Saturday, September 8, 2012

My Childhood Fantasies



Alam n`yo bang noong bata pa ako, napakahilig kong manood ng mga palabas sa telebisyon at mga pelikula? Ilang pelikula na kaya nina Arnold Schwarzenegger, Nicolas Cage, Harrison Ford, Antonio Banderas, Silvester Stallone, at marami pang Hollywood actors na sikat noon ang napanood ko? Di ko na talaga mabilang. Hindi ko na nga matandaan kung ilang beses ko nang napanood ang Air Force One, Desperado, Con Air, Anaconda, The Rock, The Mummy at The Mummy Returns, Charlie`s Angels at higit sa lahat, The Terminator. At sobrang maraming marami pang iba. 

Hindi lang ako mahilig sa pelikula, mahilig din akong manood ng concert sa VHS or VCD. Backstreet Boys, Westlife, Bon Jovi, Michael Jackson at higit sa lahat, NSync. 

Dahil sa hilig kong ito, hindi maiiwasang maimpluwensyahan ako ng mga napapanood ko. At may mga pagkakataon ding hindi ko nakakalimutan iyon hanggang sa pagtanda ko. Tulad na lang ng mga unang lalaking naging crush ko. Akala n`yo mga kalaro o kaklase ko sila? Hindi po. Mga artista po sila na madalas kong napapanood noon. Gusto n`yo silang makilala?


Napanood n`yo na ba ang 3 Ninjas? Ito si Rocky sa Part 1. Ang cute niya talaga noon. Talagang gusto ko ang buhok niya at ang ngiti niya. Sobrang addict ako sa 3 Ninjas noon kahit hanggang nag-college ako. Nag-download talaga ako at pinanood ulit iyon. Hahaha. Adik lang?


Ito naman si Colt sa Part 1. Cute din siya, di ba? Uo. Super cute talaga ang mga bida ng 3 Ninjas. Kaya nga ako na-addict sa kanila, eh. Siyempre, bata pa ako at minsan lang ako nakakakita ng gwapo. Hahaha.


Ito naman si Tum-Tum sa Part 2. Siya talaga ang pinaka-cute sa kanila. No wonder sobrang gwapo niya paglaki. Hahaha. 


Ito si John Connor sa Terminator 2. Siya ang first love ko. Sobrang in love ako sa batang ito noon. Sa kanya ko nga pinangalan ang name ng ideal man ko, eh. Hahaha. And I really like his hair. Mahilig ako sa booker, eh. Ang pangit na niya paglaki, ano? Sobrang tanda na niya kasi kaysa sa akin.


The last but not the least, ito si Justin. Ang totoong Justin ng buhay ko. Hindi ko type ang kulot niyang buhok pero sobrang na-in love ako sa boses at talent niya sa pagsayaw. Galing-galing! NSync talaga ang paborito kong banda noon. Hindi kasi ako nagsasawa sa mga steps nila. Ginagaya nga namin dati iyon, eh. 


Oh, hayan! Lima lang naman sila. Hehehe. 


No comments:

Post a Comment