang tahanan upang hanapin ang kanyang Tito Ging para malaman ang buong katotohanan sa kanyang pagkatao. Nagtagumpay siya. Subalit sa mga nalaman niya, mas lalong gumulo ang kanyang isip. Isang sumpa ang binitiwan ng kanyang ina bago pa man siya isinilang. Sa pamamagitan ng pitong espiritung tinawag nito, mabubuhay si Jeseca ng pitong beses hanggang sa matagpuan niya ang kanyang tunay na ama at tanggapin siya ng mga Zouldyck bilang anak nito. Matatapos lang ang sumpa kapag siya ang itinakdang tagapagmana ng mga Zouldyck. Kapag hindi naipasa sa kanya ang karapatang iyon bago siya mabuhay sa ikapitong beses, mamamatay ang lahat ng mga taong mahalaga sa kanya.
"Hindi ko alam na alam ng mama mo ang ritwal na iyon at huli na bago ko siya napigilan.Hindi ako umalis nang walang dahilan. Umalis ako para hanapin ang tunay mong ama at ipakilala ka sa kanya. Alam kong mahalaga sa iyo ang lola at Tiya Mito mo at mahalaga din sila sa akin kaya hindi ako papayag na mamatay sila. Kung mahalaga kami sa iyo, huwag mong sayangin ang buhay mo. "
Sa paglalakbay ni Jeseca upang mahanap ang kanyang ama, mapupunta siya sa iba`t ibang dimensyon, makikilala niya ang iba`t ibang uri ng mga nilalang at madadagdagan ang listahan ng mga taong mahalaga sa kanya na kailangan niyang iligtas.
Magawa kaya niya silang iligtas bago pa man siya mamatay sa ikaanim na beses ?

How to Write a Good Manuscript in 5 Minutes
Do you think I`m that stupid? Of course, it`s not applicable in novels. Let`s take essay as our example. I think essay is one of the hardest things to write. It`s a combination of facts and your own opinion based on also facts. But, how can you write a good, if not the best, one in just five minutes?
1. You need a pen and a paper. Of course, you need it. You, id**t! Oops! Sorry. What I`m saying is that, how can you write something if you don`t have anything to write and write on? Can you see now why it is number 1? Okay, a laptop will do if you`re permitted.
2. After the topic was given to you and the clock starts ticking, do not pick up your pen immediately. Relax. Close your eyes and don`t mind about your surrounding. Think about the topic and what you are going to write. Create an outline in your mind.
3. After 1-2 minutes, open your eyes and unload all the ideas from your mind by writing it according to your imaginary outline. You`ll be amazed how fast you can finish your essay. You will have extra time reviewing and editing it.
I learned those tips from my English teacher way back when I was in fourth year high school. She said it`s effective and I think she`s right. I`ve been applying them ever since then.
You still don`t believe me? Well, let`s try your writing
skill. Prepare your pen and paper or your laptop. Ready? Write something about “rainbow”.
Oops! I told you not to pick up your pen or don`t type yet. Relax. Close your
eyes for two minutes. Meditate. Tik! Tik! Tik! Okay, two minutes is up! Write
now. You only have three minutes left. Tik! Tik! Tik! Alright! Your five-minute
writing drill is over. Put your pen down or your hands off your keyboard. Email
me what you have written @ justin_angelie@yahoo.com.
Hope you enjoyed our writing exercise for today!
God bless your writing!
Friday, July 13, 2012
Ang Totoong Kwento sa Likod ng Aking mga Kwento
Gusto n`yo bang malaman kung saan ko hinuhugot ang inspirasyon sa pagsusulat ko ng kwento o kung paano ko naisulat ang mga kwentong nabasa ninyo? Okay, fine. Sige na nga.
It`s all started way back in high school. Ilang beses n`yo nang narinig ang kwentong ito. Nagkaroon ako ng crush sa pinsan ko. That`s what I Love You, Pinsan (nasa Role Play ng FATE noon) na ngayon ay ginawa kong Ang Kwento ng Pag-ibig ni Ana.
