Sunday, September 11, 2016

I'm Back...Again!!!

Hey guys!

Miss me?

I'm still alive...HAHAHAH!

Anyway, thanks to my bestfriend, Jeni, who (I don't know what she did or how did she get in here) opened this blog and commented how ugly my template was! That's when I remembered I hadthis blog...funny! So, she edited my blog template, or say, replace it with something nice--for her.

So, here it is! My new-look blog! I hope I can post more updates about me later. I'll tell you what happened to me during that one whole year of hiatus!

Sorry kung puro English. Sabi kasi niya, mahihirapan daw siyang i-promote sa amo niya at co-workers na foreigners kung hindi nila maintindihan...hahaha! Keber ko naman, joke!


See you later!!!

--

Add me on Facebook
Visit my Page



Saturday, November 1, 2014

Friendship Over Relationship

Naranasan n`yo na bang umibig sa isang kaibigan at naging kayo talaga? Paano kung makipaghiwalay siya sa iyo para hindi masira ang friendship n`yo?

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magpo-post ako rito ng tungkol sa boyfriend ko, hindi magtatagal, naghihiwalay kami. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-post sa aking blog. Maliban nga sa broken-hearted ang inyong lingkod nang mga panahong iyon, mejo busy lang po talaga ako (sa mga outing ng barkada. hehehe).

So, unfortunately, naghiwalay nga kami. Isang linggo bago nangyari iyon, nagkaroon kami ng di pagkakaunawan na naging dahilan ng unti-unting pagkahati ng aming barkada. Hanggang sa hindi ko na nakayanan, tinanong ko siya kung ipagpapatuloy pa ba namin ang aming relasyon o hindi. In the end, hiniling niya sa akin na hiwalayan ko siya. Noong una, hindi ako pumayag dahil natatakot akong baka lumayo siya nang tuluyan sa barkada at masisira ang pagkakaibigang binuo namin. Nang ipangako niyang magkaibigan pa rin kami at gusto niya talagang mapag-isa, doon na ako pumayag kahit masakit sa loob ko.

The funny thing is, iyong mga kaibigan namin na nakalimutan kong sabihan na wala na kami, na-shocked sa balitang wala na kami after almost one week dahil parang walang nagbago sa amin. Mas sweet pa nga raw kami kesa noon. Nakakatuwa, hindi ba?

On the other hand, puso ko naman ang nagdurusa. Yung tipong "You`re so near yet so far"? Close nga kami pero hindi ko na siya pwedeng yakapin, i-holding hands o halikan. Kahit sabihin pang walang nagbago sa pagkakaibigan namin, ang laki naman ng ipinagbago niya sa pakikitungo sa akin. Wala akonng magawa kasi nga wala na kami. Magkaibigan na lamang kami ngayon.

Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano kaya ang gagawin mo? Pipiliin mo bang hindi na lamang siya pansinin kahit masira ang pagkakaibigan n`yo o mas pipiliin mong makasama siya kahit patuloy na nagdurugo ang puso mo?


Friday, March 7, 2014

UNEXPECTED LOVE...Bagong Lablayp ni Okz


"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na. Siguradong huli ka..."

Hindi ko makakalimutan ang kantang ito. Ginawan kasi namin ito ng live music video sa aming Humanities 1 noon. At sino ba namang mag-aakalang tatamaan din ako ng kantang ito?

December 2013. Nagpasya akong pumunta ng Maynila para doon magtrabaho. Pero ang totoo, tatakas lang naman ako. Papalapit na kasi ang Grand Alumni Homecoming namin. Ako pa naman ang batch coordinator pero nahihiya akong um-attend kasi wala akong trabaho. Alam mo yun...pride, insecurities, and stuff. Kaya lang, nangako na ako sa mga batchmates ko na magpapaprint kami ng T-shirts so kinailangan kong umuwi para asikasuhin iyon. 

December first week, dumating ako sa amin. Pumunta ako agad sa Demi Internet Cafe kung saan nagtatrabaho ang isa kong batchmate na si Fremie. Nag-FB ako para ipaalam sa mga batchmates ko na umuwi na ako at kailangan ko na ang mga bayad nila para sa T-Shirts. Siyempre, nagkumustahan kami ni Fremie at nasabi ko nga sa kanya na luluwas ako ng Maynila. Hindi siya pumayag. Kinumbinsi niya akong huwag pumunta at um-attend ng homecoming namin. Hanggang sa naka-attend na nga ako ng homecoming.

