Friday, August 31, 2012
Dear Anjustin
Hello po sa inyong lahat!
Dahil loveless ako ngayon, medyo bored at wala nang maisip na isulat na kwento, gusto ko sanang kayo naman ang magsulat at magbahagi ng mga love stories ninyo o ng mga kaibigan n`yo sa akin sa pamamagitan ng isang e-mail.
Kung may nakakakilig, nakakainis, nakakaiyak o nakakatakot na kwento ng buhay-pag-ibig ninyo o ng kahit na sinong kakilala ninyo, maaari mo itong ibahagi sa akin sa pamamagitan ng pagpapadala through e-mail at justin_angelie@yahoo.com.
Para sa mga TOPpers, may 50 gils kayo bawat e-mail story. Para naman sa hindi TOPpers, maari pa rin kayong mag-send sa akin. Malay n`yo baka matulungan ko pa kayo sa mga problema n`yo. Kapag dumami ang matatanggap ko, gagawan ko ito ng separate blog at ipo-post doon para naman mabasa ng iba, with your consent of course.
Oh, di ba masaya? Nailabas n`yo na ang mga saloobin ninyo, na-inspire n`yo na ako, matutulungan ko pa kayo. Malay n`yo rin, ang kwento n`yo na pala ang susunod na isusulat ko.
Ano pang hinihintay ninyo?
Send na!
P.S. Don`t forget to write "Dear Anjustin" sa subject ng inyong e-mail. Thanks!
Friday, August 17, 2012
Ang Special Friend Kong Si Ex
Title pa lang nakakaintriga na, ano? Iilan lang ba ang nagiging magkaibigan pagkatapos ng hiwalayan? Pero sa maniwala kayo o hindi, we are not just friends, close friends pa kami. Dahil kakaiba ang friendship namin, tinawag ko siyang special friend ko.
Sino ba namang mag-aakalang magiging ganito kami ka-close after our break up? Nakakatawang isipin na ngayon pa kami naging open at sweet sa isa`t isa na wala na kami. Paano at bakit nga ba kami naging mag-special friend?
Hindi naman kami magkaibigan noon sa high school. Naging magkaaway pa nga kami. After one year, naging magkaibigan kami. Then, two years after our graduation, nagkita at nagkausap kami ulit at hayun! Niligawan niya ako at naging kami. Things went well, until dumating yung time na na-realize kong bilang magkaibigan lang talaga kami. Alam kong hindi madali para sa kanya ang pakikipaghiwalay ko so I did my best para hindi siya magalit sa akin, hindi siya mabigla at masaktan nang ganoon katindi at hindi masira ang friendship namin. I so much value our friendship. I really did my best para maisalba iyon.
Nasabi ko na ba sa inyong nagbakasyon ako? Well, hindi ko inakala na uuwi rin pala siya. Nagpang-abot kami. Sa totoo lang, takot akong magkita kami ulit kasi baka sa text lang kami okay pero hindi pala sa personal. Isa pa, talagang nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa ginawa ko. However, things went well. Sobrang we enjoyed each other`s company nang gumala kami kung saan-saan last weekend. Last Saturday, nanood kami ng basketball together with our batchmate. Then on Sunday, hindi na sumama sa amin iyon. So, kami na lang dalawa. Sa totoo lang, kinabahan ako. He didn`t mention anything about sa aming dalawa last Saturday. Inisip ko na siguro dahil may iba kaming kasama. Akala ko nagpapanggap lang siya na okay kami. I expected talaga na susumbatan niya ako, tatanungin kung ano ang nangyari, o sisisihin or whatever. But we ended up chatting like bestfriends na sobrang tagal nang hindi nagkita. Ni hindi nga ako makasingit sa usapan kasi ang dami niyang ikinwento sa akin.
Kung kayo ang naging ex niya, kakayanin n`yo bang marinig ang lahat ng mga kalokohan at kabulastugang ginawa niya bago pa naging kayo at hindi pa niya nasasabi sa inyo until nagkahiwalay kayo? At ang lahat ng mga kalokohan at kalandian niya after ng break-up ninyo? Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko last Sunday, magagawa n`yo bang tumawa nang tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan n`yo? Malamang hindi! I`m sure, sasampalin n`yo siya, sisigawan, pagagalitan o aawayin.
Kung kayo naman ang naging ex ko, kaya n`yo bang maging ganoon ka-open sa akin? Kaya n`yo bang ipagtapat ang lahat-lahat--no more no less--without covering yourself or even doubting na baka husgahan ko kayo, iwasan, awayin o siraan sa lahat? Will you trust me enough to tell me the side of you that I consider "dark"? Malamang din ay hindi.
Kaya nga sabi ko, iba ang friendship namin. Special talaga. Sino ba naman kasi ang makakaintindi nang ganoon sa ex ko? Sobrang mahal ko siya as a friend kaya hindi ko siya kayang i-judge. But don`t worry girls, kung isa kayo sa mga naging biktima niya, hinampas ko na siya at binatukan. Pinagsabihan ko na rin siya na magbago. Alam ko nagbago na siya. Mas tumaas na ang respeto niya sa mga babae. Eh, kahit sino namang gagong lalaki rerespetuhin naman din ang mga babae kapag alam nilang matino ito, hindi ba? Anyway, past is past.
I just share it with you kasi naaliw ako nang sobra sa kanya. Hindi ko naman in-expect na magiging ganito pala kaganda ang outcome ng breakup namin. See? Hindi lahat ng breakup negative ang result. Isa pa, sobrang na-overwhelm ako sa trust na binigay niya sa akin. Sobrang thankful naman ako at ako ang napili niyang pagkatiwalaan ng lahat ng mga sekreto niya sa buhay na malamang sa hindi ay hindi alam ng mga kaibigan at pamilya niya. Shhhh. Secret lang din natin ito, ha?