Tapos nang tumuntong ako ng college, may nakita akong isang lalaking maputi, matangkad at gwapo sana pero mukhang adik kasi ang kapal ng eye liner tapos may hikaw pa sa tenga. I never got to know him. Pero sabi ng friend ko, Kiko daw palayaw niya. Ewan. Dahil sa kanya, kaya ko naisulat ang Adik Sa`yo na Role Play din sa FATE.
Nakilala ko si Kuya Ken, ang Harry Potter ng aming college. Sobrang na-star struck ako sa kanya. Crush at first sight ang nangyari. Lalo akong napahanga dahil sobrang bait niya at parang kuya na talaga. Siya naman ang inspirasyon ko sa My Big Brother.
Tapos iyong Complicated Love na short story ko sa FATE noon, mga barkada ko sa CDO ang inspirasyon ko dun. Bakit siya complicated? Kasi lima silang magkakapatid--apat lalaki, isa babae. Crush ko ang panganay na crush din ng pinsan ko. Tapos ang pangalawa na parang bestfriend ko na, crush ng sister ko. Ang ginawa ko sa kwento, crush ko ang panganay, ako crush din niya pero crush din ako ng kapatid niya, iyong pangalawa na crush ng kapatid ko. Kumplikado d ba? Basta iyon na iyon.
Second year college? Sobrang nakakaaliw. Naging magkaklase kasi kaming lima ng mga kaibigan ko. Ang nakakatuwa pa, naging kaklase rin namin sina Gene at Arthur na dati na naming naging kaklase noon sa ibang subjects. Kilala namin sila pero hindi talaga kami close. Hanggang sa nagsimula nga ang katuwaan at kalokohan namin nang tuksuhin ako(Aiyana) ni Jen (Grace) na soulmate daw kami ni Arthur na kamukha nga ni Kibum na crush ni Ruvie (Chuvie). Lalo pang gumulo dahil si Gene tinutukso namin kay Jen na later nadiskubre naming may gusto pala kay Arthur. Basta! Basahin n`yo na lang ang Another Complicated Love Story. Pero sa huli, walang nagkatuluyan sa amin. Ni hindi nga kami naging malapit sa kanila.
Nang tumuntong ako ng Third Year College, nakilala ko naman ang makulit na crush ko na binansagan kong Mr. Comb. Iyon na nga ang title ng short story na iyon sa FATE. Na-"in love" ako sa kanya dahil sa suklay. Alam n`yo masakit? Nang hapon ding iyon after I fall for him, pinakilala niya sa akin ang girlfriend niya. Sa real life, naging lihim ang feelings ko sa kanya, friends pa rin kami pati ng gf niya. Sa story siyempre nagkatuluyan kami. haha!
Tapos nang maging 20 years old na ako, biglang heart broken na naman. Wala pa ngang boyfriend heartbroken na. Kilala n`yo naman siguro si Jael sa Guitar Series ko di ba? Oo, siya nga. Kung paano ako na-broken-hearted, basahin n`yo ang My Top Post-Liker Presents "Ikaw Pa Rin Pala". Nandoon ang ibang explanation ng kwento ko. Kaya ko pinatay si Elaine sa Part 1 ng Guitar Series kasi gusto kong ma-feel NIYA (sana) kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Kaya lang, dahil nag-demand ng part 2 ang mga readers ko, ginawan ko na lang para daw happy ending. Ilang buwan din bago ko iyon nasundan. Kasi nga nagpapagaling pa ako ng sugat sa puso ko. Tapos biglang bumalik sa dati ang lahat, okay na kami. Friends pa rin at...na-in love na naman? Mukhang ganoon na nga. Kaya pasalamat kayo dahil doon naging successful ang happy ending na hinihiling n`yo kahit sa totoong buhay hindi naging happy ang kinalabasan ng lovelife ko. TIP: Basahin ang tatlong kwento para maintindihan ninyo ang sinasabi ko. Sana nga maintindihan ninyo. Nyahaha!
