Friday, August 17, 2012

Ang Special Friend Kong Si Ex



Title pa lang nakakaintriga na, ano? Iilan lang ba ang nagiging magkaibigan pagkatapos ng hiwalayan? Pero sa maniwala kayo o hindi, we are not just friends, close friends pa kami. Dahil kakaiba ang friendship namin, tinawag ko siyang special friend ko.

Sino ba namang mag-aakalang magiging ganito kami ka-close after our break up? Nakakatawang isipin na ngayon pa kami naging open at sweet sa isa`t isa na wala na kami. Paano at bakit nga ba kami naging mag-special friend?

Hindi naman kami magkaibigan noon sa high school. Naging magkaaway pa nga kami. After one year, naging magkaibigan kami. Then, two years after our graduation, nagkita at nagkausap kami ulit at hayun! Niligawan niya ako at naging kami. Things went well, until dumating yung time na na-realize kong bilang magkaibigan lang talaga kami. Alam kong hindi madali para sa kanya ang pakikipaghiwalay ko so I did my best para hindi siya magalit sa akin, hindi siya mabigla at masaktan nang ganoon katindi at hindi masira ang friendship namin. I so much value our friendship. I really did my best para maisalba iyon.

Nasabi ko na ba sa inyong nagbakasyon ako? Well, hindi ko inakala na uuwi rin pala siya. Nagpang-abot kami. Sa totoo lang, takot akong magkita kami ulit kasi baka sa text lang kami okay pero hindi pala sa personal. Isa pa, talagang nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa ginawa ko. However, things went well. Sobrang we enjoyed each other`s company nang gumala kami kung saan-saan last weekend. Last Saturday, nanood kami ng basketball together with our batchmate. Then on Sunday, hindi na sumama sa amin iyon. So, kami na lang dalawa. Sa totoo lang, kinabahan ako. He didn`t mention anything about sa aming dalawa last Saturday. Inisip ko na siguro dahil may iba kaming kasama. Akala ko nagpapanggap lang siya na okay kami. I expected talaga na susumbatan niya ako, tatanungin kung ano ang nangyari, o sisisihin or whatever. But we ended up chatting like bestfriends na sobrang tagal nang hindi nagkita. Ni hindi nga ako makasingit sa usapan kasi ang dami niyang ikinwento sa akin.

Kung kayo ang naging ex niya, kakayanin n`yo bang marinig ang lahat ng mga kalokohan at kabulastugang ginawa niya bago pa naging kayo at hindi pa niya nasasabi sa inyo until nagkahiwalay kayo? At ang lahat ng mga kalokohan at kalandian niya after ng break-up ninyo? Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko last Sunday, magagawa n`yo bang tumawa nang tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan n`yo? Malamang hindi! I`m sure, sasampalin n`yo siya, sisigawan, pagagalitan o aawayin.

Kung kayo naman ang naging ex ko, kaya n`yo bang maging ganoon ka-open sa akin? Kaya n`yo bang ipagtapat ang lahat-lahat--no more no less--without covering yourself or even doubting na baka husgahan ko kayo, iwasan, awayin o siraan sa lahat? Will you trust me enough to tell me the side of you that I consider "dark"? Malamang din ay hindi.

Kaya nga sabi ko, iba ang friendship namin. Special talaga. Sino ba naman kasi ang makakaintindi nang ganoon sa ex ko? Sobrang mahal ko siya as a friend kaya hindi ko siya kayang i-judge. But don`t worry girls, kung isa kayo sa mga naging biktima niya, hinampas ko na siya at binatukan. Pinagsabihan ko na rin siya na magbago. Alam ko nagbago na siya. Mas tumaas na ang respeto niya sa mga babae. Eh, kahit sino namang gagong lalaki rerespetuhin naman din ang mga babae kapag alam nilang matino ito, hindi ba? Anyway, past is past.

I just share it with you kasi naaliw ako nang sobra sa kanya. Hindi ko naman in-expect na magiging ganito pala kaganda ang outcome ng breakup namin. See? Hindi lahat ng breakup negative ang result. Isa pa, sobrang na-overwhelm ako sa trust na binigay niya sa akin. Sobrang thankful naman ako at ako ang napili niyang pagkatiwalaan ng lahat ng mga sekreto niya sa buhay na malamang sa hindi ay hindi alam ng mga kaibigan at pamilya niya. Shhhh. Secret lang din natin ito, ha?

Sa mga nag-aabang ng part 2 (kahit ang totoo part 3 na nga) ng love story namin, haha. Malalaman n`yo iyan next year. Hahaha! Swertehan na lang kung magpang-abot na naman kami nang uwi. Sa mga humirit ng tanong kung kinilig ba ako, ang masasabi ko lang masaya ako that time. Hehehe.

No comments:

Post a Comment