Sa mga nag-aabang ng part 2 (kahit ang totoo part 3 na nga) ng love story namin, haha. Malalaman n`yo iyan next year. Hahaha! Swertehan na lang kung magpang-abot na naman kami nang uwi. Sa mga humirit ng tanong kung kinilig ba ako, ang masasabi ko lang masaya ako that time. Hehehe.
KAIBIGAN
Minsan, hindi natin napapansin, nagbabago na pala ang paligid. Hindi lang natin namamalayan kasi masyado tayong busy sa mga ginagawa natin. Sa sobrang busy natin, hindi natin namamalayang, pati mga kaibigan natin, nagbabago na. Maybe the friendship is still there but the strong bond that is holding you together is slowly weakening. Unti-unti, nagiging less priority na natin sila or nila tayo. Sa paglipas ng panahon, nati-take for granted na ninyo ang isa`t isa. Until you go back to as normal friends, to ordinary acquaintance and worst, to strangers. Parang rubber band na habang hinihila mo palayo, napuputol. Once na naputol, hinding-hindi mo na maibabalik sa dati.
As time passes by, may mga makikilala tayong bagong kaibigan na mas higit na nakakapalagayan natin ng loob, higit na nakakaaliw, at higit na nakakasabayan natin ng trip. But, don`t forget, walang permanenti sa mundo. Hindi habang-buhay masaya kayo at andyan sila para sa iyo. Minsan, those friends are just there during good times but not in bad times. Hindi kaibigan ang tawag sa kanila--BARKADA o KA-TROPA. At the end of the day, ang unang taong makakapitan mo sa oras ng iyong pangangailangan at pag-iisa ay iyong mga taong minsang naging KAIBIGAN mo at nagpapahalaga sa iyo. Sila iyong mga taong hindi ka iiwan kahit iwan mo pa sila; hindi ka kakalimutan, kahit kinalimutan mo na sila; at hindi ka tatalikuran kahit tinalikuran mo na sila.
Let`s all value every friend we have. Kahit anong mangyari, sila pa rin ang mga KAIBIGAN natin.
Thursday, August 16, 2012
I`m Back!
Hello sa inyo! Nakabalik na rin ako sa wakas. Pasensya na at ang 3-day vacation ko ay naging one week and five days. Hehehe. Basta, mahabang kwento.
Well, nagpahinga lang naman talaga ako sa amin. Pahinga sa pagsusulat, pag-iisip ng mga problema at pag-a-update ng aking status sa Facebook.
Ngayong ako`y nakabalik na, expect more stories, more blog posts, more "chika topics" and more anything. Hehehe.
Thursday, August 2, 2012
My Version of "HALAGA"
Sino ba sa inyo ang hindi nakakaalam ng kantang ito? Sino ba ang hindi magre-react sa lyrics nito? Nakakainis, di ba? "Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko." Minsan nga lang tayong nakakakita ng matitinong lalaki na wagas kung magmahal, inaaway at niloloko pa. Grrrr... Eh, kung siya kaya ang paglaruan at lokohin?
Narito ang version ko ng Halaga. Sobrang naiinis lang talaga ako sa girlfriend mo. Sobrang swerte na nga niya kasi alagang-alaga mo siya, ginagawa mo ang lahat para sa kanya at mahal na mahal mo siya tapos hindi pa rin niya ma-appreciate ang lahat ng ginagawa mo. Lagi ka pa niyang inaaway imbes na lambingin. Hindi ba niya alam na nasa sa iyo na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki? As in lahat-lahat na. Tapos binabalewala ka lang niya. Imposible na yata makahanap ngayon ng lalaking katulad mo--mabait, masipag, maalaga, at tapat kung magmahal. Minsan naiisip ko nga na agawin kita sa kanya. Kaya lang, hindi ka rin naman sasaya kasi...lintik! Kung hindi ka ba sandamakmak na TANGA! Gumising ka nga! Ano bang nakita mo sa kanya? Well, inaamin ko mas maganda siya sa akin. Pero mas hamak naman na mas mabait ako kaysa sa kanya. Hindi mo lang siguro nakikita kung gaano ako kaseryoso at mapagmahal na tao. Siguro iniisip mong pariwara ako at mababang uri ng babae kasi nga para akong lalaki kung umasta--umiinom, naglalakwatsa, at madalas mag-trash talk. Haaaiiizzzt! Ang TANGA mo talaga!
Hindi naman ako magre-react nang ganito kung hindi kita nakikitang miserable at kung hindi mo rin ako ginagawang sumbungan. Bwisit! Sana hindi mo na lang ako sinasabihan ng mga problema mo sa kanya. Nasasaktan ako, eh. Parang gusto kong patayin ang girlfriend mo. Grrr...
Langya talaga wala ka bang ibang alam
Alam kong galit ka na
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng girlfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pangdrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa girlfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang awayin ka
(Chorus)
Sa libu-libong pagkakataon na tayo`y nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Hindi na dapat pagsabihan pa
Wala naman akong karapatang magsalita
Hindi ka rin naman makikinig
Sa isang hamak na lihim na umiibig
[
Ang mga payo ko`y di mo pinapansin
Kasi inlove ka sa kanya at hindi sa akin
Ayoko nang isipin pa
Nasasaktan ako ba`t di mo pa iwanan sya
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na babae na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
(Chorus)
Sa libu-libong pagkakataon na tayo`y nagkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
(Chorus)
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Subscribe to:
Posts (Atom)