Naikwento ko na sa inyo na umabot ng 16 chapters ang Elaine di ba? Hindi pa kasi ako marunong sumunod sa format at word count noon. Kaya pinagalitan ako ni Pinay. Dahil sa galit ko kasi nainsulto ako noong una (i-delete ba naman ang pinaghirapan mong nobela na maraming may gusto?), akalain n`yong makakagawa ako ng isang love story tungkol sa galit ko. My Novel, My Love Story ang pamagat niya.
After ng Guitar Series part 1 at part 2, nagkita na naman kami ulit ng dati kong classmate, si Jess. Love at the Disco ang drama. Di nga nagtagal, naging kami. Siya ang first boyfriend ko. Isusulat ko nga sana iyong Sana`y Ako Na Lang kaso nawalan na ako ng gana. Nagkahiwalay din kasi kami.
Iyong My Top Post-Liker Presents "The One-week Deal" naman, naku! Oo, may nakipag-deal sa akin na maging kami daw to save his pride dahil pinalitan siya agad ng ex niya. Ang likot ng imahinasyon ko, ano? Hindi ako pumayag. Ano ako, hello? Baka ma-develop na naman ako, delikado. Sumulat na lang ako ng love story namin. As if naging kami!
Iyong My Top Post-Liker Presents "A Post-Modern Fairy Tale" naman, sinulat ko iyon noong time na nasira ang laptop ko. Sobrang mahal ko kasi si Suzuki. Haha. Adik lang? Pati laptop may love story. Ganyan talaga ako. Pasensya na.
Kung saan naman galing ang Ikaw Lamang, well, isinulat ko iyan noong fourth year high school pa ako. Si Justin at ako ang original bida niyan. Hindi iyan ang first story ko. Pero cute kasi ng story nila.
Kunwari Lang Pala. Itatanong pa ba iyan? Kung anong nakasulat doon, iyon na iyon. Kasi naman itong si Foo, napagtripan akong asarin. Hindi niya alam na parang malinaw na tubig ang utak ko na kapag inistorbo`y tiyak, may kakaibang maiisip. Haha! Dito rin nabuo ang pagiging kambal namin ni Justin imbes na siya ang ideal man ko. Nabasa n`yo na ang My Ideal Boyfriend? Totoong may isinulat akong characteristics ng ideal boyfriend ko at Justin talaga nilagay kong pangalan. Adik na kung adik! Paki n`yo! haha!
"God gave me you to show me what`s real..." Dahil pinaiyak ako sa kantang iyan, ginawan ko rin ng story--God Gave Me You. Pinatay ko iyong bida. Hayun! Iyak ako nang iyak. Huhuhu!
Nakalimutan ko kung sino ang inspirasyon ko sa So It`s You nang isulat ko siya noon. Siguro I was just wondering what if may TOPper na magkatuluyan sa totoong buhay. Role Play lang sana iyan sa FATE at hindi pa siya natapos. Nang maghalungkat ako sa old files ko, na-save ko pala siya. Sobrang haba na kaya plinano kong gawin siyang novel. Salamat kay Foo, (Oo. Si Foo na naman!) at na-inspired akong tapusin ito. Nahirapan kasi akong bigyan ng karakter si Hehe123 at kung ano ang mga susunod na mangyayari.
The rest of my stories, bunga lang talaga ng pagkabagot ko. Minsan walang magawa kaya nag-iisip ng kung anu-ano hanggang sa may maisulat. Minsan din gusto ko lang ng may maisulat.
Oh, hayan! Ang dami kong satsat pare-pareho lang naman ng laman sa ibang posts. Eh, anong paki n`yo? Blog ko `to. Kaya nga journal, eh. Kasi lahat ng gusto kong isulat, dito ko isusulat at walang sisita sa akin. Hehehe! Joke lang. Chillax!

