"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na. Siguradong huli ka..."
Hindi ko makakalimutan ang kantang ito. Ginawan kasi namin ito ng live music video sa aming Humanities 1 noon. At sino ba namang mag-aakalang tatamaan din ako ng kantang ito?
December 2013. Nagpasya akong pumunta ng Maynila para doon magtrabaho. Pero ang totoo, tatakas lang naman ako. Papalapit na kasi ang Grand Alumni Homecoming namin. Ako pa naman ang batch coordinator pero nahihiya akong um-attend kasi wala akong trabaho. Alam mo yun...pride, insecurities, and stuff. Kaya lang, nangako na ako sa mga batchmates ko na magpapaprint kami ng T-shirts so kinailangan kong umuwi para asikasuhin iyon.
December first week, dumating ako sa amin. Pumunta ako agad sa Demi Internet Cafe kung saan nagtatrabaho ang isa kong batchmate na si Fremie. Nag-FB ako para ipaalam sa mga batchmates ko na umuwi na ako at kailangan ko na ang mga bayad nila para sa T-Shirts. Siyempre, nagkumustahan kami ni Fremie at nasabi ko nga sa kanya na luluwas ako ng Maynila. Hindi siya pumayag. Kinumbinsi niya akong huwag pumunta at um-attend ng homecoming namin. Hanggang sa naka-attend na nga ako ng homecoming.
After ng homecoming, iyon pa rin ang plano ko--luluwas ng Maynila. First attempt, short sa budget. May pambili ng ticket pero walang allowance. Alangan naman daw hangin ang kakainin ko doon, so hindi ako natuloy. Umabot ako ng new year. At lumampas na nga.
Habang napapadalas ang pagpunta ko sa Demi dahil na nga rin sa wala akong magawa, pinagselosan ako ng admirer ni Fremie na si Anne. Noong bago pa lang kaming magkakilala, naging magkaibigan pa kami. Inaamin niya sa akin na nagseselos daw siya sa akin at sa iba pa naming batchmates na babae na lumalapit kay Fremie. Everyday, halos siya lang ang topic namin. At kung hindi dahil sa kanya, hindi kami magkakalapit ng bago kong boyfriend ngayon.
Siya si James pero ang tawag ko sa kanya Carlos, hango na rin sa second name niyang Carl. Anyway, nang minsang wala ang kuya kong si Fremie, nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap--at wala rin naman kaming ibang topic kundi si Anne. Masyado kasing selosa ang babaeng iyon na kung umasta`y akala mo girlfriend siya ni Kuya, eh hindi nga sila MU as in mutual understanding. Misunderstanding, oo. Dahil sweet si Kuya sa kanya, akala niya may gusto rin ito sa kanya, eh sweet naman talaga siya sa lahat ng mga kaibigan niyang babae.
Anyway, iyon na nga ang simula ng pagiging malapit namin ni Carlos sa isa`t isa. Then, isa pa itong si Dhadz. Sa sobrang feeling close ng bestfriend namin ni Kuya, kinakausap niya si Carlos at nilalapitan. Habang ito namang si Carlos na tila allergic yata sa mga tao, tumatahimik lang o ngumingiti lang na parang nahihiya namang magpalayas sa amin. Pero dahil iisa ang likaw ng bituka naming tatlo, sinikap naming isali si Carlos sa grupo namin. Hindi naman dahil sa naaawa kami sa kanya. Una, dahil nakakaasiwa naman na si Kuya lang ang pinapansin namin kapag pumupunta kami doon gayong magkasama sila sa trabaho. Ayaw naming ma-OP siya. Of course, alam naman kasi namin ang feeling. Pangalawa, gusto rin naman namin siyang maging kaibigan. Personally, alam ko ang mga ganoong tipo dahil minsan na rin akong naging ganoon. Iyong gusto mong magkaroon ng kaibigan pero nahihiya o natatakot ka lang makipagkaibigan kaya tumatahimik ka na lang sa isang tabi. At pangatlo, mababait lang talaga kaming tao. (HAHAHA!) Pero hindi pa rin naging sapat iyon.
Minsan, noong lamay ng Papa ni Dhadz, naisipan ko siyang i-textmate dahil wala naman akong ibang magawa at para may pampalipas-oras ako habang hindi ko pa gustong matulog. Pero nabuking rin naman niya ako agad. Lol! Well, nagpatuloy pa rin kami. Hindi ko alam na iyon na nga pala talaga ang magiging simula ng lahat. Ilang araw pagkatapos noon, nagsimula na siyang mag-open up sa akin sa text. Nagsimula siyang magkwento ng tungkol sa buhay niya. Palitan kami ng kwento. Minsan pinagalitan pa nga niya ako dahil naikwento niya sa akin ang isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa iba.
Days passed, umabot na kami ng madaling araw sa pagtetext. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nauubusan ng topic. Hanggang sa nagsimula na siyang tumawag. Gabi-gabi na siyang tumatawag sa akin. Kwentuhan pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at gustong-gusto kong magkwento sa kanya dahil matiyaga siyang nakikinig sa akin kahit napakadaldal ko. Hindi ko naramdaman minsan na boring akong kausap or annoying. Basta matiyaga lang siyang nakikinig at nagre-react din kung minsan. He was the first guy na naging interesado sa buhay ko--sa pinakadetalye ng buhay ko. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya nang hindi ko namamalayan. Or maybe I did, but I just ignored it kasi alam ko namang aalis na rin ako anytime soon. Mawawala rin ito at makakalimutan ko rin siya.
