Nabasa n`yo na ba ang sinulat ni Justin sa T.O.P. na "Kung Ako Naging Boyfriend Mo"? Oo, iyon nga. Iyon nga mismo ang dahilan kung bakit gusto kong maging lalaki minsan. Eh, kasi naman sa panahon ngayon, tingin ng mga babae lahat ng lalaki mga walanghiya, walang kwenta at walang puso. Hindi naman po totoo iyon. Sobrang bait kaya ng papa ko. Mahal na mahal niya po ang mama ko.
Nakarinig na ba kayo ng pamilyang muntik nang mawasak pero hindi natuloy dahil may mga anak sila? Bale, iyong mga anak lang nila ang nagbibigkis sa pamilya nila kaya buo pa rin sila? Ibahin n`yo ang pamilya namin. Ang pagmamahal ng papa ko sa mama ko ang nagbibigkis sa aming lahat para maging buo kami. Sa madaling salita, hawak ng mama ko ang kinabukasan ng pamilya namin. Salamat sa Diyos at buo pa rin kami hanggang ngayon.
Noong bata pa ako, sobrang mortal enemy kami ng nakababatang kapatid ko. Dalawa nga lang kami pero daig pa namin ang sampung anak kung mag-away kami kasi sobrang ingay, pisikalan at warshock! Parang masisira na ang bahay namin kapag nag-wild na ang kapatid ko. There were times na muntik na rin kaming magpatayan dalawa. To think na mga babae pa naman kami. Hahaha!
Anyways, napuno na sa amin ang Papa ko. Alam n`yo kung anong sabi niya sa amin na hinding-hindi ko makakalimutan? "Kung hindi ko lang mahal ang mama ninyo, iniwan ko na kayo." Sobrang swerte namin, hindi ba? Lihim akong napaiyak nang gabing iyon at mas lalo kong minahal ang mama at papa ko. Noon nagsimula ang lalong pagtaas ng respeto at paghanga ko sa papa ko. Kahit pala umiinom at naninigarilyo ang papa ko, at hindi siya iyong ideal man na iniisip ko, but deep inside him, may isang pusong tapat at wagas kung magmahal.
So, iyon nga ang sinasabi ko. Hindi lahat ng mga lalaki katulad ng mga sinabi ni Justin. Kaya nga minsan gusto kong maging lalaki para naman may ibang makaranas ng pagmamahal na katulad ng sa papa ko. Hindi ko pa rin kasi nararanasan iyon, eh. Iyong hindi ka pinapagawa ng mabibigat na trabaho kasi baka mapagod ka. Pinapakain ka sa tamang oras kasi baka magkasakit ka. Kinakantahan ka sa harap ng mga barkada niya kapag nagkataong nagkakantahan sila at sinasayaw ka pa. Ipinagmamalaki ka sa lahat na ikaw ang kaisa-isang babaeng minamahal niya. Ang sarap ng feeling, di ba?
Oo na. Ako na ang inggit sa mama ko. Kaya nga madalas, hinihiram ko si Papa sa kanya. Hehehe. At kung hindi n`yo pa alam, kaya nga andyan si Justin. Sobrang bait niya, di ba? Oo, ako lang naman si Justin. Binuking ko na ang sarili ko. Kasalanan n`yo rin naman ito, eh. Kung bakit ba naman ako tinatawag na kuya at napagkakamalan pang lalaki. Pero talagang sobrang gusto kong maging si Justin kung hindi man ako makatagpo ng isang katulad niya--isang katulad ng papa kol. Kung hindi man ako makatagpo ng lalaking katulad nila, eh, ako na lang. Nyahaha!
Hala! Ingat kayo sa akin! Baka isang araw, ligawan ko kayo. Nyak!
WAHAHAHA!