Since last week, palaging laman ng balita yung nagaganap na bakbakan sa Zamboanga City. Until now, hindi pa rin nareresolba iyon. Ako naman itong hindi masyadong nakikinig sa balita, biglang napaisip ng kung anu-ano. Lately, nagkakaroon na ako ng mga "weird thoughts" tungkol sa mga nangyayaring kaguluhan sa ating bansa. Why weird? Because I`m sure most people didn`t think about what I`ve been thinking. Sumagi man lang kaya ang mga ito sa isip nila?
WEIRD THOUGHT #1: That incident happened after sumuko si Janeth Napoles at nailipat sa kulungan niya. Siguro alam naman nating lahat ang tungkol sa PORK BARREL SCAM, di ba? (Haven`t heard of it? Saang planeta ka ba nakatira?) Alam n`yo kung anong nangyari sa akin? I felt something like...dejavu? Para bang nangyari na ang ganitong eksena noon, though not really the exact scene. It`s funny na napansin ko lang na the same pattern ang nangyayari ngayon as noon. Yung tipong kapag may nabubulilyasong malaking sekreto ng mga matataas na opisyal na gobyerno, what follows is kaguluhan from other place of the country? Naalala ko kc yung "Hello Garci" scandal ni Gloria tapos hindi pa yata yun natapos (or natapos na ba? cnxa d talaga kasi ako masyadong nanunuod ng balita), naganap yung Maguindanao Massacre. Anong connect? Wala lang. Ewan. Kaya nga weird, di ba? Bakit ba sumagi sa isip ko ito?
WEIRD THOUGHT #2: Nakita ko sa TV Patrol na may hinarang ang militar na isang van taz pagtingin nila, dalawang babae at isang bata yung sakay nun. Lumabas na daw sila ng bahay kc wala na silang makain at gutom na gutom na sila. But then, may sinabi yung isang babae na wala naman daw MNLF silang nakita maski isa. Puro militar lang ang nakita nila at mga bala ng baril na nagliliparan sa kung saan-saan malapit sa bahay nila. Napaisip lang ako, bakit naman wala? MNLF ang may pakana nito, hindi ba? Sila ang suspek...or suspek pa ba ang tawag sa kanila? Pero napaisip na naman ako, paano nga kaya kung wala naman talaga o hindi naman MNLF ang may pakana nito? Eh, kasi naman, puro militar ang nakikita natin sa TV na nakikipagbarilan...oo may naririnig tayong putok na gumaganti, pero wala naman tayong nakitang maski isang kalaban nila. Wala bang namatay? O talagang hindi lang talaga malapitan? Teka, bakit nga pala MNLF ang pinaghinalaan ng mga militar? (Halatang hindi nagbabasa o nanunuod, ano? haha!)
WEIRD THOUGHT #3: Ayon kay Nor Misuari, ang lider ng MNLF na sinasabing silang nanggugulo sa Zamboanga City, wala raw silang kinalaman dito. Eh? Dinial ang peg, teh? Ang dami na ngang nagsilikas at namatay, eh. Pero teka lang, knowing MNLF (Ok, sorry. Hindi ko talaga sila kilala) or the likes of them na may gustong patunayan, or may gustong angkinin, usually kc they will declare and admit it themselves. So, magkaiba kayo ng MILF? Kasi yung mga MILF na lumusob sa amin noon, bulgaran talaga. Nagdedeklara talaga ng giyera kc gusto raw nilang kunin ang lupang dapat sa kanila (Remember the Memorandum Agreement?). Naisip ko lang, kung ako ang lider ng grupo nila at nakikita kong parang "successful" ang first move namin na guluhin ang area, di ba dapat proud ako? "AKO ANG MAY GAWA NIYAN! MATAKOT KAYO SA AKIN!" Hindi ba dapat ganyan ang sasabihin mo? Weird, noh?
WEIRD THOUGHT #4: Kababasa ko lang sa Daily Inquirer na may narecover daw na bangkay ng mga MNLF, pero di naman ipinakita ang actual photo ng mga na-recover na dead bodies or photos of militar carrying them or something like that. Ibang photo ang nakalagay dun sa news section na iyon. Bakit kaya? Siguro hindi allowed ang media na lumapit sa area na iyon. Natural, delikado naman kasi masyado. Baka tamaan pa sila ng ligaw na bala, noh? Hmm...*knods head*
WEIRD THOUGHT #5: Alam n`yo kung ano talaga ang naiisip ko? Na palabas lang ito lahat upang ilihis na naman tayo sa issue ng PORK BARREL SCAM. Ang weird ko talagang mag-isip, ano? Hay ewan ko ba! Masyado na rin siguro nagiging magulo utak ko sa dami ng kaguluhang nangyayari sa bansa natin.
Anyways, let`s pray for the safety of all our fellowmen especially the civilians who were just victims of this unforgivable act. Sana naman magkaroon na ng katahimikan sa Zamboanga City, sa buong Mindanao at sa buong bansa natin. AMEN!
No comments:
Post a Comment