Hindi ako maarte at namimili ng kaibigan. In fact gustong-gusto ko ng maraming kaibigan at masali sa iba`t ibang grupo kung saan marami akong pwedeng maging kaibigan--whom I could trust with. Kung may isa man akong hobby noon na ngayon ko lang na-realize, iyon ay ang mangolekta ng iba`t ibang klase ng mga kaibigan. I love being with different groups of people. Napasali na ako sa mga tambay, mga tahimik at mahihinhin na tao, maiingay, religious people, people with "curse tongues", drunkards, at mga fanatic. I was even friends with drug addicts (pero buti na lang hindi ako napasali sa kanila). I was hungry for friends especially real friends. Pero sa dami ng nakolekta kong kaibigan, mabibilang lang sa daliri ang mga naging tunay kong kaibigan.
I`ve been a loner for almost twenty years, longing for a friend to open up with. Because I have trust issues, dahil na rin sa takot akong ma-judge at ma-betray, I only have myself to talk to and share my thoughts with. I was looking for someone who has an open heart to listen to everything I have to say without judging me right away, and I haven`t found one. Until I met those four amazing people, who would become my friends for life.
Isa lamang akong salinpusa sa grupo nila. Bago pa ako sumali sa kanila, may iba na akong naging kaibigan. Sila naman ay nauna nang maging magkaibigan. Bagama`t magkaklase kami sa college, hindi kami naging ganoon ka-close upang tawaging magkaibigan. But then one day, naramdaman kong gusto ko silang maging kaibigan. Sumama ako sa kanila. Hindi naman sila nagreklamo. Nang makita ko kung gaano sila kabait at naramdaman kong welcome ako sa kanila, hindi na ako nagdalawang-isip na sumali pa. I was different from the four of them. Lumaki ako sa probinsya kaya iba ang kilos at pananalita ko. Pero hindi nila ako itinuring na iba or out of place. Inasikaso nila akong mabuti, inaruga, inalagaan na parang isang pamilya. Sila ang pumuno sa kahungkagang nararamdaman ko for twenty years. Sila ang nagbukas ng puso ko na magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin. Sila ang nagtulak sa akin na maging matapang, maging tunay na ako.
Be yourself, iyon ang tila ipinapaintindi nila sa akin araw-araw. Dalawa lang naman ang magiging reaksyon ng mga taong makakarinig ng kwento mo--maiintindihan ka o deadma lang. Ang mga taong walang interes sa iyo, walang pakialam sa mga sasabihin mo. Pero ang mga taong may malasakit sa iyo, makikinig sila sa iyo, papayuhan ka pero kailanman ay hindi ka huhusgahan.
Sa tuwing binabalikan ko ang mga sandaling iyon, nagiging emosyonal ako. Maraming natatawa sa akin dahil masyado daw akong emo o sentimental. Maging sila man ay kinakantyawan ako. Pero hindi ko ikinahihiya iyon. I am Me, the girl who longs for a friend.
No comments:
Post a Comment