Saturday, November 1, 2014

Friendship Over Relationship

Naranasan n`yo na bang umibig sa isang kaibigan at naging kayo talaga? Paano kung makipaghiwalay siya sa iyo para hindi masira ang friendship n`yo?

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magpo-post ako rito ng tungkol sa boyfriend ko, hindi magtatagal, naghihiwalay kami. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-post sa aking blog. Maliban nga sa broken-hearted ang inyong lingkod nang mga panahong iyon, mejo busy lang po talaga ako (sa mga outing ng barkada. hehehe).

So, unfortunately, naghiwalay nga kami. Isang linggo bago nangyari iyon, nagkaroon kami ng di pagkakaunawan na naging dahilan ng unti-unting pagkahati ng aming barkada. Hanggang sa hindi ko na nakayanan, tinanong ko siya kung ipagpapatuloy pa ba namin ang aming relasyon o hindi. In the end, hiniling niya sa akin na hiwalayan ko siya. Noong una, hindi ako pumayag dahil natatakot akong baka lumayo siya nang tuluyan sa barkada at masisira ang pagkakaibigang binuo namin. Nang ipangako niyang magkaibigan pa rin kami at gusto niya talagang mapag-isa, doon na ako pumayag kahit masakit sa loob ko.

The funny thing is, iyong mga kaibigan namin na nakalimutan kong sabihan na wala na kami, na-shocked sa balitang wala na kami after almost one week dahil parang walang nagbago sa amin. Mas sweet pa nga raw kami kesa noon. Nakakatuwa, hindi ba?

On the other hand, puso ko naman ang nagdurusa. Yung tipong "You`re so near yet so far"? Close nga kami pero hindi ko na siya pwedeng yakapin, i-holding hands o halikan. Kahit sabihin pang walang nagbago sa pagkakaibigan namin, ang laki naman ng ipinagbago niya sa pakikitungo sa akin. Wala akonng magawa kasi nga wala na kami. Magkaibigan na lamang kami ngayon.

Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano kaya ang gagawin mo? Pipiliin mo bang hindi na lamang siya pansinin kahit masira ang pagkakaibigan n`yo o mas pipiliin mong makasama siya kahit patuloy na nagdurugo ang puso mo?


No comments:

Post a Comment