After ng homecoming, iyon pa rin ang plano ko--luluwas ng Maynila. First attempt, short sa budget. May pambili ng ticket pero walang allowance. Alangan naman daw hangin ang kakainin ko doon, so hindi ako natuloy. Umabot ako ng new year. At lumampas na nga.


Habang napapadalas ang pagpunta ko sa Demi dahil na nga rin sa wala akong magawa, pinagselosan ako ng admirer ni Fremie na si Anne. Noong bago pa lang kaming magkakilala, naging magkaibigan pa kami. Inaamin niya sa akin na nagseselos daw siya sa akin at sa iba pa naming batchmates na babae na lumalapit kay Fremie. Everyday, halos siya lang ang topic namin. At kung hindi dahil sa kanya, hindi kami magkakalapit ng bago kong boyfriend ngayon. 

Siya si James pero ang tawag ko sa kanya Carlos, hango na rin sa second name niyang Carl. Anyway, nang minsang wala ang kuya kong si Fremie, nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap--at wala rin naman kaming ibang topic kundi si Anne. Masyado kasing selosa ang babaeng iyon na kung umasta`y akala mo girlfriend siya ni Kuya, eh hindi nga sila MU as in mutual understanding. Misunderstanding, oo. Dahil sweet si Kuya sa kanya, akala niya may gusto rin ito sa kanya, eh sweet naman talaga siya sa lahat ng mga kaibigan niyang babae. 


Anyway, iyon na nga ang simula ng pagiging malapit namin ni Carlos sa isa`t isa. Then, isa pa itong si Dhadz. Sa sobrang feeling close ng bestfriend namin ni Kuya, kinakausap niya si Carlos at nilalapitan. Habang ito namang si Carlos na tila allergic yata sa mga tao, tumatahimik lang o ngumingiti lang na parang nahihiya namang magpalayas sa amin. Pero dahil iisa ang likaw ng bituka naming tatlo, sinikap naming isali si Carlos sa grupo namin. Hindi naman dahil sa naaawa kami sa kanya. Una, dahil nakakaasiwa naman na si Kuya lang ang pinapansin namin kapag pumupunta kami doon gayong magkasama sila sa trabaho. Ayaw naming ma-OP siya. Of course, alam naman kasi namin ang feeling. Pangalawa, gusto rin naman namin siyang maging kaibigan. Personally, alam ko ang mga ganoong tipo dahil minsan na rin akong naging ganoon. Iyong gusto mong magkaroon ng kaibigan pero nahihiya o natatakot ka lang makipagkaibigan kaya tumatahimik ka na lang sa isang tabi. At pangatlo, mababait lang talaga kaming tao. (HAHAHA!) Pero hindi pa rin naging sapat iyon.

Minsan, noong lamay ng Papa ni Dhadz, naisipan ko siyang i-textmate dahil wala naman akong ibang magawa at para may pampalipas-oras ako habang hindi ko pa gustong matulog. Pero nabuking rin naman niya ako agad. Lol! Well, nagpatuloy pa rin kami. Hindi ko alam na iyon na nga pala talaga ang magiging simula ng lahat. Ilang araw pagkatapos noon, nagsimula na siyang mag-open up sa akin sa text. Nagsimula siyang magkwento ng tungkol sa buhay niya. Palitan kami ng kwento. Minsan pinagalitan pa nga niya ako dahil naikwento niya sa akin ang isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa iba. 

Days passed, umabot na kami ng madaling araw sa pagtetext. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nauubusan ng topic. Hanggang sa nagsimula na siyang tumawag. Gabi-gabi na siyang tumatawag sa akin. Kwentuhan pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at gustong-gusto kong magkwento sa kanya dahil matiyaga siyang nakikinig sa akin kahit napakadaldal ko. Hindi ko naramdaman minsan na boring akong kausap or annoying. Basta matiyaga lang siyang nakikinig at nagre-react din kung minsan. He was the first guy na naging interesado sa buhay ko--sa pinakadetalye ng buhay ko. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya nang hindi ko namamalayan. Or maybe I did, but I just ignored it kasi alam ko namang aalis na rin ako anytime soon. Mawawala rin ito at makakalimutan ko rin siya. 

Then one month has passed. February na agad. Napansin ko na kakaiba na ang mga ikinikilos niya at ang treatment niya sa akin. Being a romance novel writer, masasabi kong signs na nga iyon. May gusto siya sa akin--just an instinct but more on assumption. Sa dinami-rami rin naman ng naging crush ko na kunwari special ang treatment sa akin iyon pala pinasasakay lang ako, siguro nadala na rin ako. So, I just thought na i-enjoy ko na lang. Totoo man o hindi, i-enjoy ko na lang hanggang sa makaalis ako. 


