Thursday, September 6, 2012

I Never Thought That I Could Love




Sabi nila, pag in love ka raw, nagagawa mo lahat ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa o hindi mo aakalaing magagawa mo pala. Ganyan daw katindi ang kapangyarihan ng pag-ibig. Siguro nga tama sila. Misan na rin kasi akong nanibago sa sarili ko noong mga panahong "in love" ako. Hahaha.

Bakit ba ako napunta sa usapang iyan? Ay, kasi ang kantang ito sobrang ganda!
"I never thought that I could love someone as much as I love you."
Ang ganda ng lyrics, di ba? Saka tama siya. Minsan kasi takot tayong magmahal. Pero kapag hinayaan natin ang puso nating magmahal, magugulat na lang tayo na kaya pala nating magmahal nang ganoon katindi. Kaya pala nating ibigay ang lahat para sa taong mahal natin. Kaya pala nating gawin ang lahat para sa taong iniibig natin. Kaya pala nating magsakripisyo, ipagpalit at talikuran ang lahat para sa kanya.

Ako? Ewan. Tingin ko hindi. Siguro nga hindi pa talaga ako nai-in love nang ganoon. Maybe someday. Tapos kapag nangyari iyon, maaalala ko na naman ang kantang ito at sasabihin sa sarili ko na,
"I never thought that I could love."

No comments:

Post a Comment