I Love You, Pinsan
--nasimulan ko na po ito. Nasa gilid ang Teaser at Chapter 1. Gusto ko na siyang tapusin
Sana`y Ako Na Lang
--nasimulan ko na itong ipost sa T.O.P. pero hindi ko pa talaga matapos-tapos
My Top Post-Liker Presents "Hindi Ko Kasalanan"
--para po ito kina Crystalyn at Precy
My Virtual Boyfriend --nasulat ko na sa older posts ko ang teaser nito. Romantic comedy ito.
Tama Pa Ba Ang Mahalin Ka?
--ewan ko kung saan ko ito ipapasa pero gusto ko talaga siyang isulat. Nasa baba ang Teaser niya.
Love For Sale
--ito sana iyong ipapasa ko sa COH kaso nasira laptop ko. Saka ko na ipopost ang Teaser nito.
Kunwari Lang Pala
--ito ang novel version ng short story na sinulat ko tungkol sa amin ni Foo. Hehehe.
Somewhere Down The Road
--ito ang ipapasa kong novel para sa novel writing ni Pinay para sa OFW at sa TOP din.
A More Complicated Love Story
--part two po ito ng Another Complicated Love Story. Ikakasal na po sina Kristell at Rey dito pero mauudlot iyon dahil sa isang pangyayari. Kung ano man iyon? Abangan n`yo na lang.
Guitar Series Presents Ruvie(Genius Pretender)
--tungkol naman po ito sa love story nina Ruvie at Alex
Campus Sweethearts Series
--maikling kwento lang po ito tungkol sa love story ng mga lovers sa iisang eskwelahan
Ang Pitong Katauhan ni Jeseca
--this will be my first-ever fan-fic anime series na isusulat ko. The anime includes Hunter X Hunter, White Cross, Dragon Ball Z, Flame of Recca, at Ghost Fighter. Love story ito kaya siguradong makaka-relate kayo.
Hayan! Ang dami n`yo nang kwentong aabangan mula sa akin. Sana nga lang ay matapos ko ito agad para naman hindi kayo masyadong mainip at sana nga maisulat ko lahat para hindi kayo manghinayang. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsusubaybay sa mga kwento ko at pagsuporta sa akin. I may not know you but I know andyan lang kau sa tabi-tabi. Thank you all especially sa mga TOPPERS!
Bakit nakaka-addict si Gil? Paano ako na-in love sa kanya? Kung fan ka ni Gil, malamang alam mo na ang sagot. The hair. The look. The talent. The personality. Lahat na siguro nasa kanya na. Pero may mga malungkot na kwento rin sa likod ng mga ngiti ni Gil. Kung ano ang mga iyon? Iyon ang ilan sa mga dahilan kung bakit mas lalo ko siyang minahal ngayon.
THE YOUNG GIL
The first time I heard this song, I was already hooked. Hindi ko pa kilala si Gil noon. For twenty years, I`ve never known about Gil Ofarim. Not even heard his name. It was in 2010, around August and September when I first heard of this song, "It`s Your Love." It was so beautiful. The melody was beautiful. The lyrics were beautiful. The voice was beautiful. Everything in that song was beautiful. So when I had the opportunity, I researched about the artist. The album just had the name Gil, so that`s what I typed in Google image. Pictures of Gil guys immediately appeared. I got headache, really. So I searched for "It`s Your Love gil"...and poof! Someone named Gil Ofarim appeared. That`s when I first "met" Gil.
After nakita ko ang picture ni Gil, akala n`yo ganoon lang iyon? Of course not! Tulad n`yo na-love at first sight din ako sa kanya. My ideal man has always been a long-haired handsome guy, and I`ve never seen anyone who perfectly fits for it. Sinabihan pa ako ng mga kaibigan ko na tomboy raw ako kasi babae ang crush ko. Pero noong pinakita ko iyong picture ni Gil na may muscle sabi naman nila bakla raw itong crush ko! Waaaahhhh! Pinarinig ko na talaga sa kanila ang songs niya. But anyways, who cares? Eh, crush ko `to? Paki n`yo?
At talagang naadik na ako sa mukha ni Gil, his eyes at lalo na sa long hair niya. Hindi kasi siya nakakasawang tingnan. Ang cute-cute niya kasi mukha siyang babae. Gwapo siya kasi mukha siyang babae. Toinks! Astig din kasi siyang manamit. Ewan. Basta lahat sa hitsura niya nakaka-in love. Adik kasi ako sa mga long-haired guys lalo na kapag gwapo.