Anjustin`s Story
Malamang ay kilala n`yo na ako bilang Anjustin. May iba rin sa inyo na kilala na rin ang totoong tao sa likod ng pangalang Anjustin. Pero paano ba nabuhay si Anjustin? How did she exist?
Angelie ang tunay kong pangalan, but people are giving me different nicknames na sa paglipas ng panahon ay naging batayan ko upang maalala kung sino sila sa buhay ko. Halimbawa, ang mga taong tumatawag lang sa akin ng Anj ay mga nakakakilala sa akin during my college life. Inside my high school campus, I was known as Guerz. So on and so forth.
I wasn`t an open person. Hindi ako mahilig magbahagi ng mga bagay tungkol sa aking sarili lalo na kung may personal akong pinagdadaanan sa buhay ko. A lot of people do not know 50% about me. I was a secretive person until second year college. Hindi ko ipinagkakatiwala sa ibang tao ang tungkol sa buhay ko. I kept it mostly to myself and my notebook.
My mother told me I started writing my name when I was 3 years old and started reading months later. I remembered I had once an ABAKADA Book, which my grandmother gave to my mother. That was the first book I was reading. Then I remembered, I was already reading comics at the age of 5. Mula pagkabata ay nasa dugo ko na talaga ang pagbabassa at pagsusulat.
So, did I start writing a novel? Not yet. The first things I wrote were poems. Madali para sa akin ang magsulat ng tula--English or Filipino. Then, sumunod ay mga kwentong pambata. Dahil masyado akong mabait na bata noon, lahat ng bagay na pinapagawa sa amin sa pamamagitan ng pagsulat ay ginagawa ko--poems, essays, short stories--in English and Filipino. Kinailangan ko ring magbasa nang magbasa upang mahasa ang aking pagsusulat. Oo nga`t nahasa ako. Ako pa nga ang mismong nagsulat ng aking valedictory speech sa elementary. (Opo. Valedictorian daw ako. Taruss!)
Pero bago ako magtapos sa elementarya, nasimulan ko nang masulat ng isang kwento na hindi requirement ng aming subject. I dedicated that story to my bestfriend. The story was about a girl, whose bestfriend had a boyfriend. Nang dahil doon ay nakalimutan na siya nito. Subalit napakabait niya pa rin. Isang araw, narinig niya ang pag-uusap ng boyfriend nito kasama ang barkada. May masamang balak ang mga ito sa kaibigan niya. Nang sabihin niya ito sa bestfriend niya, hindi ito naniwala at nagalit pa sa kanya. The story ended up with the girl saving her bestfriend from an attempted rape by her boyfriend and his group.
Along with my journey in writing, nabubuo rin sa aking isipan ang mga karakter na tatayo bilang aking katauhan sa mahiwagang mundo ng aking mga imahinasyon. Iyon ay si Jeseca. Her name was originated from the main character or First Valley High. Bawat gabi ay may nabubuong kwento sa aking isipan at naglalakbay iyon hanggang sa makatulog ako. Dahil sa pagka-addict ko sa anime, gabi-gabi kong ini-imagine ang sarili ko na kasama ang mga characters na katulad nina Recca, Eugene, Rukawa, Gon, Hisoka--ako bilang si Jeseca. Lumawak ang aking imahinasyon at binigyan ng pitong katauhan si Jeseca--Josephine, Elizabeth, Sharmaine, Evelyn, Christine, Anne and herself. Noong nabuo ang pitong katauhan ni Jeseca sa mundo ng mga anime.