Then one month has passed. February na agad. Napansin ko na kakaiba na ang mga ikinikilos niya at ang treatment niya sa akin. Being a romance novel writer, masasabi kong signs na nga iyon. May gusto siya sa akin--just an instinct but more on assumption. Sa dinami-rami rin naman ng naging crush ko na kunwari special ang treatment sa akin iyon pala pinasasakay lang ako, siguro nadala na rin ako. So, I just thought na i-enjoy ko na lang. Totoo man o hindi, i-enjoy ko na lang hanggang sa makaalis ako.
Habang lumilipas ang araw, lumalalim na ang pagkakaibigan namin. Halos lahat ng makakita sa amin, nakakahalata na. Parang may something na daw sa aming dalawa. Kahit hindi niya aminin, alam ko nang totoo ang hinala ko. May gusto nga siya sa akin. Pero habang iniisip ko iyon, naiisip ko rin na malapit na akong umalis. Hiniling ko na nga na makaalis na ako agad para makalimutan na niya ako agad at matapos na ang paghihirap niya. But then one night, nang sabihin kong aalis na ako, tumawag ulit siya sa akin gaya nang dati. Pero hindi gaya ng dati, seryoso ang naging usapan namin. Tatlong beses akong napaiyak. Umiyak ako dahil nasasaktan ako para sa kanya. Kasalanan ko naman kasi. Kasalanan ko dahil lumapit pa ako sa kanya. Kung hindi lang sana ako lumapit, hindi sana mahuhulog ang loob niya sa akin. Hindi sana siya magkakagusto at hindi siya masasaktan sa pag-alis ko. At ang pinakahindi ko inaasahan ay ang pagtanong niya sa akin nang diretso. Tinanong niya ako kung may gusto rin ba ako sa kanya. Hindi na siya aamin kasi kahit hindi naman siya magsalita, alam naman niya na alam ko na. So, ang sagot ko na lang ang gusto niyang marinig. That time, ang tagal kong nakasagot. Ayoko talagang sagutin. Inisip ko kasi kung anong magiging epekto ng sagot ko. Either way, masasaktan lang kami pareho. Kung binasted ko siya, siguradong babalik na naman siya sa dati niyang buhay--lonely, bitter and hopeless. Ayokong mangyari iyon. He`s been a good friend to me at ayokong maging ganoon na lang siya habang-buhay. Sigurado rin akong hindi na niya ako kakausapin, maaapektuhan ang iba pa naming mga kaibigan at mawawasak ang D' FRAJ. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan. Kung sinabi kong hindi, magsisinungaling ako sa sarili ko at sa kanya. Deep inside, I know gusto ko siya but not enough para maging kami. Sabi nga niya duwag ako. Oo, duwag ako. Sino ba naman ang hindi maduduwag sa dami ng failures mo sa lovelife? Sino ba naman ang hindi matatakot na magmahal nang isa pa? Pero dahil naging honest nga siya sa akin, naging honest na rin ako sa kanya. Sinabi ko ang totoo. Sumugal ako. Naging matapang ako para sa kanya kahit hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko kayang panindigan ang relasyon namin o kung kakayanin ko ba talaga. Bahala na. Sanay naman akong masaktan, eh. Immune na ako do`n.
Ngayon, more than two weeks na kami. Hindi ko alam na magiging masaya pala ako bilang girlfriend niya. Hindi ko in-expect na magiging ganoon din kasaya ang mga kaibigan namin para sa aming dalawa. Inakala ko magiging tulad na naman ng dati. Kayo na parang hindi. Siguro ganoon nga talaga ang love. Hindi mo aakalain...hindi mo ini-expect...bigla na lang darating sa buhay mo...bigla na lang titibok ang puso mo para sa isang taong noon mo lang naman nakilala...na ni sa hinagap hindi mo inakalang mamahalin ka at mamahalin mo rin. Kita mo nga ako. Sino bang mag-aakalang magkaka-boyfriend pa ako doon, eh, aalis na nga ako? Sino bang mag-aakalang doon ko lang pala matatagpuan ang bago kong pag-ibig? Sabi ko nga hindi ako maghahanap. Dapat ako ang hahanapin. Eh, paano ba iyan, hindi rin naman niya ako hinanap. Bigla akong dumating sa buhay niya. Malay ko rin bang magiging kami pala. Hayyy....buhay nga naman. Siguro kung hindi ko siya sinagot, ang magiging theme song namin, "Ba`t Di Ko Ba Nasabi." Oh well, maswerte lang siguro siya. Sawa na kasi akong mag-regret. Ilang pag-ibig na ba ang nawala sa akin dahil lang hindi ko inamin na may gusto ako sa taong iyon. But then, dalagang-Pilipina kasi...Whatever. Basta ako, masaya ako na kinaya kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Masaya ako na naging matapang ako. Bahala na kung anong mangyari sa amin. Hindi man siya ang makatuluyan ko habang-buhay, at least hindi ko pagsisisihang hindi ko inamin sa kanya na gusto ko rin siya at ngayo`y mahal ko na rin siya. "Whatever happens, happens." Iyon ang motto namin ngayon. So enjoy the moment at go with the flow na lang kami.
<3
<3
No comments:
Post a Comment