Maliban sa magandang mukha, biniyayaan pa si Gil ng napakagandang boses. Sobrang unique ng boses niya. Ke-bata-bata pa tapos ganoon na ka-strong ang boses niya. At an early age, his voice sounded like Bryan Adams or Bon Jovi (na parehong mga idols ko) but with a twist. At halos lahat ng mga kanta ni Gil sobrang ganda ng melody. Nakaka-hook pakinggan kasi nakaka-relate ako. Iyong may puso kahit pa pop rock ang genre niya. Hindi rin masyadong maingay at masakit sa tenga. Hindi rin naman nakakaantok. Tamang-tama lang talaga.
Nasabi ko na ba sa inyo na mahilig din akong maggitara? Oo, at medyo may alam din naman ako sa pagtugtog nito. Alam n`yo kung bakit ko pa idol si Gil? Kasi naggigitara rin siya...and magaling pa! Take note, he`s left-handed kaya sobrang unique niya. Sobrang talent naman ang binigay ni Lord sa kanya!
When I listen to any song, hindi lang ang lyrics at melody ang pinapakinggan ko. Higit sa lahat, iyong accompaniment lalo na iyong gitara. Pinapakinggan ko kung paano tinutugtog iyong gitara sa isang kanta. Hindi ko alam kung bakit pero talagang gusto ko ang mga styles ni Gil sa pagtugtog ng gitara. I mean, the chords, the strumming, the plucking...Lahat ng songs niya, iba-iba ng guitar style. Hindi pareho sa ibang mga artists na halos iisang style or stroke lang nag pagkaskas. Nakakasawa ring pakinggan. Sa kanya, talagang may kakaiba at iba-iba. At parang madaling pakinggan pero medyo mahirap pala.
THE GROWN-UP GIL
Ito iyong time na sobrang ang laki ng pinagbago niya na ikinagulat ng lahat ng fans niya. Only his avid fans knew what really happened to him. Kaya noong nalaman ko ang tungkol dito, hindi ko maiwasang mas lalong ma-in love sa kanya. Saka ko lang naiintindihan kung bakit ganoon ang mga kanta niya--the lyrics and the melody. Kung pakikinggan mong mabuti ang mga kanta niya sa album niya mula On My Own hanggang doon sa album ng banda niyang Zoo Army, you can feel the loneliness, his longing for changes and his desire to be what he wanted to be and not what others wanted him to be. Naging fully ROCK na talaga ang mga songs niya. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang quality ng boses niya. Pero may mga taong hindi naka-appreciate sa kanya dahil sa pagbabagong ginawa niya sa buhay niya. They were used to the cute teenage Gil, and now, he was no more. Kaya unti-unting silang nagsialisan at nawala siya sa mundo ng showbiz.
Hindi ko alam kung anong meron kay Gil pero nang malaman ko ang kwentong iyon, sobrang nalungkot ako para sa kanya. Iyong feeling na nag-iisa ka kahit ang daming tao sa paligid mo. Hindi ka masaya kahit nakatawa ka. Iyong pakiramdam na walang nakakaintindi sa iyo. Hindi ka tanggap ng marami kung sino ka talaga at kung ano ang gusto mong maging. Iyong feeling na you have disappointed everybody. Iyong feeling na napag-iwanan ka na ng mga kaibigan mo. Somehow, I empathize him.
Pareho kami ni Gil. Kung ako idinadaan ko sa pagsulat ng mga kwento ang lahat ng mga nararamdaman ko, siya naman idinadaan niya sa pag-compose ng mga kanta. Kung iintindihin n`yong mabuti ang bawat lyrics ng bawat kanta niya, you will feel his heart, see his life and hear his soul--alone and crying. Sobrang nakaka-emote ang mga music niya sa mga panahong ito ng buhay niya. All about loneliness, being alone, the longing for someone, for somebody who could be there for him. Someone who can be there in his darkest hours, when he felt so bad.
But life must go on. Pinahanga niya ako kasi hindi siya tumigil. Wala siyang pakialam kung marami ang hindi tumanggap sa kanyang pagbabago. He continued what he loved doing and went on with his life--his music.
THE MATURED GIL
Kahit malaki na ang pinagbago ng hitsura ni Gil, nariyan pa rin ang mga dati niyang katangian. He is still humble. He is hot! He`s still funny as ever. Kalog pa rin. Hindi na yata mawawala iyon sa kanya. Nariyan pa rin ang pagiging mabait. He`s more determined. Mas palaban. Of course, he`s beautiful voice is still with him, and also his unique style in music.