Isa rin sa naging factor ng aking wild imaginations ay ang aking pagkahilig sa panonood ng mga movies. I was and still am a movie addict. Tulad ng aking pagbabasa, walang partikular na palabas akong pinipiling panoorin dahil hindi naman din sa amin ang player. Iba`t ibang genre ang aking napapanood araw-araw. The one character that struck me was John in the Terminator 2. That`s when my heart beat irregularly. Si John ang naging unang crush ko noong elementary. Soon enough, I had put a Stephen, one of my favorite guy name, on his name. Later on, I found myself imagining my ideal guy with the name John Stephen. Adik mang matatawag pero iyon ang totoong nangyari. Then, how came Justin? Justin`s name originated from Justin Timberlake, one of the members of NSYNC. Coincidentally, it was also the name of the character of Rain in Fullhouse. (Me one episode akong napanood at talagang na-touched ako sa kanya.) So, there! He`s full name was John Stephen "Justin" Rodriguez. Where the heck was Rodriguez coming from? It was again my favorite surname.
Ganyan ako kaadik noon. Nang dahil sa imaginary characters na aking binuo sa aking isipan, naging madalas na ang aking pagbuo ng mga kwento gabi-gabi. Then came my crush (I Love You, Pinsan). Dahil sa kanya, naging makulay ang love life ko. Namulat ang puso ko sa iba`t ibang pakiramdam--kilig, sakit, saya, selos, kaba, galit, etc. Lahat ng iyon, isinulat ko sa aking notebook. Walang nakakaalam tungkol sa mga reaksyones at pakiramdam ko sa almost four years na pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Maliban sa kanya, may mga asungot ding dumating sa buhay ko. Iyong experience na crush mo ang close friend mo, nadevelop dahil sa tuksuhan, enemy turned into crush, crush ng bayan--lahat ng iyan, naranasan ko na. Lahat ng iyan naisulat ko na. Hanapin n`yo na lang kung alin sa mga kwento ko ang may temang ganoon.
Nagsimula na namang sumulat ang aking kamay. I was a news writer in our school paper and sometimes I wrote features, too. Madalas ding ako ang script writer/director sa lahat ng role plays namin sa classroom. Lalo lang nahasa ang aking utak na mag-imagine ng mga scenes na madalas ay pang-love story. Hindi ko sinasadya ang karamihan sa mga sinusulat ko upang kiligin ang aming guro at makalikom kami ng mas mataas na grado. Iyon lang talaga ang pinakamadaling isulat para sa akin--kasi nga inspired ako.
Since high school, Justin has become my imaginary boyfriend and everytime I wrote a script, siya ang iniisip ko. It was fourth year that marked my debut on love story writing. ANg dating tig-iisang page lang ng intermeditae paper na kwento ay naging dalawa, tatlo hanggang sa naging napakataas na niya. Nangyari iyon noong wala akong magawa at sinabi kong gagawa ako ng love story ng classmate ko. Unang nag-open up si Ciarenne at ikinwento niya ang tungkol sa love life niya. The next day, I gave her a 3-page story tungkol sa kanila ng crush niya. It`s not the exact story of course pero nagustuhan niya. Later, I found myself writing for another classmate and another and another hanggang sa hindi ko na nga nasulatan lahat nang grumadweyt na kami. Pero itinuloy ko pa rin ang pagsusulat. The first story na naisulat ko in college was iyong kina Mitch sa Adik Sa`yo. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Wala akong format na sinusunod. Wlang word count. Walang chapters. Sulat lang ako nang sulat kapag nanggigigil ang mga kamay at utak ko. Hindi ako tumitigil. Nanghihinayang ako kapag nauubusan na ako ng papel o kaya nakakakita ako ng blankong papel. Ganyan ako kaadik sa pagsusulat.
Hindi ako iba sa mga kabataang kaedad ko. Nagbabasa rin ako ng mga pocketbook. Pero mahilig lang talaga akong magbasa kaya wala akong pakialam kung ano ang binabasa ko as long as nagugustuhan ko ang kwento. Dumadagdag rin naman iyon sa mga kwentong isinusulat ko. Sa sinabi ko na noon, sa dami ng mga pinagdaanan ko sa "pag-ibig--pag-ibig" na iyan, d ko na kailangan ng pocketbook para makabuo ng kwento. Isang araw na experience lang sa school may nabubuo na agad ako.
