Wednesday, July 4, 2012

Hatest You,

           Pwede makonsensya ka naman? Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa amin, eh. Hindi namin alam kung anong nangyari sa iyo. Huwag mong isiping nag-aalala kami sa iyo. Nag-aalala kami sa project natin. Buti sana kung natapos mo na ang task mo. Eh, hindi mo pa nasisimulan. Hindi rin naman kasi namin kayang dalawa lang na i-solve ang problema natin. Kaya nga team, di ba? Parang magkatulungan tayo. Matalino ka naman di ba? Asan na ang talino mo? Sana natapos na natin ang project na ito noon pa. Hindi naman ako nanunumbat(hindi halata?). Sana man lang kasi mag-cooperate ka. Hindi kasi kami makakausog kung wala ka kasi...kasi nga team tayo at damay kami kapag hindi ka nakipagtulunga sa amin. Asan ka na ba?
           Sana hindi ka na-hold up at nasaksak. Sana hindi ka binangungot kagabi. Sana hindi ka nasagasaan ng rumaragasang sasakyan sa daan. Sana hindi ka nahulog sa escalator. Sana hindi ka nalunod sa sabay o nasabuyan ng kumukulong tubig. Higit sa lahat, sana BUHAY ka pa! KAHAPON PA KASI KITA PINATAY SA ISIP KO!!! NAKAKASAGAD KA NG PASENSYA. HINDI KA NA NAKAKATUWA. Gusto kong pagsisihan na nag-alala pa ako sa iyo noong hindi ka nagparamdam sa amin kasi akala ko depressed ka lang. Iyon pala, nagbakasyon ka nang hindi namin alam at iniwan mo pa kami sa ere na parang tanga. Tapos binigyan ka namin ng chance na makasali ulit sa team. ANONG GINAWA MO? SINAYANG MO LANG ANG CHANCE NA BINIGAY NAMIN!!! Kailan ka ba magtatatanda? Makukulong ako nang di-oras sa iyo. Sus! Kung nakakapatay lang ang isip. Kahapon ka pa pinaglalamayan.


                                                                                                                        Galit na galit,
                                                                                                                        AKO

2 comments:

  1. ay!galit?? hindi pala galit lang.. galit na galit hahaha..

    ReplyDelete