Minsan, masarap balik-balikan ang mga nakaraan lalo na ang mga past lovelife natin kahit gaano pa kasakit ang dinulot nito sa atin. Hindi ibig sabihin no`n na mahal na naman natin ang taong minsan nating minahal pero hindi natin nakatuluyan o umaasa na naman tayo na maibabalik pa natin ang dati. It`s just like reading your favorite book. Kahit gaano pa ka sad ang content nito, hindi ka magsasawang pauli-ulit itong basahin dahil ito ang kwento ng buhay mo.
Una kong nakita ang asawa niya, although hindi ko pa alam na iyon pala ang asawa niya(pero may hinala na ako kasi sa balkonahe nila nakaupo.) Umuwi sila sa bahay nila. Siguro doon sila magdiriwang ng new year. Then, habang nasa bahay ako ng bestfriend ko, malapit sa gate nila, panay ang sulyap ko sa labas ng kanilang bahay--sa balkonahe kung saan siya madalas magtambay noon. Nakakatawang isipin na hindi pa rin pala nawawala ang habit ko. Akala ko nakalimutan ko na. Usually kapag malapit ako sa gate nakaupo at nakaharap sa bahay nila, consciously or unconsciously, napapatingin ako sa bahay nila...hoping to see him--again--just like before.
Ang tagal naming nag-usap ng nanay ng bestfriend ko bago pa dumating itong bff ko. Hindi ko pa rin siya nakikita. Tapos dumating si bff at nag-usap na naman kami. Napapasulyap na naman ako sa bahay nila. Hindi pa rin siya lumalabas. After almost one hour, just as I looked at their house, I saw him standing outside as if in a spotlight. Siya lang kasi ang naiilawan doon. I saw him looked at me. We stare at each other for some moments. Hindi ko alam kung sapat ba ang ilaw na tumama sa akin para makilala niya ako. Ako na ang unang bumawi ng tingin bago pa ako malunod sa mga titig niya at baka makahalata pa ang mga kausap ko. Secretly, I felt contented.
Hindi ako nangangarap ulit. Hindi rin ako umaasa ulit. Pero inaamin kong na-miss ko siya at ang mga masasayang nakaraan naming dalawa na magkasama. Hindi ko alam kung kailan ulit mangyayari iyon o kung mauulit pa iyon. Sa lahat yata ng naging crush ko, siya ang pinaka-special. Siya lang kasi ang close ko sa text pero hindi ko close sa personal. Sobrang open kami sa isa`t isa sa text at minsan kapag kaming dalawa lang pero hindi sa harap ng ibang tao. Siya lang din kasi ang di ko kinakausap nang ilang linggo kahit hindi naman kami nag-away tapos bigla ko na namang kakausapin. Iyong tipong parang kami na hindi naman. Nakakatuwa ngang isipin iyong Valentine`s Day na pinapaamin na siya ng mga kaibigan ko at kulang na lang magtapat na siya sa akin para officially maging kami na. But things were not as easy as that. Sabihin na lang nating, hindi talaga kami para sa isa`t isa kahit pa may gusto ako sa kanya at parang may gusto naman siya sa akin (kung meron man.).
Sa dami ng sakit na naranasan ko dahil sa kanya, hindi ko pa rin kayang mag-hate sa kanya. Kasalanan ko naman kasi ang lahat. We were never meant to be together in the first place. Isa pa, mas matimbang ang naging friendship namin kahit hindi obvious na friends kami dahil mas madalas ang bangayan, sungitan at inisan kaysa sa tawanan, kwentuhan at damayan. Most of all, isa rin siya sa pinakamabait na crush ko. Hindi kasi niya ako inabuso to the point na magte-take advantage siya sa nararamdaman ko. Hindi niya ako niligawan dahil alam niyang hindi kapareho ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya para sa akin at alam niyang masasaktan lang din ako. In short, hindi niya ako pinaasa. Ako lang talaga ang kusang umasa noon. Hahaha.
Anyway, I really hope na maibabalik pa namin ang dati kahit man lang ang friendship namin. Sana may chance na magkasama kami ulit sa isang kasiyahan sa bahay ng bestfriend ko like videoke or jamming sessions. Sana lang din, hindi maging kj ang asawa niya at ma-insecure sa akin kapag nangyari iyon at makita niya kung gaano kami ka-sweet lalo na kapag umaandar na ang palipad-hanging biruan ng mga echosero`t echoserang nanunukso at kinikilig sa amin noon.
Haiiizzztttt...Past is past, sabi nga nila. Pero I love reminiscing my past lalo na kapag bumabalik ako sa lugar na iyon kung saan kami nagkakilala!
No comments:
Post a Comment