Habang lumilipas ang araw, lumalalim na ang pagkakaibigan namin. Halos lahat ng makakita sa amin, nakakahalata na. Parang may something na daw sa aming dalawa. Kahit hindi niya aminin, alam ko nang totoo ang hinala ko. May gusto nga siya sa akin. Pero habang iniisip ko iyon, naiisip ko rin na malapit na akong umalis. Hiniling ko na nga na makaalis na ako agad para makalimutan na niya ako agad at matapos na ang paghihirap niya. But then one night, nang sabihin kong aalis na ako, tumawag ulit siya sa akin gaya nang dati. Pero hindi gaya ng dati, seryoso ang naging usapan namin. Tatlong beses akong napaiyak. Umiyak ako dahil nasasaktan ako para sa kanya. Kasalanan ko naman kasi. Kasalanan ko dahil lumapit pa ako sa kanya. Kung hindi lang sana ako lumapit, hindi sana mahuhulog ang loob niya sa akin. Hindi sana siya magkakagusto at hindi siya masasaktan sa pag-alis ko. At ang pinakahindi ko inaasahan ay ang pagtanong niya sa akin nang diretso. Tinanong niya ako kung may gusto rin ba ako sa kanya. Hindi na siya aamin kasi kahit hindi naman siya magsalita, alam naman niya na alam ko na. So, ang sagot ko na lang ang gusto niyang marinig. That time, ang tagal kong nakasagot. Ayoko talagang sagutin. Inisip ko kasi kung anong magiging epekto ng sagot ko. Either way, masasaktan lang kami pareho. Kung binasted ko siya, siguradong babalik na naman siya sa dati niyang buhay--lonely, bitter and hopeless. Ayokong mangyari iyon. He`s been a good friend to me at ayokong maging ganoon na lang siya habang-buhay. Sigurado rin akong hindi na niya ako kakausapin, maaapektuhan ang iba pa naming mga kaibigan at mawawasak ang D' FRAJ. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan. Kung sinabi kong hindi, magsisinungaling ako sa sarili ko at sa kanya. Deep inside, I know gusto ko siya but not enough para maging kami. Sabi nga niya duwag ako. Oo, duwag ako. Sino ba naman ang hindi maduduwag sa dami ng failures mo sa lovelife? Sino ba naman ang hindi matatakot na magmahal nang isa pa? Pero dahil naging honest nga siya sa akin,  naging honest na rin ako sa kanya. Sinabi ko ang totoo. Sumugal ako. Naging matapang ako para sa kanya kahit hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko kayang panindigan ang relasyon namin o kung kakayanin ko ba talaga. Bahala na. Sanay naman akong masaktan, eh. Immune na ako do`n. 

Ngayon, more than two weeks na kami. Hindi ko alam na magiging masaya pala ako bilang girlfriend niya. Hindi ko in-expect na magiging ganoon din kasaya ang mga kaibigan namin para sa aming dalawa. Inakala ko magiging tulad na naman ng dati. Kayo na parang hindi. Siguro ganoon nga talaga ang love. Hindi mo aakalain...hindi mo ini-expect...bigla na lang darating sa buhay mo...bigla na lang titibok ang puso mo para sa isang taong noon mo lang naman nakilala...na ni sa hinagap hindi mo inakalang mamahalin ka at mamahalin mo rin. Kita mo nga ako. Sino bang mag-aakalang magkaka-boyfriend pa ako doon, eh, aalis na nga ako? Sino bang mag-aakalang doon ko lang pala matatagpuan ang bago kong pag-ibig? Sabi ko nga hindi ako maghahanap. Dapat ako ang hahanapin. Eh, paano ba iyan, hindi rin naman niya ako hinanap. Bigla akong dumating sa buhay niya. Malay ko rin bang magiging kami pala. Hayyy....buhay nga naman. Siguro kung hindi ko siya sinagot, ang magiging theme song namin, "Ba`t Di Ko Ba Nasabi." Oh well, maswerte lang siguro siya. Sawa na kasi akong mag-regret. Ilang pag-ibig na ba ang nawala sa akin dahil lang hindi ko inamin na may gusto ako sa taong iyon. But then, dalagang-Pilipina kasi...Whatever. Basta ako, masaya ako na kinaya kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Masaya ako na naging matapang ako. Bahala na kung anong mangyari sa amin. Hindi man siya ang makatuluyan ko habang-buhay, at least hindi ko pagsisisihang hindi ko inamin sa kanya na gusto ko rin siya at ngayo`y mahal ko na rin siya. "Whatever happens, happens." Iyon ang motto namin ngayon. So enjoy the moment at go with the flow na lang kami.

