Saturday, July 14, 2012

Jeseca Zouldyck: The Secret Heiress

Si Jeseca lang naman ang una at nag-iisang anak ni Silva Zouldyck  kay Resika Freecss, ang nakatatandang kapatid ni Ging Freecss. Isang bawal na pag-ibig ang namagitan sa kanyang mga magulang na mahigpit na tinutulan ng magkabilang pamilya. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siya nitong maisilang at iwan sa dalawa nitong kapatid at ina. Hindi ipinaalam ng mga Freecss kay Silva ang tungkol kay Jeseca para na rin sa kanyang kaligtasan. Nanatiling lihim ang kanyang buong pagkatao hanggang sa magdalaga siya. Kaunting impormasyon lang ang sinabi ng kanyang Tiya Mito dahil iyon lang ang alam nito. Isang tao lang ang tanging nakakaalam nang lahat, ang kanyang Tito Ging, na noo`y lumisan sa kanilang tahanan ilang buwan pagkatapos mamatay ang asawa nito pagkasilang sa anak na si Gon.

Pinasya niyang lisanin ang kinalakhang tahanan upang hanapin ang kanyang Tito Ging para malaman ang buong katotohanan sa kanyang pagkatao. Nagtagumpay siya. Subalit sa mga nalaman niya, mas lalong gumulo ang kanyang isip. Isang sumpa ang binitiwan ng kanyang ina bago pa man siya isinilang. Sa pamamagitan ng pitong espiritung tinawag nito, mabubuhay si Jeseca ng pitong beses hanggang sa matagpuan niya ang kanyang tunay na ama at tanggapin siya ng mga Zouldyck bilang anak nito. Matatapos lang ang sumpa kapag siya ang itinakdang tagapagmana ng mga Zouldyck. Kapag hindi naipasa sa kanya ang karapatang iyon bago siya mabuhay sa ikapitong beses, mamamatay ang lahat ng mga taong mahalaga sa kanya.

"Hindi ko alam na alam ng mama mo ang ritwal na iyon at huli na bago ko siya napigilan.Hindi ako umalis nang walang dahilan. Umalis ako para hanapin ang tunay mong ama at ipakilala ka sa kanya. Alam kong mahalaga sa iyo ang lola at Tiya Mito mo at mahalaga din sila sa akin kaya hindi ako papayag na mamatay sila. Kung mahalaga kami sa iyo, huwag mong sayangin ang buhay mo. "

Sa paglalakbay ni Jeseca upang mahanap ang kanyang ama, mapupunta siya sa iba`t ibang dimensyon, makikilala niya ang iba`t ibang uri ng mga nilalang at madadagdagan ang listahan ng mga taong mahalaga sa kanya na kailangan niyang iligtas.

Magawa kaya niya silang iligtas bago pa man siya mamatay sa ikaanim na beses ?

No comments:

Post a Comment