Maliban kay Gil at sa pagsusulat, may isang bagay pa akong kinaadikan--GITARA.
Iyong tipong nanggigigil ako kapag nakakakita ako nito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan at hawakan ito kahit sandali lang.
Iyong tipong nanghihinayang ako kapag naka-hang lang siya o nakasandal sa isang tabi.
Iyong tipong nangangati ang kamay ko kapag nakakakita ako nito at di ko matiis na hindi tumugtog kahit isang kanta lang.
Iyong tipong napapalingon ako lagi sa mga tindahang may display nito.
Iyong tipong kapag nakikinig ako ng music gumagalaw ang mga daliri ko dahil kating-kati akong mag-play.
Iyong tipong kapag nakakarinig ako ng paborito kong kanta, hinahanap ko ito dahil gusto kong sabayan ng tugtog ang musika.
Mas malala pa ang tama ko sa gitara kesa kay Gil o sa pagsusulat.
Kung may isang bagay man akong gustong matanggap ngayong pasko o sa birthday ko o kahit pa kailan, ito lang at wala nang iba. I`m dying to have a new one. Gusto ng bago at mas maganda. Haiiizzzt. Kahit isa man lang ngayong pasko may magregalo sa akin. Sana maregaluhan ko ang sarili ko. Hehehe.
No comments:
Post a Comment