Fourth year college. I was a total heart break. Oo. Iyon na nga ang pinakamalalang sakit sa puso na natamo ko. That`s when I fell in and out of love. (Langya!) Kasagsagan ng aking lovelife nang ang aking isang kaibigan ay naabutan kong nagsusulat ng nobela para ipasa niya sa PHR. Na-engganyo naman ako nang basahin ko ang guidelines kaya sinubukan ko pero wala akong maisip. January 2011 nang mabiyak ang puso ko, agad akong nakasulat ng isang nobela na may 16 chapters.That was Guitar Series Presents Elaine(Denial Tease-Hater), originally entitled Harana. February 2, 2011, naghanap ako ng pub house online kung saan ako pwedeng magpasa ng aking manuscript. Napadaan ako sa FATE pero hindi ko muna ito pinansin. Naghanap ako nang naghanap. May nakita ako pero hindi ko nagustuhan ang kanilang guidelines. Hindi qualified ang aking ginawa sa kanilang format. Bumalik ako sa FATE at nagregister as "justin_angelie" on the next day. I found myself in a community of pocketbook and love story addicts. Una kong nabasa iyon OO, SIR! Talagang kinilig ako dun! Since that day, naging aktibo na ako sa FATE. Ibinahagi ko ang lahat ng aking mga sinulat na kwento sa mga tao roon.
Days after that, I posted my novel. Iyon nga, napagalitan ni Pinay dahil mali-mali ang format at kinailangang ayusin. Nagrebelde ako for three days at doon nabuo ang My Novel, My Love Story na ginawa ko. Later, na-realize ko na it`s for my own good naman. Pikit-mata kong inayos ang aking nobela hanggang sa masiyahan si Pinay sa akin. Natuwa naman ako. Tulad nga ng sabi ni Foo, para kang nanalo sa lotto kapag nagustuhan ka niya. Agad akong na-promote bilang contributor in just two months. Kaya lang masyadong mahaba ang username ko na justin_angelie at nahihirapan sila. Sabi ko Anj na lang. Halos ilang months din akong nawala sa FATE. Pagbalik ko, almost inactive na siya at naroon na lahat sa TOP.com ang mga tao. Pinalitan ko nga ang aking TOP name. Noon isinilang si Anjustin. Hindi ko naman kasi pwedeng balewalain si Justin na siyang naging inspirasyon ko all these years.
Well, that`s how I become an online novel writer...and soon to be a legitimate one! (Hopefully!)
Thank you TOP for this once in a lifetime opportunity!
Writing Tips - Anjustin`s Version
I`m not yet a professional writer at alam ko marami pa akong kakaining bigas para maging kagaya ng mga sikat na manunulat na kilala natin. Pero sa mahigit sampung taon ba namang pag-aaral ko ng writing/pagsulat, grammars, panitikan, at kung anu-ano pang leksyon sa English at Filipino subjects mula elementary hanggang college at sa mga nabasa kong writing tips sa mga libro at internet pati na rin ang mga payo ng mga guro at writers na kakilala ko, tingin n`yo wala akong natutunan sa kanila? Nagkakamali po kayo. Ang dami ko pong natutunan noon. Sa patuloy kong pagsusulat upang matupad ang aking mga pangarap, limang bagay ang tumatak sa isipan ko na mga kailangan kong tandaan sa pagsusulat ng nobela at maging ng maikling kwento.
1. Write because you want to not because you need to or others want you to
--Kalimitan sa mga nangyayari sa mga taong napipilitang sumulat kahit hindi nila gusto, nagiging pangit ang kinalabasan at kalat-kalat ang mga eksena at detalye ng kwento. Kasi ang iniisip ng writer, eh, dapat pagbigyan ang demands ng mga readers. Kung hindi n`yo gusto, huwag n`yong pilitin. Kung hindi n`yo gusto ang concept na pinapasulat sa inyo, huwag n`yong gawin. At the end of the day, it`s not about what you write. It`s about how you write it. Always write from your heart. "Write to express not to impress," ika nga.
