Sunday, October 14, 2012

Adik Kay Gil!



Kilala n`yo ba si Gil Ofarim? Alam n`yo ba kung gaano ako kaadik sa kanya ngayon? Hindi n`yo alam iyon, no? Well, in love na yata ako sa kanya. Nagsisisi tuloy ako kung bakit last 2010 ko lang siya nakilala--I mean, na-discover. Eh, ang tagal-tagal na pala niyang singer at masyado siyang sikat noong elementary pa ako. Bakit ganoon? Bakit puro Westlife, Backstreet Boys at NSync lang ako? Bakit hindi ko man lang siya nakilala?


Alam n`yo bang ang mga pics niya na talagang crush na crush ko ay ten years ago pa? My gulay! After 10 years, saka ko lang nalaman na may isang Gil palang nag-e-exist sa mundo na sobrang gwapo at magpapa-in love sa akin nang ganito.


10 years ago, he was 20 years old. Last 2010 I was 20 years old. Anong connect? Wala lang. Huhuhu. T___T Bakit ganoon? Para akong timang! In love sa mukha ng isang singer na nag-e-exist 10 years  ago. 




Sobrang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon. I don`t know what happened to him. Hindi nga kasi ako nakasunod sa buhay niya. Hindi na rin ako interesadong malaman pa. What for? Hindi siya naging bahagi ng past ko. But his past has become my present. Ang OA ko, di ba?




Alam n`yo bang tumulo ang luha ko habang pinapanood ko ang video nila ni Karylle? Selos? Ang OA lang? Seriously, napaiyak ako. Sabi ko pa nga sa sarili ko, "Bakit hindi ko siya nakilala ten years ago? Bakit wala akong alam tungkol sa kanya? Bakit hindi ko man lang narinig ang tungkol sa kanya?" Mabuti pa ang Moffats, kahit papaano may alam ko. Eh, magkakaibigan lang naman silang lahat. Magkasama pa sila sa ilang mga songs nila. Bakiiiitttt?



TTTT____TTTT

Huwag n`yo na akong pansinin. Matagal ko nang alam na adik ako. Kahit naman ilang beses n`yo akong iparehab, babalik at babalik pa rin ang sakit ko. ^______^





Kahit ilang beses kong panoorin ito, hindi ako magsasawa. Kasi kindat pa lang, nababaliw na talaga ako. Waaahhhh! GIIIILLLL! Bakit ang gwapo mo noon? Bakit hindi kita nakilala noon?

2 comments:

  1. Replies
    1. anong kala mo skn tomboy? nyahaha. lalaki po yan. mahaba lang po buhok niya. yan kc uso noong 90s. :)

      Delete