<3



POSTING OF FIGHT FOR LOVE...SA Wattpad Na!

Dear friends,

Pasensya na po kayo sa sobrang tagal ng aking updates sa Fight for Love. Ang totoo, hindi naman po ako tumigil sa pagsusulat. Tumigil lang po ako sa pagpopost ng updates kasi hindi po ako laging nakakapag-internet since nasa probinsya ako nitong mga nakaraang buwan. So, I decided na doon na lamang sa Wattpad idiretso ang mga UD ko. But in case mag-demand kayo na magpost din ako rito sa blog ko, I`ll try to post kapag hindi na po talaga ako busy. Sana naman po naiintindihan n`yo ako.


Lubong na nagmamahal,
Anjustin

Tuesday, October 15, 2013

The Girl Who Longs for A Friend


First impression talaga sa akin ng mga taong personal na nakakakilala sa akin, tahimik daw akong tao. Hindi nagsasalita, at kung nagsasalita man, laging may sense, pinag-iisipan at konti lang. Hindi ako nakikipag-usap nang basta-basta kahit kanino at hindi rin ako nagsasalita tungkol sa mga walang kwentang bagay para lang may makausap o mapag-usapan. Hindi rin ako sumasagot kapag hindi tinatanong at hindi nagsasalita kapag hindi kinakausap. I used to be a serious girl with few words. That`s because I don`t trust people so easily. 

Hindi ako maarte at namimili ng kaibigan. In fact gustong-gusto ko ng maraming kaibigan at masali sa iba`t ibang grupo kung saan marami akong pwedeng maging kaibigan--whom I could trust with. Kung may isa man akong hobby noon na ngayon ko lang na-realize, iyon ay ang mangolekta ng iba`t ibang klase ng mga kaibigan. I love being with different groups of people. Napasali na ako sa mga tambay, mga tahimik at mahihinhin na tao, maiingay, religious people, people with "curse tongues", drunkards, at mga fanatic. I was even friends with drug addicts (pero buti na lang hindi ako napasali sa kanila). I was hungry for friends especially real friends. Pero sa dami ng nakolekta kong kaibigan, mabibilang lang sa daliri ang mga naging tunay kong kaibigan.

I`ve been a loner for almost twenty years, longing for a friend to open up with. Because I have trust issues, dahil na rin sa takot akong ma-judge at ma-betray, I only have myself to talk to and share my thoughts with. I was looking for someone who has an open heart to listen to everything I have to say without judging me right away, and I haven`t found one. Until I met those four amazing people, who would become my friends for life.


Isa lamang akong salinpusa sa grupo nila. Bago pa ako sumali sa kanila, may iba na akong naging kaibigan. Sila naman ay nauna nang maging magkaibigan. Bagama`t magkaklase kami sa college, hindi kami naging ganoon ka-close upang tawaging magkaibigan. But then one day, naramdaman kong gusto ko silang maging kaibigan. Sumama ako sa kanila. Hindi naman sila nagreklamo. Nang makita ko kung gaano sila kabait at naramdaman kong welcome ako sa kanila, hindi na ako nagdalawang-isip na sumali pa. I was different from the four of them. Lumaki ako sa probinsya kaya iba ang kilos at pananalita ko. Pero hindi nila ako itinuring na iba or out of place. Inasikaso nila akong mabuti, inaruga, inalagaan na parang isang pamilya. Sila ang pumuno sa kahungkagang nararamdaman ko for twenty years. Sila ang nagbukas ng puso ko na magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin. Sila ang nagtulak sa akin na maging matapang, maging tunay na ako.

Be yourself, iyon ang tila ipinapaintindi nila sa akin araw-araw. Dalawa lang naman ang magiging reaksyon ng mga taong makakarinig ng kwento mo--maiintindihan ka o deadma lang. Ang mga taong walang interes sa iyo, walang pakialam sa mga sasabihin mo. Pero ang mga taong may malasakit sa iyo, makikinig sila sa iyo, papayuhan ka pero kailanman ay hindi ka huhusgahan.

Sa tuwing binabalikan ko ang mga sandaling iyon, nagiging emosyonal ako. Maraming natatawa sa akin dahil masyado daw akong emo o sentimental. Maging sila man ay kinakantyawan ako. Pero hindi ko ikinahihiya iyon. I am Me, the girl who longs for a friend.