2. Have your own style
--Dahil napakarami na ng mga Tagalog novels na naisusulat at nababasa natin simula pa noon, hindi maiiwasang kapareho ng isa ang concept na nais nating isulat. Kung iyon ang gusto mo, walang pipigil sa iyo. But, write it in a way na kakaiba siya sa naunang mga kagaya niya ng konsepto. Give it some unique twists and surprise factors na panggulat sa mga readers. Meet their expectations with a twist. Iyong tipong, "Akala ko sila na, hindi pa pala. Buti na lang sila pa rin sa huli." Gets mo, teh?
3. Balance your teaser and contents
--Minsan may nababasa tayong nobela na simple lang ang teaser pero bongga ang content. May iba rin na bongga ang teaser, simple lang ang laman. Diyan na lalabas ang kasabihang, "Don`t judge the novel by its teaser." Hindi masama ang pagsulat ng bonggang teaser. Pampakuha iyon ng atensyon ng mga mababasa. Pero siguraduhin mo lang na kung gaano kaganda ang pagkakasulat mo ng teaser mo, ganoon din kaganda ang laman nito. Ayaw mo naman sigurong masabihan ng, "Hay naku! Maganda nga ang teaser, boring naman ang laman." In short, give your readers what you expected them to expect.
4. Maintain consistency
--Kahit sabihin pang ikaw ang lubusang nakakaalam ng sinusulat mo, huwag mo ring kalimutan na may mga readers kang sobrang metikuluso na kahit kuwit/comma (,) ay binabantayan. Halimbawa, kung nangyari ang kwento mo sa sinaunang panahon, hindi mo naman siguro papangalanan ng Clyde or Thor ang bidang lalaki kung probinsyano siya hindi ba? Naman! Huwag tayong tanga pagdating sa mga ganitong bagay. Kahit maliit lang ito kung titingnan, mahalaga pa rin ito. Asahan mo ang napakaraming tanong kapag nagkamali sa sa aspetong ito. "Di ba nasa Amerika pa sila bakit nasa probinsya na?" "Di ba patay na si Juan? Bakit andito siya sa huling eksena?" "Di ba si Juanita ang gf niya, bakit iba na ang pangalan?" Except kung series ang gagawin mo, magandang sign ang mga tanong na iyon. But more or less, try to fix it ahead of time.
5. Do not stop writing
--Ang isang writer madalas malikot ang utak. Kahit naliligo, natutulog, nakaupo, nakahiga o naglalakad, may biglang susulpot na ideya sa isip mo at ilang sandali lang ay makakabuo ka na ng kwento. Try to write them all. Huwag mong pigilan ang sarili mong sumulat. Kahit pa sabihing hindi maganda ang sinusulat mo o hindi ka magaling, prove them that they are wrong. Let it be your passion. Writing is a passion. If you really love it, nothing and no one can stop you from doing so. Huwag mong masamain ang hindi magandang komento ng iba. Take their criticism as advice to improve your talent. Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo kung ano ang gusto mong gawin.
Sana`y nakatulong sa inyo ang mga payo kong ito.
Tandaan: ANG TUNAY NA MANUNULAT AY TALAGANG NAGSUSULAT AT HINDI NANGONGOKOPYA LANG!

Saturday, July 7, 2012
Next Attraction...
Just Married
Kalokohan lang naman nila ng kaibigan niyang si Ana ang lahat. Gumawa kasi ito ng false FB account at pinangalanan nitong Justin Guerrero with profile pic pa na nakuha lang nito nang i-research ang pangalang iyon. In fairness gwapo iyon. Sa galing nilang gumanap sa FB at sa galing ding sumakay ng mga kaibigan nila, halos lahat ng hindi nakakaalam ng totoo ay napaniwala nila na magnobyo talaga sila at ikinasal pa sila.