Hindi ako mahilig sa German songs. Wala nga akong maintindihan ni isang German word. However, tulad ng pag-appreciate ko sa mga Korean songs na hindi ko rin naman maintindihan lahat, I also learned to appreciate Gil`s songs in German. Kahit naman kasi anong lengwahe ang gamitin niya, hindi pa rin nagbabago ang boses niya. Maganda pa rin. At ang husay pa rin niyang mag-compose ng mga kanta. Kahit hindi mo maintindihan ang lyrics, nakakasabay ka naman sa beat at melody ng kanta. Nakaka-engganyong pakinggan kasi nga sobrang ganda ng pagkakagawa and the way he performed every song is so great. Kaya nga, I searched for the English translation ng mga German songs niya para maintindihan ko naman. And yes! I found them at tulad ng iba pa niyang mga kanta, I also feel his heart. Sobrang nakakaadik talaga.
I am not reminiscing my childhood because Gil was never part of my childhood. He is part of my present life. He influenced me in many ways through his music. Bihira lang kasi akong humanga sa isang singer at ma-hook nang ganoon katindi sa kanya. Kay Gil lang. Para siyang libro na ang sarap basahin at hindi nakakasawa kahit paulit-ulit. He made me laugh...He made me cry...Kahit wala naman siyang ginagawa. May kakaibang impact lang talaga si Gil sa buhay ko na ako lang ang nakakaalam at nakakaintindi. In short, he simply inspires me by being what he is!
Currently, he is a talent show called The Voice of Germany. Kaka-perform lang niya last Saturday, and naturally, with his strong voice, he made two of the judges turn to him and see his face. Now, he is currently under the Team Xavier. And I am supporting him all throughout his journey together with millions of his fans around the world!
Hindi ako mahilig sa German songs at lalong hindi ko type ang rock songs maliban kina Bon Jovi. But I learned to appreciate such songs dahil kay Gil. Ewan kung siya nag-compose ng mga kanta nila pero ang ganda talaga ng melody. Ilang beses ko na ngang pinapatugtog ang mga ito, eh. At nag-research din ako sa lyrics and English translation nila para naman maka-relate ako.
Pero mas maganda ang mga acoustic versions nila. Suppeeerrr! Iba talaga kapag si Gil na. Walang kakupas kupas.
Whatever, I still love Gil Ofarim, kahit ano pang hitsura niya. Tingnan n`yo nga. Ang layo-layo na talaga kaysa noon. Pero gwapo pa rin naman. hehehe
Kilala n`yo ba si Gil Ofarim? Alam n`yo ba kung gaano ako kaadik sa kanya ngayon? Hindi n`yo alam iyon, no? Well, in love na yata ako sa kanya. Nagsisisi tuloy ako kung bakit last 2010 ko lang siya nakilala--I mean, na-discover. Eh, ang tagal-tagal na pala niyang singer at masyado siyang sikat noong elementary pa ako. Bakit ganoon? Bakit puro Westlife, Backstreet Boys at NSync lang ako? Bakit hindi ko man lang siya nakilala?
Alam n`yo bang ang mga pics niya na talagang crush na crush ko ay ten years ago pa? My gulay! After 10 years, saka ko lang nalaman na may isang Gil palang nag-e-exist sa mundo na sobrang gwapo at magpapa-in love sa akin nang ganito.
10 years ago, he was 20 years old. Last 2010 I was 20 years old. Anong connect? Wala lang. Huhuhu. T___T Bakit ganoon? Para akong timang! In love sa mukha ng isang singer na nag-e-exist 10 years ago.
Sobrang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon. I don`t know what happened to him. Hindi nga kasi ako nakasunod sa buhay niya. Hindi na rin ako interesadong malaman pa. What for? Hindi siya naging bahagi ng past ko. But his past has become my present. Ang OA ko, di ba?
Alam n`yo bang tumulo ang luha ko habang pinapanood ko ang video nila ni Karylle? Selos? Ang OA lang? Seriously, napaiyak ako. Sabi ko pa nga sa sarili ko, "Bakit hindi ko siya nakilala ten years ago? Bakit wala akong alam tungkol sa kanya? Bakit hindi ko man lang narinig ang tungkol sa kanya?" Mabuti pa ang Moffats, kahit papaano may alam ko. Eh, magkakaibigan lang naman silang lahat. Magkasama pa sila sa ilang mga songs nila. Bakiiiitttt?
TTTT____TTTT
Huwag n`yo na akong pansinin. Matagal ko nang alam na adik ako. Kahit naman ilang beses n`yo akong iparehab, babalik at babalik pa rin ang sakit ko. ^______^
Kahit ilang beses kong panoorin ito, hindi ako magsasawa. Kasi kindat pa lang, nababaliw na talaga ako. Waaahhhh! GIIIILLLL! Bakit ang gwapo mo noon? Bakit hindi kita nakilala noon?