Si Justin. Mayaman, gwapo, seryoso, hindi siya party-goer at hindi siya mahilig sa social networking sites katulad ng Facebook kaya gayon na lamang ang pagkagulat niya nang i-congratulate ng mga kaibigan niya dahil ikinasal na diumano siya at di man lang nagpasabi kung hindi pa nila nakita sa FB ang picture na na-post ng wife diumano mismo nito. Halos mabaliw siya sa balitang iyon kaya nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas galing Australia para hanapin ang babaeng nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya na pinangangalandakan pang asawa niya ito at ang FB user na gumagamit ng pangalan niya.
Wednesday, July 4, 2012
Hatest You,
Pwede makonsensya ka naman? Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa amin, eh. Hindi namin alam kung anong nangyari sa iyo. Huwag mong isiping nag-aalala kami sa iyo. Nag-aalala kami sa project natin. Buti sana kung natapos mo na ang task mo. Eh, hindi mo pa nasisimulan. Hindi rin naman kasi namin kayang dalawa lang na i-solve ang problema natin. Kaya nga team, di ba? Parang magkatulungan tayo. Matalino ka naman di ba? Asan na ang talino mo? Sana natapos na natin ang project na ito noon pa. Hindi naman ako nanunumbat(hindi halata?). Sana man lang kasi mag-cooperate ka. Hindi kasi kami makakausog kung wala ka kasi...kasi nga team tayo at damay kami kapag hindi ka nakipagtulunga sa amin. Asan ka na ba?
Sana hindi ka na-hold up at nasaksak. Sana hindi ka
binangungot kagabi. Sana hindi ka nasagasaan ng rumaragasang sasakyan sa daan.
Sana hindi ka nahulog sa escalator. Sana hindi ka nalunod sa sabay o nasabuyan
ng kumukulong tubig. Higit sa lahat, sana BUHAY ka pa! KAHAPON PA KASI KITA PINATAY SA
ISIP KO!!! NAKAKASAGAD KA NG PASENSYA. HINDI KA NA NAKAKATUWA. Gusto kong pagsisihan na nag-alala
pa ako sa iyo noong hindi ka nagparamdam sa amin kasi akala ko depressed ka
lang. Iyon pala, nagbakasyon ka nang hindi namin alam at iniwan mo pa kami sa
ere na parang tanga. Tapos binigyan ka namin ng chance na makasali ulit sa
team. ANONG GINAWA MO?
SINAYANG MO LANG ANG CHANCE NA BINIGAY NAMIN!!! Kailan ka ba magtatatanda? Makukulong
ako nang di-oras sa iyo. Sus! Kung nakakapatay lang ang isip. Kahapon ka pa
pinaglalamayan.
Galit na galit,
AKO
Tuesday, July 3, 2012
Walang Magawa
Dahil wala na naman akong magawa, heto`t ang dami kong pinagkakaabalahan.
Kaya`t heto ako ngayon.
Nakahanap na naman ng bagong masusulatan na may sariling tema at kategorya.
Ongoing pa kasi ang posting ng bago kong nobela sa TOP kaya nagpahinga muna ako sa pagsulat doon.
Ang tema sa blog na ito...well, tulad ng title, parang journal lang.
Ongoing pa kasi ang posting ng bago kong nobela sa TOP kaya nagpahinga muna ako sa pagsulat doon.
Ang tema sa blog na ito...well, tulad ng title, parang journal lang.
Mahilig kasi akong gumawa ng journal at scrap book noon.
Since high-tech na tayo ngayon, dito ako gagawa ng sarili kong journal na parang scrap book na rin.
Huwag na kayong magugulat kung puro mga pampalipas-oras at palipad sa hangin ang laman nito.
Matabil lang talaga ang utak ko at masyadong makati ang mga daliri ko.
Hehehe!
Hello!
Hello!
Kumusta po kayo?
Ito na po ang bago kong blog kapalit ng nasira.
Naka-private na po iyon.
Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa ng mga kwento ko rito.
Hehe.
Subscribe to:
Posts (Atom)